Chapter 6

237 19 1
                                    

Hi! I hope you can support DAUGHTER'S REVENGE by recommending this story in your Facebook, group chats, tiktok, or your any other social media accounts. Maraming salamat po.


Convince

Irish Fhrixe's point of view

"Inuutusan kita pero hindi ka nakikinig dahil lamang sa Online game na'to!" Inis kong bulyaw sa kanya. Inagaw ko ang phone niya.

"Irish... kapag ako ma-defeat lagot ka sa akin," banta ni Redeemer.

I released a fake grin, showing that I'm not afraid on him. Sino ba siya para katakutan ko? He is just a lean in my eyes, nothing else.

"Do you think... Takot ako sayo, payatot?" wika ko sabay off sa cellphone.

"Bakit mo pinawer off? Ibalik mo yan sa akin." Iritable niyang sabi.

Napamaang si Redeemer na nakatingin sa akin. Hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon. Mapakla akong tumawa, katibayan na panalo ako sa laban na sinumulan niya. Inilahad niya ang kanyang palad sa harapan ngunit hindi ko ito pinansin. Kunwari kong sinuri ang kabuuan ng gadget na aking hawak kasunod ay ngumisi ako sabay ang sadyang paghulog dito.

I acted like it was unintentional. "I'm sorry, sinadya ko."

No words came out from his mouth. Daling dinampot ni Redeemer ang cellphone at power on niya agad ito. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kan'yang ginagawa. At the end who won?

"Shit! Ba't mo nilaglag? Sinasabi ko sa'yo kapag-defeat ako sa laro na yun lagot ka sa akin," pagbabanta niya.

Ngiting tagumpay akong tumalikod kay Redeemer, kabaliktran sa naging ekspresyon ng mukha niya na parang natalo ng isang milyon. Sinimulan kong humakbang palayo, napatili na lamang ako nang bigla niya akong binuhat at inakyat sa hagdanan.

"Putangina! Ibaba mo ako kung ayaw mong makatikim ng upper cut!" singhal ko.

Pinalo ko ang kamay ni Redeemer. Nakaramdam ako ng hindi komportable sa kalagayan ko. Ang akala ko matitinag siya sa mga palo ko, kabaliktaran ang nangyayari. Mas lalo panghumigpit ang pagkahawak niya sa akin.

"H'wag kang malikot! Akala mo ba hindi ka mabigat?" ani Redeemer sa malambing na boses.

"I command you to put me down!" brusko kong utos.

Ibinaba ako ni Redeemer sa gitna ng hagdanan. At dahil lamang ng isang akyatan ang kinatatayuan ko kaya nagpantay ang aming mga mukha.

"You know me, kaya kung manakit at kaya kitang saktan." pagbabanta ko sa kanya. Inaksyonan ko siyang itulak pero hindi siya natinag.

A broad smile shown on his lips then suddenly he became very serious. "I know you cannot do that to me. Alam kong kaya mong manakit, pero hindi mo iyon magagawa sa akin. Hindi mo ako kayang saktan."

Napatawa ako sa sinabi ni Redeemer. Seryoso ba siya? Iniisip niya talaga na hindi ko siya kayang saktan? Kaya ko nga siyang patayin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Nagpapatawa ka ba, Redeemer? Talaga bang naniniwala kang hindi kita kayang saktan? Hindi ka takot sa akin?"

DAUGHTER'S REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon