CHAPTER 9

54 3 0
                                    



"Waaaaaaa totoo? kayo talaga?" Sigaw ni Janine
"Shhhhhh!!!!, wag kang maingay baka may makarinig sayooo eee" sabi ni Erin
"So kayo talaga?, grabe di ako makapaniwala!!! Papano nangyari yun? tsaka kailan? Saan??"
"Mahabang kwento ee, pero Jan wag mong sasabihin kahit kanino ah! Please hmmmmm!!" Pagmamakaawa ni Erin
"Bakit naman? Di ka ba proud na si Ken Suson jowa mo?"
"Proud naman ako gusto ko nga ipagsigawan, pero alam mo na hindi pwede kasi may pangalan siyang dapat alagaan"
"Well totoo naman, baka naman maintindihan nila"
"Pero hindi lahat, hindi lahat pareho parehong makakaintindi kaya please wag mo nalang sana ipag sabi"
"Kung hindi lang kita kaibigan eee, basta ba libre mo snacks hehehe"
"Pagkain lang naman pala kapalit eee" tawanan ng dalawa.



Naglalakad pauwi sila Erin at Ken at sinabi ni Erin ang pinag usapan nila ni Janine kanina kaya nakahinga ng maluwag si Ken
"Mmmm pag dating natin kain tayo ah!!" Sabi ni Ken
"Sige, order na tayo ngayon para---"
"Ayoko na ng order!!" Sabay kuha ni Ken ng cellphone ni Erin sabay lagay sa shoulder bag
"Ha?-- ayaw mo ng fried chiken?"
"Ngayong araw lang, mag luto naman tayo! Puro nalang order eee"
"So ano gusto mo Kainin?, ayyy nga pala wala akong stock sa ref puro instant noodles lang nandon!" Sabi ni Erin
"Problema ba yun? may malapit na grocery store dito ohhh" sabay hila ni Ken kay Erin. Si Ken ang may hawak sa basket nila habang busy si Erin sa pag pili ng mga ingredients
"Ano yan?" Tanong ni Erin sa nilagay ni Ken sa basket
"Hindi mo alam ang fresh milk tsaka cookies?" Tanong ni Ken
"Ginawa mo naman akong bobo!"
"Bakit kasi nag tanong ka pa?"
"Ezzz ang ibig kong sabihin----"
"Kakainin natin mamaya sa movie date natin!!" Pamumutol ni Ken sabay lakad palayo. Nag sisilingonan naman ang mga taong nakikita sa kanila ang iba napapangiti
"Ezzzzzz nakakainis ka talaga manok ka!! di pa sinabi agad!!" Sabay ngiti ni Erin at sunod kay Ken.
Pag katapos nilang mamili ng kailangan nila diretso na sila sa apartment ni Erin pero may nakita siyang isang pamilyar na mukha na nakatayo sa labas ng building ng apartment niya
"Oh? Pamintaaaa!!!" Sabay lapit niya
"Required ba talagang ganyan ka laki ang ngiti pag nakita yang lalaking yan?" Bulong ni Ken
"Erin!!!" Nakangiting sabi ni Christopher
"Pano mo nalaman ang address ko?" Nakangiting sabi ni Erin
"Ahhh kay Ate Glaz sabi niya sakin bisitahin kita paminsan-minsan"
"Ohhhh~ may pa bulaklak ka pa ha!!" Sabi ni Erin habang tinatanggap ang bulaklak
"Bro kamusta?" Bati niya kay Ken
"Mmmm okay lang naman"
"Ahhh doon na tayo sa loob mag kwentohan, tamang tama mag luluto ako dito ka na mag dinner" aya ni Erin.
Nakaupo sila sa lamesa habang inaantay ni Erin ang niluluto niya, mag katabi sila ni Ken habang mag kaharap naman sila ni Christopher
"Kamusta na pala sila tita?" Tanong ni Erin
"Yun, busy sila may business trip sila ngayon one week sila wala dito sa pilipinas kaya sa susunod nalang daw tayo mag dinner" sabi ni Christopher, napalingon naman si Ken kay Erin ganun din si Erin sa kanya
"Ahhh ganun ba haha, sige"
"Balita ko graduate ka narin, so ano na ginagawa mo ngayon?" Biglang tanong ni Ken
"Ahh ako yung namamahala sa isang branch ni papa sa Manila, sila naman sa main branch namin sa La union"
"Ahh, congrats pre"
"Salamat, congrats din sa inyo ang dami niyo ng achievements ngayon mas nakilala pa kayo international"
"Salamat pre" nakangiting sabi ni Ken
"Oh? teka lang check ko lang niluluto ko" sabay tayo ni Erin. Sandali silang natahimik dalawa pero binasag ito ni Christopher
"Kamusta naman si Erin dito?" Biglang tanong ni Christopher pagkatapos niyang uminom ng tubig
"Si Erin?, mmmm okay lang naman siya dito"
"Mabuti naman kung ganun---Masaya ba siya?"
"Syempre naman" nagtataka na si Ken kung bakit panay tanong niya tungkol kay Erin
"Bakit ka ba nag tatanong ng mga ganyan?" Tanong ni Ken
"Wala lang, gusto ko lang toparin ang pangako ko sa parents niya na no matter what pro-protekhan ko si Erin"
"Well wag kang mag alala kasi nandito nako, ako na pro-protekta kay Erin"
"Sana nga magawa mo, ayokong makita siyang umiiyak dahil sayo kaya sana palagi mong uunahin si Erin kasi ako kaya kol,.. kaya ko mawala lahat wag lang si Erin sana ikaw rin"
"Sa tingin mo ba hindi ko siya uunahin sa lahat? Teka may gusto ka ba sa girlfriend ko?"
"Tao rin ako kaya may karapatan ako mag kagusto kahit kanino, kahit na sa girlfriend mo" sabi ni Christopher dahilan para mapa yukom ang kamao ni Ken sa inis niya pero nagtitimpi lang ito para kay Erin
"Pero wag kang mag alala, i respect Erin's happiness. Masaya daw siya sayo kaya magiging masaya na rin ako sa kanya" nakita naman ni Christopher ang kamao ni Ken bago siya mag salita
"Pero sa oras na saktan mo siya pinapangako ko babawiin ko siya sayo kahit na anong mangyari!" Seryusong sabi ni Christopher, hindi naman nakaimik si Ken at nakayukom lang ang kamao niyang nasa lamesa
"Hindi mangyayari yun!" Seryusong sabi ni Ken habang nag titimpi ng galit niya
"Guysssss luto na pag kain!!" Masayang sabi ni Erin, kinalma naman ni Ken ang kamao niya at tinago niya ito sa ilalim ng lamesa para hindi mahalata ni Erin
"Ihahanda ko na lamesa natin"
"Tulongan na kita" nakangiting sabi ni Ken sabay alis ng dalawa.
Habang kumakain sila tahimik lang si Ken habang ang dalawa ay nag uusap, mayamaya nabulunan si Erin
"Ohoo!!"
"OKAY KA LANG?"sabay na tanong ng dalawa
"Ito tubig!" Sabay rin na nag abot ng tubig ang dalawa kaya nag katinginan silang dalawa sa isat isa, kinuha naman ni Erin ang baso ni Ken sabay inom habang hinihimas ni Ken ang likod niya
"Hinay hinay lang sa pag kain, hindi ka naman mauubosan ee, nguyain mo rin ng maayos kinakain mo. Alam mo bang may namatay na dyan!!" Panenermon ni Ken
"Sorry na! Bat galit ka kaagad!! Ohoo!" Sabi ni Erin, nakatingin lang si Christopher sa kanilang dalawa.


My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin