Chapter 37

191 10 0
                                    

Manhid

Irish Fhrixe's point of view

Hindi ko alam kung saang helipad nakapatong itong sinasakyan namin. Basta ang alam ko nasa roptop kami ngayon inaalalayan ni Redeemer na makababa ako sa helicopter. Nang nakababa na ako  marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko na may kasamang masamang titig sa kanya.

"Kaya kong bumabang mag-isa, Redeemer!" Ngumiti ako ng madilim.

"I know," tipid niyang sagot.

Binaling niya ang kanyang paningin sa malayo. Nilingon ko si Gainne na kakababa lang rin sa helicopter, sunod si Leiy na kauna-unahang bumaba sa amin at ngayo'y nakatayo siya sa gilid ni Redeemer. Binalik ko ang tingin kay Gainne. "Asan ba tayo?" Tanong ko dito.

"Nasa isa sa mga bahay tayo ni Francia here in Manila," agad na sagot ni Gainne.

So, nasa Manila kami... Wait, who's Francia?

"Sino si-"

Nahagilap ng gilid ng aking mga mata kung paano dumilim ang mukha ni Redeemer nang marinig niya ang pangalan na Francia kaya naputol ko ang aking pagsasalita. Halata sa mukha ni Redeemer na ang Francia na iyon ay mayroong ginawa sa kanya na hindi kanais-nais. Uusisahin ko pa sana siya ngunit nagsimula na siyang humakbang papalapit sa may hagdanan at ngayo'y nasa bunganga na siya dito.

Sino ba ang Francia na iyon? Bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Redeemer?

"Tayo na, baba na tayo," yaya ni Gainne.

Sumunod si Leiy kay Redeemer at nang hindi ako umimik sumunod rin si Gainne sa mga ito. Ilang minuto pa akong nakatayo roon habang iiniisio si ang naging reaksyon ni Redeemer Bago sumunod sa kanila. Dalawang storage lamang ang bahay. Sa madaling salita, dalawang storage na bahay na mayroong helipad.

Nasa first floor kami, sa sala. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa habang sina Gainne at Redeemer ay nasa malapad na sofa na kaharap sa akin kung saan ako nakaupo. Si Leiy naman ay naghahanda ng tanghalian. Tumingin si Redeemer sa dereksyon ko, kasunod kay Gainne na nasa pinaka-hulihang espasyo ng sofa.

"Kailangan kong umuwi," sabi ni Redeemer. "We ha— I have to stop her."

Naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Redeemer. Maski si Gainne ay halatang naguguluhan rin dahil sa gitla na nasa kanyang noo.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ni Gainne. "Hindi kita maiintindihan..."

Sumulyap muna si Redeemer sa akin bago sumangot. "Nothing, Gainne," he answered calmly. "I just want to go home."

Sinubukan kong basahin ang iniisip ni Redeemer sa pamamagitan ng kanyang reaksiyon ngunit wala akong nahita dito. Inilayo ko na lamang ang aking paningin sa kanya na mayroong inis. Bakit ba ayaw niyang sabihin kung anong pinupunto niya?

"Go, leave!" Inis kong bulyaw. "Umalis kana! Wala namang pipigil sayo."

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Basta nararamdaman ko nalang na inis na inis ako sa Redeemer na ito!

Iniwan ko sila. Dumeretso ako patungong hanggadanan. Ramdam ko ang mga mata nang dalawa na nakasunod sa akin. "Saan ang kwarto ko sa taas?" Tanong ko habang umaakyat ang hagdanan.

"Pumili ka nalang," tinig ni Gainne ang narinig ko.

I breathed sharply. Naiisip ko pa lamang na aalis si Redeemer nagpupuyos na ako sa galit. Bakit ba pa siya aalis? Para sabihan ang mga kasamahan niya kung nasaan ako ngayon? Kaninis! Ba't ba wala akong tiwala sa kanya?

Pagdating ko sa ikalawang palapag, ang unang nakita kong kwarto ang pinasukan ko. Bukas ang ilaw sa loob kaya cheneck ko agad ang kabuuhan ng kwarto. Malinis ang loob. Ang buong kabuuhan nito ay nakapintura ng puti at ang tanging makikita dito ay isang single bed.

DAUGHTER'S REVENGE Where stories live. Discover now