Chapter 29

185 12 0
                                    

Truth behind Lies

Irish Fhrixe's point of view

Nakita nang dawalang mata ko na tinututukan ko ng baril ang sariling dibdib, luhaan at halatang nagkapira-piraso ang puso. Nanginig ang aking kamay at gumulintang sa akin ang isang putok ng baril. Kinapkap ko ang aking dibdib at napakurap-kurap nang makita ang mantsa ng dugo na nasa aking palad.

Ngunit ang kinataka ko hindi ko kinalabit ang gatilyo. Sigurado ako na hindi ko nakalabit ang gatilyo. Sino kaya ang bumaril sa akin?

I was awakened in the middle of the night with a palpitating heart. Balikwas akong bumangon saka sinapo ang puso na parang tinatambol.

“Shit! Shit!” sunod sunod kong mura.

“Mura pa,” nang-uutos niyang sabi.

Napaiktad ako nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran. Nilingon ko siya, hindi na ako nagulat nang makita si Redeemer na nakaupo sa gilid ng kama.

“Ano bang nangyayari?” naguguluhan kong tanong.

“Iwan ko sayo,” agad nitong sagot.

Nilayo ko ang paningin sa kanya. Tumingin ako sa loob ng estrangherong silid, at ganoon na lamang ang paninigas ng bagang ko nang may sumagi sa aking isip.

Muli akong tumingin kay Redeemer. "Paano ako na—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang maalala ko ang mga nangyari. Mula paglapag ng eroplano na sinakyan ko sa heavenly hanggang sa araw na nabaril ako.

Nakakunot-noo ang noo nanakatitig sa akin si Redeemer, halatang naguguluhan sa inaasta ko. Bumalikwas akong bumaba ng kama saka muling humarap kay Redeemer na litong-lito.

I am Trixie Silvana. Your mother!

Pangarap niyang maging mabuting ama.

Akala ko patay na siya! Akala ko patay ka na!

Para akong binuhusan ng  malamig na tubig sa naalala ko. Napa-atras ako habang tulala at laglag sa sahig ang paningin. That woman is an imposter! I will never ever forgive her!

Kasabay ng malalim na hininga nilisan ko ang kwartong iyon. Tumakbo ako hanggang paglabas ng gate na pinasukan ko kanina. At habang pabalik sa bahay ng impostora kung ina ay wala akong ginawa maliban sa murahin ang sarili dahil sa pagtitiwala sa taong iyon.

Pakiramdam ko manhid na ang puso ko, wala nang maramdaman na sakit. Sa ikalawang pagkakataon na ito pinagsinungalin ako ng taong pinagkakatiwalaan. Poot na lamang ang bumibida sa buo kong pagkatao.

Pagkarating ko sa bahay... pagpasok at pagpasok ko sa pinto akma rin ang pagbaba ng hagdanan ng impostora. Sinalubong ko siya na may matutulis na titig. Siya naman ay nakangiti na parang sayang-saya sa pagdating ko.

"Kumusta?" Huminto siya sa huling baitang ng hagdanan. "Napatay mo ba?"

Tumayo ako ng matuwid sa kanyang harapan. “Sino ka ba talaga? Ba't mo ako pinaglalaruan?” Pumatak ang luha ko, hindi sa sakit kung hindi sa galit. “Bakit n'yo ako pinaglalaruan?!”

Hindi ko na napigilan umulbo sa galit. Sino bang hindi mangulimlim sa ngitngit, binigay ko sa kanya ang lahat, ang puso ko at buo kong pagtitiwala pero ito ang kanyang isinukli, huwad na pag-ibig. Siguro nga talaga wala ng katotohanan sa mundo na ito.

Ngumisi siya at umiling-iling, nanunudyo dahil nga naluko niya ako. Kinuyom ko ang aking kamao hinampas  ko ito sa mukha niya, buti at nasalo niya ito bago dumapo.

"So... Naaalala mo na nga lahat." Semeryoso ang mukha niya. "So... Sino ako?"

"Sino bang hindi makakakilala sa taong kagaya mo," pinintira ko ang aking hintuturo sa kanya, " Amelia Villarica."

DAUGHTER'S REVENGE Where stories live. Discover now