CHAPTER 7

46 4 0
                                    


"So hindi ka nag aral sa cosmetology? o sa isang beauty school?" Tanong sa kanya ng nag iinterview sa kanya
"Opo, Mass communication po ang natapos ko" sagot ni Erin
"Hmmm pero base sa mga picture na ito parang professional make up artist ka" sabi naman ng babaeng pro make up artist
"Hobby ko lang po siya noon pero ngayon na eenjoy ko na po ang pag mamake up" nakangiti niyang sabi
"Okay, so congrats naka pasa sa ka sa fist round ng interview so bumalik ka bukas dito para sa actual presentation mo" sabi ng babae
"Talaga po? salamat po. Maraming salamat po" masayang sabi ni Erin. Papalabas na siya sa building ng Showbt pagkatapos ng interview sa kanya
"Haayyy mabuti nalang at wala dito SB19 kung hindi masisira talaga plano kong surprisahin si Ken--- ano na kayang ginagawa niya ngayon? tawagan ko ba?" sabay kuha niya ng cellphone niya sa bag. Habang dinadial ni Erin ang number ni Ken bigla siyang may nakabanggang isang magandang babae
"Oh-- sorry miss, di ko kayo na kita" sabi ni Erin
"Ahh hindi okay lang" sabay dampot ng babae sa cellphone ni Erin na nahulog
"Salamat tsaka sorry na rin" sabi ni Erin
"Myraa!!" Tawag ng isang babae na papalapit sa kanila
"Andyan na!" Sigaw ulit ni Myra
"Una na ko, mag ingat ka" sabi niya kay Erin sabay lakad palayo
"Sino yun? kilala mo?" tanong ng kasama niya
"Ahhh hindi, isang tatatanga tangang babae" mariing saad niya.



Naka uwi na si Erin sa apartment niya at kumakain mag isa sa lamesa
"Nakakalungkot palang kumain ng mag isa" sabi niya sa sarili niya habang sinusubo ang pag kain
"Okay lang yan, masasanay ka rin Erin" dugtong niya. Pagkatapos humiga na siya sa kama niya
"Namimiss ko na siyaaaaa, bakit di pa siya tumatawag? ganun ba siya ka busy ngayon?" Pero narinig ata siya ni Ken at nag ring ang cellphone niya, agad niya itong sinagot
"Kumain ka na?" bungad ni Ken
"Mmmm tapos na po ee ikaw?" Tanong niya
"Tapos na rin"
"Bat parang maingay diyan? Hindi pa kayo tapos?"
"Ahh oo, tumawag lang ako para suguraduhing kumain kana, sige na kami na susunod tinatawag na kami. Goodnight"
"Sige i love---" hindi na niya na sabi kay Ken dahil binaba na niya ang tawag
"Mmm I Love you" mahinang sabi ni Erin.



Kinabukasan maagang nag punta si Erin sa Showbt building para sa actual presentation at nakapasa naman ito kaya dali dali niyang tinawagan si Christopher
"Pamintaaaaaa naka pasa ako!!" Masayang sabi niya sa kabilang linya habang nag lalakad palabas ng building
"Talaga? congrtas!!"
"Salamat, nga pala diba nasa manila ka? kamusta naman trabaho mo?"
"Ayun inaalalayan naman ako ni Papa dito marami rami pa akong kailangan malaman sa business nila"
"Sus kaya mo yan ikaw pa! Malapit nako sa apartment ko usap nalang tayo sa susunod"
"Mmmm, nga pala Rin sabi ni Mama pag may time ka dito ka mag dinner samin, miss ka na daw niya hahaha"
"Talaga? sabihin mo kay tita gusto kong dessert--"
"Buko pie na gawa niya, alam ko na haha"
"Buti naman, sige na ingat!!" Sabay baba ni Erin ng tawag.





"Makakapag pahinga rin" sabi ni Josh sabay upo sa couch ng dressing room nila
"May naka schedule ba tayo bukas? di ko nakita sa chart natin ee" tanong ni Justin
"Gagawa lang tayo bukas ng bagong kanta" sabi ni Sejun, pumasok ang isang staff at assistant nila sa dressing room
"Hi p-po" sabi niya
"Ohh Hi" sabi ni Stell busy naman ang apat sa cellphone nila, napatingin naman ang babae kay Justin
"Ahh kukunin ko lang yung mga damit ililipat sa kabila" sabi niya habang nakangiti
"Ahh sige" sabi ni Stell. Pag kalabas niya ng kwarto bigla nalang siyang nalungkot
"Bago yun dito?" Tanong ni Josh
"Hindi napapansin ko na siya noon, tahimik na tao. Kinakausap ko minsan pero mahiyain talaga" sabi ni Stell.
"Hindi sa pag ano ha pero ang weird niya minsa, ngumingiti nag isa" sabi ni Ken
"Talaga?, hindi ko siya napapansin" sabi ni Justin.
Kinabukasan maagang nagising at nag handa si Erin para pumasok sa unang araw ng trabaho niya, naka ripped jeans at fitted blouse na kulay light pink at white sneaker ang soot niya nag lagay din siya ng light make up pero angat parin ang natural niyang ganda.
"Tapos na kayong mag sulat ng bagong kanta?" Tanong ng isang staff
"Ahh 20 minutes break lang kami" sabi ni Sejun
"Naubos na lyrics sa utak ko, pahinga muna" sabi ni Josh
"Uyy may snack kayo? nagugutom ako" sabi ni Justin
"Boys na balitaan niyo na? may bagong make up assistant si Miss. Claire" sabi ng staff habang inaayos ang mga damit sa gilid nila
"Talaga? Sino daw?" tanong ni Stell
"Hindi ko alam pero ngayon first day niya-- sige dyan muna kayo at paplantsahin ko pato" sabay labas ng staff kasabay sa pag pagpasok ni Ken sa dressing room nila
"Tsssk" sabay upo ni Ken
"Okay ka lang Ken?" Tanong ni Sejun
"Hindi niya sinasagot tawag ko" sabi ni Ken
"Baka busy lang" sabi ni Josh
"Sino?" Tanong ni Justin
"Si Erin syempre" sabi ni Josh
"Ahhhh, grumaduate na si Erin diba? baka nag hahanap ng trabaho?" Sabi ni Sejun
"Oo nga, tatawagan ka rin noon pag nakita missed call mo, chill ka lang" sabi ni Stell. Papasok na si Erin sa building at palingon lingon ito baka makita siya ni Ken
"Pag nakita ako ni Ken dito yari na talaga ako, tiniis ko pa naman na hindi talaga sagutin ang 50 missed call niya" sabi ni Erin sa sarili, habang nag mamadaling mag lakad na pansin niya ang isang babaeng nahihirapan sa mga dala
"Kailangan kong maging friendly dito para naman hindi lang ang lima ang kilaa ko dito lalo nat boss ko sila pag nandito ako" sabi niya ulit sa sarili sabay lapit sa babaeng may dala dalang malaking box
"Oh---" sabay salo niya sa kabilang gilid ng box, ngumiti naman siya sa babaeng tinulongan niya
"Tulongan na kita, saan mo to dadalhin?" tanong ni Erin habang nakangiti
"D-doon" sabay turo niya sa storage room
"Ahhh sige".

"Ayan!!" Sabi ni Erin sabay palpag ng kamay pag ka lagay nila sa box
"Salamat" mahinhing sabi nito
"Ah wala yun no, ahh nga pala ako si Erin, Erin Agustin ikaw?" nakangiting tanong ni Erin
"A-ako?" Habang turo ang sarili niya
*Hehe, ikaw lang naman kasama ko dito* sabi ni Erin sa utak niya
"Ahh ako si Mary, Mary San Jose" sabay kuha ni Erin ng kamay niya
"Nice to meet you!!" Masayang sabi niya habang nag hahandshake sila. Nag lalakad na sila papunta sa kwarto kung saan siya pinahihintay ni Ms. Claire, nag pasama si Erin sa bago niyang kaibigan sa trabaho dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot
"Ano pala trabaho mo dito?" tanong ni Erin
"Ahh all around staf lang" mahinhing sabi niya
"Mmmmm"
"Ee ikaw?"
"Ako? Assistant make up artist ni Ms. Claire"
"Ahhh, yan na pala yung kwartong sinasabi mo" mahinhing sabi ni Mary
"Ahh salamat ahh, sige see you aroud" nakangiting sabi ni Erin bago pumasok sa kwarto.
Nag lakad naman palayo si Mary pero hinarangan siya ni Myra
"Hoy sino yun?" tanong niya
"H-ha?" Tinignan muna niya si Mary mula ulo hanggang paa
"Edi yung pumasok *bobo naman ng nerd  nato*"
"Ahh bagong assistant ni Ms. Claire"
"Mmmmm, i see" sabi ni Myra bago umalis
"Pamilyar sakin yung babaeng yun ah? nag kita na ba kami?" Sabi niya sa sarili niya habang nag lalakad
"San kaya si Ken ngayon, baka nasa dressing room. Hehe"

Habang busy ang lima sa conference room sa pag gawa ng kanta nila papunta naman si Ms. Claire sa kanila para ipakilala ang bagong assistant niya
"Boys, kamusta?" nakangiting sabi niya
"Ms. Claire!" Sabi ni Stell
"Hi po Ms. Claire!" Sabi ni Justin
"Okay naman po kami dito, medyo hindi pa kami tapos sa kanta" sabi ni Sejun
"Nga pala boys siguro na balitaan niyo na  na may bagong assistant ako, and i want you to meet her" tahimik lang na nakikinig ang lima
"Ms. Agustin you may come in" nakangiting sabi ni Ms. Claire.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now