chapter 39

241 12 0
                                    

Hi! I hope you can support DAUGHTER'S REVENGE by recommending this story in your Facebook, group chats, tiktok, or your any other social media accounts. Maraming salamat po.

Past

Irish Fhrixe's point of view

Redeemer came closer at me, my heart pumping as if it were ready to explode. I looked inquiringly at him while he looked at me seriously. He pulled me and before I could react, he wrapped his arms around my hips and buried his face in my neck. I swallowed hard, then a coy smile of mine flashed.

Nang mapagtanto ko kung gaano kadikit ang aming mga katawan saka ako parang nabuhusan ng katotohanan. Itinulak ko siya kaya bumitaw siya sa akin. He stepped back once, I gritted my teeth to act irritated. But no, I just try to ignore the fact that I love the way he hug me.

I was staring him with an intense, straight-forward expression. "Don't you ever think to come closer to me again," my tone made it like a warning.

Redeemer stooped but then he looked up with a warm smile.

"Wala kang magagawa kung lalapit ako sayo," mahinahon niyang sabi. "Ako lamang ang makapagsabi na lalapit ako sayo O hindi."

Napaisip tuloy ako sa sagot ni Redeemer. Ang sagot ba niya'y ikakasaya O ikakainis ko?

Nakabusangot ako habang titig na titig sa kanya. Siya naman ay hindi parin nawala ang ngiti sa labi. Isinaklay niya ang kanyang kamay sa balikat na kinatuon ng aking paningin roon. Kasunod ay tumingala siya sa kalangitan, ganoon din ako.

Ang ganda talaga ng mga bituin.

It was eight in the evening. Napakaaliwalas ng paligid parang walang kasalukuyang nangyayaring kaguluhan sa mundo. Parang perpekto ang lahat. Bumuntong hininga ako sabay tingin sa braso niya na nasa aking balikat pa rin. Kinuha ko ito saka umupo sa semento.

Sumunod si Redeemer na umupo sa aking gilid. Hinayaan ko lamang siya, ayaw ko nang makipag-away sa kanya. Gusto ko nang tahimik na buhay kahit ngayon lang. Kahit sandali lamang.

Maaliwalas ang lahat. Halos perpekto nang ang maaliwalas na ito'y sinira ni Gainne. Napatayo ako ng matawid nang marinig ang tikhim niya, ganoon din si Redeemer. Nilingon namin siya, ngumiti naman ito.

"Sorry for interrupting your moments," nagpasalin-salin ang kanyang paningin sa aming dalawa ni Redeemer. "Irish, mayroon kang bisita."

"At sino naman ang bisita ko?" matigas kong tanong.

Kibit-balikat lamang ang tugon ni Gainne sa akin. Inis akong humakbang hanggang pababa ng hagdanan. Sumunod rin agad ang dalawa sa akin na parang nagmamadali. Mukha pang nag-uunahan ang mga ito. Malademonyong sulyap ang pinukol ko sa kanila na nasa aking likuran bago tuluyang bumaba patungong first floor. Tumigil sila sa paghakbang at sabay napayuko.

Ba't ba parang nagkakakarera ang dalawang ito? Mga baliw!

Nang nasa sala na kami, nanliit ang aking mga mata sa taong nakatayo sa gitna nito. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Pero sigurado ako na babae ito dahil sa mahaba niyang buhok. Sino naman itong taong ito?

Nasa kalagitnaan ako sa pagbukas ng aking bibig upang magsasalita nang naunahan ako ng babae. "Irish, I'm happy that you're alive," sabi niya ng walang kabuhay-buhay na boses.

Ano raw, masaya siya? Sa tuno ng boses niya mukhang hindi naman. Wait, kilala niya ako?

"Sino kaba? Ba't mo ako kilala?" mga tanong ko.

Hindi kumibo ang aking kausap. Iritable akong lumapit sa sofa na nasa likuran na nasa likuran parin niya at laglag na umupo. Bumuntong hininga ako nang marahas sabay tayo. Hindi na talaga ako makakapag-hintay na makilala ang babaeng ito.

DAUGHTER'S REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon