CHAPTER 3

88 4 0
                                    



"Ano?" malamig niyang sabi kay Erin habang nakatingala sa kanya
"M-manok? Ayy este Ken?" sabay ayos niya ng tayo
"G-Ginulat mo ko" dugtong niya
"May balak ka bang mag shower sa ulan? wala bang tubig sa inyo?"
"Grabe ka ha!! Wala lang payong"
"Yan kasi gala ng gala kababaeng tao"
"Excuse me sinamahan ko lang kaibigan ko dito no"
"Tsskkk ewan ko sayo" sabi ni Ken sabay bukas ng payong at tatlong hakbang bago lumingon kay Erin
"Ano? tatayo ka nalang dyan? ayaw mo umuwi?" sabi ni Ken
"Tssssk kung di ko lang kailangan ng payong ee" sabay takbo palapit kay Ken. Nag lalakad sila papauwi at hindi parin tumitila ang ulan, napansin ni Erin ang naka sukbit na plastic sa kamay ni Ken habang naka pamulsa ito
"Ehem* bakit ka pala nandon malapit sa mall?"
"Bakit gusto mong malaman?" cold na sabi ni Ken
"To naman para tinatanong lang!" sabay nguso ni Erin




(3hours earlier)
Habang kumakain sila ng meryenda biglang bumagsak ang malakas na ulan, pumasok naman si Sejun sa kusina nila kung saan naroon ang apat
"Wala pa daw si Erin, kaya tayo tayo muna mag luluto ng haponan natin" sabi ni Sejun
"Mmmmm sige ako na muna mag luluto" sabi ni Stell
"Ang lakas ng ulan kumikidlat pa" sabi ni Justin sabay subo ng kinakain
"May bibilhin lang ako sandali" sabi ni Ken sabay alis
"Ha? Anong bibilhin mo?" Tanong ni Josh habang papaalis si Ken.
(End)



"Ang tanga mo talaga alam mo namang uulan di ka nag dala ng payong!" Sabi ni Ken
"Ang sakit mong mag salita alam mo ba yun?" sabi ni Erin. Nakita niyang nababasa na ang kabilang balikat ni Ken at nasakanya na halos lahat ang payong
"Ah ako naman hahawak ng payong!" sabay kuha niya ng payong
"Ano ba, baka akalain ng iba kinakawawa kita!" sabi ni Ken
"Shhht ako na!!" sabi ni Erin. Nakarating na sila sa bahay nila unang hinatid ni Erin si Ken sa guest house at bago paman siya makapag pasalamat kay Ken dire-diretso itong pumasok sa guest house
"Awossshhh!!" Sabay irap ni Erin habang naka talikod si Ken
"Napakaaaaa cold parang yelo, batohin kita dyan eee!! Hhmmmmmmm!!!" Sabi ni Erin sabay sipa niya sa hangin bago umalis. Hawak hawak ni Ken ang leeg niyang pumasok sa guest house halos napatalon siya sa gulat nang makita niya ang apat na naka upo sa sala at hinihintay siya
"Bat kayo nanggugulat?!! ahhhh" sabay hawak niya sa dibdib niya
"At ano namang binili mo ?" Tanong ni Justin sabay lagay ni Ken ng plastic sabay kuha ni Josh ng plastic
"Ano to? hikaw? sing sing?" sabi ni Josh
"Ito lang binili mo sa tatlong oras mo sa mall?" sabi ni Sejun, napansin naman ni Stell ang panay hawak ni Ken sa leeg niya
"Anong nangyari sa leeg mo?"
"Ahh wala, amin na nga yan. Matulog na kayo!" Sabi ni Ken sabay alis, napaupo si Ken sa kama sabay hawak sa leeg niya
"Ahhh ang sakit ng leeg ko!!" Sabay naalala niya ang kanina. Hindi siya makaayos ng tayo dahil nakasayad na ang ulo niya sa payong noong si Erin na ang may hawak dito kaya itinagilid niya ang leeg niya para mag kasya siya sa payong.



Kinabukasan
"Achuuuu~ ahhh bat ngayon pako nag kasipon achuuu~" sabi ni Erin habang nag nag hahanda ng kanyang dadalhin sa outing nila
"Hindi ako makakasama ahh tsaka ilang araw akong hindi makakauwi pupunta ako sa manila para sa business meeting namin"
"Hindi ka naman talaga invited eee"
"Ang sama mo!!"
"Achuuuuu~"
"May sipon ka?"
"Ay hindi ubo lang to"
"Babatokan kita isa pa--- uminom ka muna ng gamot bago kayo umalis" sabi ni Glaz.





