CHAPTER 20

72 5 0
                                    

*5 months ago*

"Janine may itatanong ako" sabi ni Erin
"Mmmmmm?"
"Kung halimbawa papipiliin ka, iwan ang taong mahal Mo o mag stay ka kaso masisira mo naman future niya ano pipiliin mo?"
"Siguro ang iwan nalang siya, kasi kung di mo gagawin yun sabi mo nga masisira ko future niya. Hindi ko siguro kakayanin na makasama siya araw-araw makita mukha niya tas alam naming dalawa na ako dahilan kung bakit siya nahihirapan baka pag awayan pa namin yun ending maghihiwalay parin kami di wala rin. Pero girl sakin lang yun ah tsaka wala naman akong jowa kaya hindi ko pa masyadong alam yang mga yan!" Natatawang sabi ni Janine
"Ahh haha" sabi ni Erin sabay kamot niya sa ulo.
******

Nakasakay sila sa bus papauwi at tulog sa balikat ni Erin si Ken sa pagod ng buong araw nilang picnic, dalawang araw nalang natitirang palugit ni Glent.

Samantala tahimik na kumakain sa mahabang lamesa si Jessica at Glent
"Kuya, bat parang napakatahimik mo na ngayon?" Biglang tanong ni Jessica
"I'm just tired" simpleng sagot ni Glent
"By the way Kuya kamusta na si Ken?" Nakangiting tanong ni Jessica, tumingin saglit si Glent kay Jessica bago tumingin sa steak sabay hiwa
"He's okay, i think di pa nahihiwalayan ni Erin si Ken but she said na in three days---"
"Mag hihiwalay na sila?" Sabi ni Jessica sabay ngiti niya
"And then sa mga araw na malungkot siya ako magiging sandalan niya Total doon naman ako mag tratrabaho so mapapalapit ako sa kanya " sabay hiwa sa steak ni Jessica. Napatingin naman si Glent sakanya
"Masaya ka ba?"
"Hmmm?"
"Masaya ka bang may sasaktan kang tao?"
"Why me? Si Erin ang mangiiwan. Ako pa nga magco-comfort sa kanya eee"
"No hindi si Erin it's you at yang mga plano mo. Nananahimik na si Ken masayan na siya sa iba bat di mo nalang tanggapin?"
"Kuya pag aawayan na naman ba natin to? Ako na nga yung gumawa ng paraan and ayaw rin ni Sir Charles relasyon nila "
"That' the point ayaw ni Sir Charles na pumasok pa si Ken sa ganyang relasyon pero ikaw pinag pipilitan mo pa!!"
"Whatever kuya!!!!"
"Hindi na kita kilala Jessica, mas matindi ka pa ngayon kesa dati, i wish na hindi ka nalang pinauwi ni daddy dito sa pilipinas" sabi ni Glent sabay alis sa harap ng kapatid niya
"Tssssk!! Wala na kong pake alam sa inyong lahat basta gagawin ko lahat ng gusto ko!!!" Sabi ni Jessica habang mahigpit ang pagkakahawak sa dinner knife niya.

"Ito na yung resume ko ipapadala ko na sa kanila" sabi ni Erin
"Sigurado ka na ba?" Tanong niya. Nasa isang cafe sila malapit sa ShowBT
"Ngayon pa ba ako aatras? Tsaka ikaw na nag sabi sakin noon na pangarap ko to. Excited ka pa nga na mag trabaho ako sa GBC diba"
"Oo pero parang may mali, masyado kang nag mamadali o something. Alam mo Erin mag kaibigan na tayo since grade school i know something is bothering you. Tell me" pamimilit ni Christopher, hanggang sa pag hatid niya kay Erin sa apartment niya umiiyak parin si Erin
"Pano nalaman ng manager nila?" Takang tanong ni Christopher
"Hindi ko rin alam, nagulat nalang ako sa sinabi niyang hiwalayan ko na si Ken. May nakakita rin samin kinuhanan kami ng pictures at nag bantang ipapakalat ang pictures namin pati personal info ko" sabi ni Erin
"So you decided to break up with him?"
"Wala akong ibang choice"
"Sa tingin mo papayag siya? i know and you know how much he loves you"
"Pero para sa kanya rin naman to eee, sige sabihin nating pinagpatuloy namin to tapos nalaman na ng lahat tungkol samin papano yun?--- ewan ko basta bahala na. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam gagawin ko" hindi na napigilan ni Erin ang umiyak
"Sshhhhh tahan na" sabay yakap ni Christopher kay Erin habang umiiyak.

Kinabukasan matamlay si Erin na pumasok at habang papunta siya sa dressing room panay bati at tingin ng mga kilalang niya staf at kapwa make up artist niya sa kanya kaya medyo nag tataka na siya. Pagkapasok niya sa dressing room nadatnan niya agad ang mga katrabaho niyang nagkukumpolan pati na si Janine na sinalubong siya
"May malaki kang problema Erin" bulong ni Janine
"Waaaaa Erin hindi mo sinabi samin na ang gwapo pala ng Boyfriend mooooo!!" Sabi ng isang staff
"Ano?"
"Suuusssss hindi mo pa sinabi samin na kayo pala ni Mr. Arco ikaw haaaa"
"Ha? hindi ko maintindihan" takang sabi ni Erin
"Hindi mo bato na basa sa GC natin?" Sabay pakita sa GC nila. Nakita niya ang picture nila ni Christopher na nagyayakapan kagabi kaya napatulala siya at walang nasabi
"Ayieeeeee hahaha. Good luck sa inyo Erin, nakakaingit naman" sabi ng isang staff
"Suussss nahihiya ka pa okay lang yan no. Nakakaingit nga kasi may boyfriend kang ganyan!!"
Hinila ni Janine si Erin palabas ng dressing room
"Pano yan? Anong gagawin mo? pano kung makita yan ni Ken?"
"Parang pinapadali ng mundo tong gagawin ko" bulong ni Erin
"Ha? anong sinasabi mo dyan? Hindi ka ba nagaalalang makita ni Ken to?" Sabi ni Janine
"Kung mahal niya ako papaniwalaan niya ko" sabi ni Erin sabay alis niya. Mayamaya dumating na ang SB19 sa dressing room bago pumunta sa practice room
"Waaaaa hindi talaga ako makapaniwalang si Mr. Arco pala boyfriend ni Erin" sabi ng staff kaya napalingon si Ken sa kanila
"Ha? Boyfriend ni Erin?" Tanong niya
"Ahh oo, nakita po sila ni Caren kagabi kaya nalaman namin kung sino boyfriend niya" sabi ng staff
"Ahh ito oh! Sinend pa niya sa GC namin" sabay pankita ng cellphone, hindi naman makapag salita si Ken sa nakita niya
"May sinabi ba si Erin dito?" Walang emosyong sabi ni Ken
"Mmmm wala naman pero hindi niya dinenay kaya totoo siguro no" sabi niya sa kasama sabay tango naman niya.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon