Chapter 9

173 20 3
                                    

Hi! I hope you can support DAUGHTER'S REVENGE recommending this story in your Facebook, group chats, tiktok, or your any other social media accounts. Maraming salamat po.

Plan

Irish Fhrixe's point of view

Umupo ako sa hinihigaan habang sapu-sapo ang aking ulong sumasakit. Ginusot ko ang aking matang kanina pa gustong pumikit. Biglang tumunog ang cellphone kong nakalapag sa night stand. Kinuha ito at nang mapagsino ang tumatawag sinagot ko ito.

"Bakit, Gregorio?"

"Nasa bar si Elara," deretsong sabi ng kausap.

Gumuhit ang mabangis kong ngiti. It would be the cause of her death: too much fun on the bar.

"Oh, reallyy" Hindi ko na hinintay ang sagot ng kausap. "Kunin mo ako dito," mando ko.

Pinatay ko na ang tawag at binalik ang cellphone sa pinagkunan. Patalon akong umalis ng kama. Kumuha ako sa kabinet ng back tshirt, black pants, ito ang ipinalit ko sa aking suot na pampatulog. Pagkatapos magbihis, kinuha ko ang aking itim na sumbrero na nakasabit sa likod ng pinto at paliktad ko itong isinuot. Isinunod ko na ring ang boots kong nasa likod ng pintuan.

Kasunod kong kinuha ay ang Extra IV Buena na baril, nakatago ito sa lilim ng aking kama. Isiniksik ko ito sa aking gilid sabay kuha ko sa cellphone at agad na lumabas ng kuwarto.

Egsaktong ng paglabas ko nang building ay may dumating na itim na van. Batid kong si Gregorio ito kaya lumapit agad ako. Hindi nga ako nagkakamali. Pumasok agad ako sa loob ng sasakyan. "Tayo na," sabi ko sa driver.

Medyo malapit lamang ang bar na tinutukoy ni Gregorio kaya mabilis kaming nakarating doon. Nakatingin ako sa pintuan ng bar. Hindi ko inasahan na makakapasok ako sa ganitong lugar.

"Mauna kang pumasok, susunod na lang ako sa'yo," sabi ko.

"Sige boss." sagot ni Gregorio.

Lumabas siya ng sasakyan at diretsong pumasok sa bar. After ten minutes sumunod ako kay Gregorio. Hinanap ko siya sa loob at nakita ko siya sa front bar, nakatay roon na may hawak na baso sa isang kamay at ang isa naman ay cellphone. Nagvibrate ang cellphone kong nasa kamay at nang makitang kay Gregorio galing ang message na natanggap binasa ko agad ito.

Gregorio: Humarap ka sa kanan mo, pagkatapos umpisa sa table na nasa iyong gilid magbilang ka hanggang lima, sa ikaanim na table makikita mo si Elara.

Sinunod ko kung anong nasa mensahe ni Gregorio. Humarap ako sa kanan, nagbilang hanggang lima mula sa table na nasa aking gilid. At tama nga siya, naruon sa ika-pito na mesa si Elara, lupaypay ito sa kalasingan.

Pinadalhan ko ulit ng mensahe si Gregorio para ipaalam dito ang plano.

Me: Bantayan mo si Elara dudukutin natin siya paglabas niya.

Agad na nagreply ang katext.

Gregorio: Sige boss.

Lumabas ako sa bar at bumalik sa sasakyan. Hindi talaga ako mabubuhay sa ganoon na lugar. Ang ingay.

Nagkasalubong ang kilay ko nang may nakita akong lalaking patakbong pumasok sa bar. At mariin kong nakuyom ang aking kamao nang makilalang si Redeemer ito.

"Hindi ito pwede! Shit!" sunod-sunod na mura ko habang nagpapadyak sa inis. Dali kong binuksan ang cellphone ko at pinadalhan ng mensahe si Gregorio.

Me: Nagbago ang isip ko, wag ng galawin si Elara. Nandito si Redeemer sa bar.

Akala ko mapapadali ang lahat dahil kay Redeemer. Gindi ko naisip na maging sagabal parin siya.

Redeemer Fryck's point of view

DAUGHTER'S REVENGE Where stories live. Discover now