Nakarating na sila sa private resort ng kaibigan ni Glaz at sinalubong sila ng may ari
"Kuya Hero!!!" Masayang bati ni Erin sabay yakap
"Waaaa kamusta na?"
"Okay lang naman po Kuya, nga pala ito po yung mga guest sa bahay namin" pag papakilala niya sa lima
"Oh? kilala ko kayo ah" sabi ni Hero
"Waaa sikat pala yang guest niyo eee, Hi ako pala si Hero may ari ng resort" sabi ni Hero sabay abot ng kamay
"Hello po" sabi ng lima
"Kuya Hero nasa manila si Glaz kaya pag balik na lang niya yung pangako kong date niyo" sabay kindat niya
"Talaga? papunta rin ako sa Manila kaya secretary ko yung mag aasist sa inyo-- Enjoy your stay here ha" sabay gulo ng buhok ni Erin.
Naka pang swimming attire na silang lahat pero wala parin si Erin kaya hinintay muna nila na dumating siya bago mag simulang mag ihaw ng hotdogs at seafood
"Ang tagal naman!!" Reklamo ni Ken
"Andyan na siya!!" Sabi ni Stell sabay lingonan ng apat, hindi naman maalis ni Ken ang mata niya kay Erin na papalapit sa kanila
"Ano? Lutuin muna natin ang pag kain natin bago mag swimming" naka ngiting sabi ni Erin
"Bwaahahahahaha!!!" Sabay tawa ng malakas ni Ken nag sitinginan naman ang lahat sa kanya
"Problema mo?" Tanong ni Erin
"Boang na" sabi ni Stell
"Ano yang outfit mo? T-shirt? short? nasa bahay ka girl?" Sabay tawa niya ulit
"Pakialam mo ba? Tssssk" sabay kunyari hindi sinasadya ang pag hampas niya ng pamaypay sa mukha ni Ken
"Hoyyppp" sabi ni Ken sabay hawak sa mukha niya
"Oh sorrey" sabi ni Erin
"Kalma dre, babae yan" sabi nj Sejun. Nag simula na silag maligo maliban kay Stell at Erin na nakaupo lang sa cottage nila
"Hindi ka maliligo?" Tanong ni Stell
"Ah hindi samahan nalang kita dito"
"Sure ka? okay lang naman ako dito ee" sabi ni Stell. Habang naliligo ang apat sa pool hindi naman maalis ni Ken ang tingin niya kay Erin at Stell na masayang nag kwe-kwentohan
"Hoy Ken nakikinig ka ba?" Sabi ni Sejun
"Ha?"
"Saan ka ba nakatingin?" Tanong ni Justin
"Wala"
"Eyy nakatingin ka kay Stell at Erin eee" sabi ni Josh
"Hindi ahhh!! Nakatingin ako sa dagat parang ang sarap maligo eeey"
"Ohhhh may gusto ka kay Erin noooo!!" Sabi ni Sejun
"Wala ahhhh"
"Teka bat ba ang sungit mo kay Erin?" Tanong ni Sejun
"Luhhh siya nga tong masungit sakin eee"
"Sus the more you hate the more you love sabi nga nila" panunukso ni Justin
"Itaga niyo sa bato wala kong gusto dyan no hindi pa nga ako nakakamove on kay Jessica eee" biglang natahimik ang tatlo sa sinabi ni Ken
"Alam namin Ken" sabi ni Justin
"Nakita namin yung phone mo nung bago maaksidente si Stell" sabi ni Sejun
"Mmmm may bago na pala si Jessica no, kaya mainitin ang ulo mo noong mga nakaraang araw" dugtong ni Justin, pag kabangit ni Sejun ang tungkol sa aksidente ni Stell biglang natahimik si Josh na nakaupo sa gilid ng pool habang nasa tubig ang tatlo
"Alam niyo na pala" mahinang sabi ni Ken
"Alam mo Ken hinihintay ka lang namin na mag open samin eee, baka kasi ayaw mo pang pag usapan natin ang tungkol sa ex mo kaya hindi kami nag tanong"
sabi ni Sejun
"Alam mo Ken okay lang yan, ibig sabihin lang niyan di kayo para sa isat isa kaya ka niya iniwan malay mo nasa tabi tabi lang yung talagang para sayo" sabi ni Justin.
"Bat ba palagi kayong nag aaway ni Ken?" biglang tanong ni Stell
"Gusto mo siya no!!" Dugtong niya
"Nako hindi aaaahh ano ka ba, ang sungit sungit nga niya sakin eee kita mo kanina? Inaasar niya ako diba--- bat ba napaka sama ng ugali noon ha, pero pag nasa harap ng kamera napaka masiyahin niya baliw ba siya?" sabi ni Erin
