chapter 10

210 18 3
                                    

Hi! I hope you can support DAUGHTER'S REVENGE by recommending this story in your Facebook, group chats, tiktok, or your any other social media accounts. Maraming salamat po.

Jealous

Irish Fhrixe's point of view

Paalis ako sa parking lot ng apartment nang biglang may humarang na kotse sa daraanan. Nang bumukas ang pintuan sa drivers seat nito buntonghinanga ako nang makita ko si Gainne.

“Hey, how are you, ms. Irish?” halata sa tono nitong nang-iinis.

Napalitan ang ngiti ko ng simangot. “H'wag mo akong biruin baka makakatikim ka ng mini Max 45. It's small but terrible,” pabirong banta ko sa kausap.

Ngumisi siya. “Really! Just like you?” umarte pa siyang namamangha.

“You mean I'm-”

Napanguso ako sa inis nang makuha ko kung anong ibig sabihin ng kanyang huling pangungusap. Napatingin ako sa kawalan habang pilit iniwaksi ang salitang nasa isip.

“Don't be serious, I'm just teasing you,” rinig kong sabi ni Gainne.

“Sabi mo yan ha.” Curiosity led me to ask questions. "Syanga pala, anong hangin nagdala sa'yo dito? Wala ka bang work?

“Ahmm...wala akong trabaho,” halatang nag-iisip siya sa susunod na sasabihin. “I'm here to invite you!”

Napakunotnoo ako sa aking narinig. Hindi ko ito inasahan. “Inviting me? Saan naman 'yan?”

“G-gala-shopping, like that,” pag-aalangan niyang sagot.

Shopping? Gusto ko sanang subukan 'yon. Hindi ko pa kasi nararanasan ang mamimili sa isang mall dahil lahat ng gamit ko through online binibili.

I sighed. “Gainne, you know me hindi ako nag-aaksaya ng oras para lang sa gala,” malumanay kong sagot.

“Please, yung iba nga-”

I clipped his words. “Sorry talaga pero—”

Naputol ko ang aking pagsasalita nang makita ang isang pamilyar na puting kotseng bagong dating. Nakaparada ito sa hindi kalayuan at harap ng aking kinaruruonan.

Bumukas ang bintana sa driver seat at ganoon nalang ang pagsalubong ng kilay ko nang makitang si Redeemer ang nasa loob. Pinakitaan pa niya ako ng kamao habang may ekspresyon siya sa mukha na hindi ko ma-ipaliwanag.

“Fhrixe, you okay?” pag-aalalang tanong ni Gainne.

Itinoon kong muli ang aking pansin sa nagtanong. "Sige Gainne, sasama na ako sa 'yo," walang pagdadalawang-isip na pagpayag ko.

“Kung ganun halika na,” halos abot tainga ang ngiti niya. “Ito ka na lang sumakay.” Sininyasan niya akong pumaloob sa kanyang kotse.

“Sige... ibabalik ko lang ang sasakyan ko,” sagot ko na nakatingin sa kinaruruonan ni Redeemer.

Wala naman akong alam sa gala na sinasabi ni Gainne kaya hinayaan ko nalang siyang magpasya kung saan niya ako dadalhin.

Hindi maalis ang aking mga mata sa side mirror ng kotse ni Gainne. Mula pag-alis namin sa apartment ko at hanggang sa kalsada nakasunod sa amin si Redeemer. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang kaninang iniisip ko lang bago ako umuo kay Gainne.

Huminto kami sa tapat ng Golden mall. Daling lumabas si Gainne at patakbong nangtungo sa harap ng frontseat kung saan ako naroon. Binuksan niya ang pinto saka nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

Napakunotnoo ako. “Aanhin ko 'yan?” tanong ko sa kanya.

He smiled. “Gusto lang kitang alalayang lumabas,” sagot ni Gainne.

DAUGHTER'S REVENGE Where stories live. Discover now