Final chapter

719 12 1
                                    

Huling chapter na po ito, ang susunod ay epilogue.

Francia wanted to reveal all the anger, hate and pain she felt. But the only she did was sat down on the floor, nailing her cold eyes into the trace of blood. She was there almost one hour before Gainne leave.

Tumunog ang cellphone ni Francia, nasa bulsa niya ito. Hindi niya ito pinansin na parang hindi naririnig. Humupa ang ingay ng cellphone ngunit tumunog rin ulit ito. Ganoon pa rin, hinayaan lang niya ito hanggang sa halos umabot na ito nang isang daan na missed call.

Natanto ni Francia na baka si Gainne ang tumatawag at magbabalita tungkol sa kalagayan nina Redeemer at Irish kaya sa muling pagtunog ng cellphone madali niya itong dinukot sa loob ng bulsa.

“Hello, Gainne... Kumusta na sila? Ano nangkalagayan ni Redeemer?”

"Ba't ang tagal mong sumagot?" Gainne sighed on the other line. “Huwag ka nang sumagot, napatawag ako para ibalita sayo na nasa bahay ko sila dinala, nagpapunta nalang ako ng doctors at nurses na tutulong sa akin sa operasyon. Kung itatanong mo kung tapos na ang operasyon... Oo. Pumunta ka nalang dito dahil may mahalaga akong sasabihin sayo."

"Papunta na ako diyan." Pinatay ni Francia ang tawag. Tumakbo siya palabas at pumasok sa kanyang kotse saka pinaharurot ito patungo sa bahay ni Gainne.

Napamura na lamang si Francia nang makita ang check point sa unahan. At that time, the only she thought is to pass the check point whatever happens. She needs to see her son. Kinakailangan niyang gawin ito, ang makipaghabulan sa batas.

Nakalusot si Francia sa checkpoint pero sinusundan naman siya ng mga ito. Pinagbabaril siya buti bullet proof ang kotse niya kaya hindi siya nag-aalala na matamaan dahil alam niyang hindi ito mangyayari. Pinag-aalala niya ay kung paano makasalisi sa mga sumusunod.

Lumingon si Francia sa mga sumusunod sa kanya, malayo-layo pa ang mga ito. Pinagmasdan niya ang paligid nasa tulay siya. Marahas niyang tinabakan ang brick at lumabas ng sasakyan. Ito lamang ang paraan na naiisip niya. Ang tumalon sa tulay na may isang daang taas.

That was Francia did. She put her life in risk to see her son again.

“Nasaan ka na ba, Fracia?!” alalang-alala na si Gainne. Walong oras na ang lumipas nang tumawag siya dito ngunit hindi pa ito dumarating. Pinasundo niya ito sa isang tauhan niya pero wala na raw ito sa bahay kung saan ito naiwan.

Si Gainne ang doktor sa operasyon ni Irish kaya alam niya na hindi malalim ang tama nito sa puso. Pero nagtataka siya kung bakit hindi pa ito nagising. Dapat gising na ito, dapat nagising na ito.

Hinawi ni Gainne ang kurtina sa bintana, pumasok mula roon ang sinag na nagmula sa araw.

Someone opened the door, it was on his back side. Violently, Gainne turned around, bumuntong-hiniga siya nang makitang si Francia ang pumasok. At nang mapansin niya ang bagong dating na basa, kumunot ang noo niya.

"Anong nangyari sayo? Ba't basa ka? Ba't ngayon kalang?" usisa ni Gainne kay Francia.

Nagpasalin-salin ang paningin ni Francia sa dalawang pasyente. Si Redeemer ay may oxygen na naka-kabit habang si Irish ay dextrose. Dahan-dahan siyang humakbang sa gitna ng dalawang katre kung saan nakahinga ang mga ito.

"Kumusta sila?” balik tanong ni Francia na tinutukoy niya ang dalawa. "Kumusta ang anak ko?"

Bumuntong hininga ulit si Gainne upang maghanda sa sasabihin. Kailangan niyang sabihin kay Francia ang tunay na kalagayan ng dalawa lalo na ang kalagayan ni Redeemer.

"Irish is in good state but I wonder kung bakit hindi pa siya nagigising. Ako ang nag-opera sa kanya kaya alam ko na hindi malalim ang tama niya. Pero hindi ko ma-explain kung anong nangyayari na bakit until now hindi pa siya nagigising."

DAUGHTER'S REVENGE Where stories live. Discover now