"Hahaha hindi kasi ano may pinag daraan lang siya ngayon kung baga nasa moving on stage pa siya kaya ganun kaya sana maintindihan mo siya hindi naman talaga ganun si Ken eee pag nakilala mo lang siya ng lubosan" sabi ni Stell
"Ahhhhhhh ganun pala,'---- ikaw bat napaka bait mo sakin?" Sabay ngiti ni Erin
"Bakit? gusto mo rin bang sungitan kita?" sabay kunot ng noo ni Stell sabay tawa ni Erin, napa daan naman si Ken sa kanila at nakitang tumatawa si Erin kaya napa tawa rin ito sabay sampal niya sa sarili
"Naboboang kana Ken" sabay alis. Overnight sila sa resort kaya nag hahanda na sila sa bonfire nila sa tabi ng dagat at doon sila nag kwe-kwetohan habang kumakain ng hotdog at marshmallow na pinapatunaw nila sa apoy, biglang nag ring ang cellphone ni Erin
"Oh? Christopher?--- Ay excuse me lang ha!" Sabay tayo niya papalayo
"Christopher?" Tanong ni Sejun habang palinga linga sa mga kasama niya.
"Ahhh wala ako sa bahay eee bakit ka nandyan?" Sabi ni Erin sa kabilang linya
"Ahhh sabi kasi ni Ate Glaz echeck daw kita"
"Ahhh nasa outing kami ngayon ng mga guest namin, sinamahan ko sa resort ni Kuya Hero"
"Ganun ba? okay ka lang ba dyan? gusto mo pumunta ako?"
"Ahh wag na bukas ka nalang pumunta sa bahay kayo ng barkada wala naman si Glaz, doon tayo tatambay sa bahay okay?!"
"Sige sabihan ko nalang sila"
"Sige sige-- ingat sa pag uwi" sabay alis ni Chrsitopher sa tapat ng bahay nila Erin. Pag balik ni Erin sa pwesto niya nag taka ito kung bakit wala si Ken
"Nasan si Ken?"
"Ahh nag cr lang" sabi ni Stell
"Ahhh"
"Sino yung tumawag boyfriend mo no?!"
Panunukso ni Justin
"Hindi bestfriend ko lang yun"
"lalaki?" tanong ni Josh
"Oo bakit?"
"Mmm wala naman, ito ohhhhh okay natong marshmallow" sabay abot ni Josh ng stick sabay agaw naman ni Ken nakakarating lang
"Mmm sarap, gawan mo pako Josh!"
"Hoooy akin yun!!" sigaw ni Erin
"Ah sayo bayun? Pano bayan nakain ko na?"
"Tssssk mabulonan ka sana cheee"
"Gahahaha tama na yan guys!" Saway ni Sejun. Nag lalaro sila ngayon at ang matalo siya ang mag lilinis ng pinag kainan nila at kalat at ang malas na natalo sa laro ay si Ken
"Ayooooon ikaw mag liligpit bleeeeh" sabi ni Justin habang tumatawa napakamot naman ng ulo si Ken at walang nagawa
"Tara na at mag pahinga natayo, halika na Erin" sabay tayo nila isa isa at inalalayan ng dalawa si Stell. Habang papaalis di matiis ni Erin na hindi tumulong kay Ken
"Hoy bat tinutulongan ni Erin si Ken?" Sabi ni Justin
"Hayaan mo na para mag kabati nayang dalawa!!" Sabi ni Sejun sabay pasok sa mga kwarto nila.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ken
"Tinutulongan lang kita"
"Natalo ako sa game kaya pumasok ka na doon"
"Okay lang no di pa naman ako pagod" kaya hinayaan nalang ni Ken si Erin na tulongan siya. Habang tahimik silang nag liligpit hindi mapigilan ni Erin na mapatingin kay Ken
*Ang lungkot ng mata niya kahit napaka sungit nito hindi naman niya siguro deserve na iwan ng gf niya sa ibang lalaki* sabi niya sa sarili niya
"Ehem* ahhhh ang sakit na ng likod kooooo" sabay suntok nito sa likod ng mahina, umalis si Ken dala dala ang supot ng basura
"Ayyy ganun? manhid? bingi? tsssk--- paramg binabawi ko na sinabi ko kanina" sabi ni Erin sa sarili niya.
"Ahhhhhh makapag pahinga ngaaaa muna" sabay upo sa buhanginan at tingala sa langit
"Waaaa ang gandaaaaa" sabi niya mayamaya may inabot na isang mainit na tasang chocolate si Ken
"Mama!!!" Gulat na sabi ni Erin
"Bat ka ba nanggugulat?" Napatawa naman si Ken
"Salamat" sabi ni Erin sabay kuha ng tasa
"Mmmm sarap naman" sabi ni Erin, napangiti naman si Ken sabay higop
"So bat mo ko tinulungan?" biglang tanong ni Ken
"Anong tulong? may bayad yun no" sabi ni Erin
"Waaaa akala ko pa nama--"
"Joke lang apaka seryuso naman nito" natatawang sabi ni Erin
"Kahit na apaka sungit mo sakin deserve mo namang tulongan no i mean lahat naman ng tao eeee deserve tulongan"
"Hmmm" napangiti si Ken sabay tingin sa langit
"Sorry kung nasusungitan kita ah"
"Alam ko na" napatingin naman si Ken kay Erin
"Alam ko may pinagdaraan ka ngayon"
"Pano mo nalaman?"
"Ahh nabangit kasi ni Stell----"
"Ang daldal talaga ni Stell"
"Hindi nag tanong kasi ako sa kanya kaya ayun" natahimik silang dalawa
"Alam mo ba anong tawag sakin ng mga kaibigan ko?"
"Ano?"
"Miss. Good listener--- halos lahat sila alam ko pinagdaraanan ng barkada ko, mmmmm ang pinopoint ko lang naman kung mabigat na yung kalooban mo makikinig ako,... kahit na di ako may apat kang kaibigan dyan ooo akala ko ba grupo kayo? dapat sinasabi mo sakanila kung may problema ka im sure makikinig sila sayo tsaka minsan ang problema di sinusolo lalo na kung mabigat na para sayo" sabi ni Erin
"Ahhh hindi okay lang nakakahiya naman sayo, tsaka alam na naman nila okay na sakin yun kahit di detalyado"
"Hindi ahhh mas natutuwa pa nga ako eee kapag may nag sasabi ng problema nila sakin feeling ko kasi malaki tiwala ng tao sakin pag ganun" sabi ni Erin
"Wag mo ko pag tatawanan ahh" sabi ni Ken
"Bat naman kita pag tatawanan? nag jo-joke ka ba?"
"Mmmmm kasi ano, iniwan niya ako sabi niya gusto niya ng space pero nalaman ko nalang na may bago na siya"
*Hindi man niya pinapahalata sakin pero alam kung napakasakit ng nararamdaman niya ngayon*
"Mahal na mahal mo talaga siya no?"
"2years din kami noon ee"
"Waaaaa medyo matagal tagal din"
"Pero tinapon niya lang yun"
"Hindi kaya siya nag sisisi ngayon? i mean ang dami niyo na na achieve, yung SB19 sikat ka na sikat na kayo--- pero alam mo kaya hinayaan ni universe na mangyari mga yan para kasi mahanap mo yung taong para talaga sayo, hinahayaan ka niyang masaktan para sa susunod na may mamahalin ka matututo ka na galing sa past mo, blessing in disguise yan makikita mo tsaka hindi naman niya hawak buhay mo eee ano hahayaan mo nalang siyang malamangan ka? kung siya masaya ngayon kahit wala ka sa tabi niya dapat ikaw rin maging masaya ka kahit wala siya sa tabi mo wag ka papatalo no! Alam mo makakakita karin ng mas deserving pa kesa sa kanya kaya cheer up na tsaka kung kayo naman talaga ng ex mo si universe na bahalang gumawa ng paraan para mag ka sequel love story niyo baka rin paraan lang to ng universe para subukan kayong dalawa....kaya wag ka ng mag susungit sa akin ah!!!" sabi ni Erin habang naka ngiti, naka tingala si Erin habang tinitignan siya ni Ken
*Salamat sayo hindi ko na siya masyadong iniisip, salamat sa sagotan natin haha* sabay ngiti ni Ken
"Achuuu~ohh hahaha sorry ganito lang talaga ako pag may naamoy na matatapang o kaya alikabok, nakasingot ako ng abo kanina eee" sabay punas ni Erin ng ilong niya gamit ang kamay niya
"Hahahaha tara na nga sa loob medyo malamig na dito eee" sabi ni Ken.


My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now