CHAPTER 10

54 5 0
                                    

Habang nag hihintay si Erin at Janine kay Ms. Claire nasa conference room sila naka tambay at nag uusap, mayamaya pumasok si Mary sa loob at nagulat sila dito hindi makapag salita si Janine
"Oh?-- teka nag ayos ka?" Nakangiting sabi ni Erin
"Bakit? Di ba bagay sakin?" Nahihiyang tanong ni Mary
"Hindi, i mean. Nagulat lang ako pero bagay naman sayo, diba Janine?" Nakangiting hinarap ni Erin si Janine na tahimik lang na nakatingin kay Mary
"Ha? ahh oo, okay naman" sabi ni Janine. Isinabit ni Mary ang buhok niya sa tenga niya
"Ahh sige, salamat sa compliment" sabay alis ni Mary
"Magugustohan na ko ni Justin nito hehe, san kaya siya ngayon? baka nasa dressing room!" Sabay alis niya.
"Teka, anong nakain niya ka gabi? Parang kahapon lang manang pa siya tapos ngayon? waaaaa, nag pasalon pa talaga siya"
"Sabi ko na sayo maganda siya pag naayosan!" Proud na sabi ni Erin kay Janine
"Pero parang di bagay sa kanya yung bangs niya!!"
"Ang cute nga niya ee"
"Baka kamo ginagaya ka!"
"Hmmm? haha ang hanggang balikat nga niya pinaputol ang buhok niya panong ginagaya ako ee hanggang bewang buhok ko! Sa kanya itim na itim sakin naman mi pag ka brown! Imagination mo talaga ee!!"
"Sus--- ayan na nag text na si Ms. Claire baba daw tayo mamimili tayo bagong gamit!" Sabi ni Janine sabay alis nila.




Naglalakad naman si Mary sa hallway papunta sa dressing room, nakita naman siya ni Myra kasama ang isa niyang ka grupo
"Oh?!! Si manang ba yun? Waaa ang laki naman ng pinag bago niya!" Sabi ng kasama ni Myra
"Hmmmm, talagang nag ayos siya ahh!! Uto-uto hahaha pwede siya, gagamitin ko siya!!" Sabi ni Myra habang naka cross arm at nakangiting sinusundan ng tingin si Mary.




Hapon na at dumating narin sila Erin galing sa pamimili ng mga gagamitin nila at isa isa na nilang binababa at pinapasok ang mga karton
"Tulongan na kita!!" Sabi ng isang lalaki sa harap niya pero natatabonan ng mga kartong na nakapatong sa hawak niya, pag ka kuha ng lalaki sa karton
"Paminta?!!" Gulat na tanong ni Erin
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Ayaw mo ba akong nandito?!"
"Hindi naman--"
"Halikana-- tinatawag ka na ng kasama mo!!" Sabay silip ni Erin sa likod ni Christopher at nakita niya si Janine na naka pamewang na
"Ohh!! Susunod na!!" Sabay alis niya, sumunod naman si Christopher sa kanya na may hawak na karton.
Pumasok sila sa conference room at di na pansin ang SB19 na may meeting o naka upo lang, inalalayan naman ni Erin si Christopher sa pag bukas ng pinto
"Dito mo nalang ilapag!" Sabi ni Erin sabay turo sa may gilid, nakatingin lang sa kanila ang lima habang si Ken ay naka cross arm at nakasandal sa upuan niya
"Oh? Andito pala kayo?" Biglang sabi niya pag ka kita sa SB19
"Hindi anino lang namin to, wala kami dito!" Biro ni Justin
"Joke lang!" Natatawang sabi ni Justin
"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong niya
"May meeting kami ngayon ee" sabi ni Sejun
"Ahh ganun ba, sige aalis na kami" sabay hila niya sa damit ni Christopher papalabas pero pag bukas niya sa pinto naka salubong nila sila Sir Charles, Tatang Robin kasama si Ms. Hongganda at ilang staff
"Oh? Mr. Arco?" Sabi ni Tatang Robin, nag tataka naman si Erin kung bakit nila kilala si Christopher
"Ahh Ms. Erin?--" Tawag ni Ms. Hongganda, gulat na binitawan ni Erin ang damit ni Christopher
"Ohh! S-sorry--" sabi ni Erin
"Hello Sir I'm the son of Mr. Cristof Arco, nice to meet you!" Pag papakilala niya
"I thought your father will come here" tanong ni Sir Charles
"He has to go to our main branch in La Union its urget so i take my fathers scheduled meeting with you"  nag silingonan naman ang lima sa likod.




Katabi ni Erin ang vending machine sa hallway papasok at palabas malapit sa conference room kung saan kasalukuyang may meeting,
"Erin anong ginagawa mo dito?" Biglang sulpot ni Mary
"Nakakagulat ka naman! Ahh may hinihintay lang sa loob" sabay turo sa conference room
"Ah sino?"
"Ano kaibigan ko" sabi ni Erin, mayamaya pa nag silabasan na sila at ang naunang lumabas ay si Justin kasunod ang apat
"Eriin!!" Sabay lapit ni Justin sa kanila
"Oh? tapos na kayo?" tanong ni Erin
"Ahh oo pero na sa loob pa ang iba"
"Ahh ganun ba"
"Para sakin to?" nakangiting sabi ni Justin sabay kuha sa softdrinks na hawak ni Erin
"Oho!! Bawal ka nito ngayon may vocal practice kayo diba!" Sabay kuha ni Erin. Tahimik naman si Mary sa gilid at di napapansin na parang wala siya doon
"Ehem*" sabay ayos ni Mary sa sarili, napalingon naman ang dalawa
"Hmmm? Sino siya?" Tanong ni Justin
"Ahh siya si---"
"Justin!!" Tawag ni Stell sa kanya kaya napalingon siya sa likod
"Andito!--- sige una muna ako!!" Paalam ni Justin. Pagkaalis ng lima doon naman lumabas sila Tatang Robin, Sir Charles, Ms. Hongganda at Christopher
"Ahh Sir you can go without me, i want to take a look around your building" sabi ni Christopher
"Ah okay! Take one of my staf" sabi ni Sir Charles
"No thanks sir i have my friend here, maybe she can tour me here"
"Is that so, where is she?" nakita ni Christopher si Erin sa may vending machine
"Over there!" Sabay turo ni Christopher
"Ohh our make up artist" sabi ni Ms. Hongganda. Pinayagan naman ni Tatang na si Erin ang mag tour kay Christopher sa loob ng buliding, pagkatapos ay hinatid na ni Erin si Christopher sa labas
"Sponsor kasi kami sa gagawing music festival. Kami din mag oorganize sa event, invited ang SB19 kaya ako nandito" nakapamulsa at habang naglalakad na sabi ni Christopher
"Ahh bakit dimo sinabi sa akin agad? Akala ko nandito ka dahil sakin!"
"Mmmm andito rin ako dahil sayo, si papa talaga dapat pupunta dito pero i insist na ako nalang kasi andito ka kaya ayon pumayag naman si Papa--- may sasabihin rin kasi ako sayo"
"Hmmm? Ano yun?"
"Share holder na rin si Papa sa GBC, kung gusto mo lang naman mag apply matutulongan kita"
"T-talaga? wee di nga? Waaaaaa GBC network isa sa pinaka malaking news center sa bansa!! Alam mo ba pangarap ng lahat ng gustong maging journalist at anncour ang makapasok dyan kahit nga camera man ka lang, sila may pinaka mataas na ratings when it comes sa mga balitaaaa!!" Excited na sabi ni Erin habang nakahawak sa mag kabilang braso ni Christopher
"Pero!" Sabay bitaw niya
"Hindi ko pa kayang iwan ang trabaho ko dito, ang ganda sana ng offer mo pero--" ginulo ni Christopher ang buhok ni Erin
"Hmmpft!! Hayy minsan di ka talaga nag iisip!!"
"Tssssk sabay tapik ni Erin sa kamay ni Christopher
"Hindi naman ibig sabihin na hindi ka pumayag ngayon aalis na si Papa sa board. Kaya okay lang pero anytime na mag bago isip mo just call me tutulongan kitang makapasok sa GBC. Alam ko kasi pangarap mong doon mag trabaho as anncour o kaya journalist" sabi ni Christopher
"Ahhh!!! Iba na talaga pag asinsado na andami ng koneksyon!!" Sabi ni Erin
"Sige na aalis na ko malayo pa byahe ko" sabi ni Christopher sabay gulo ng buhok ni Erin
"Tawagan mo ko ha!!" Sabi ni Christopher bago pasok sa kotse niya
"Ohhhh!!" Sabay kaway ni Erin.




My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon