CHAPTER 21 * F I N A L E*

100 6 0
                                    

"4 Years and half months later"

Apat na taon na nag daan pero wala paring balita si Ken kay Erin kung nasaan man ito o kung ano ang gingawa niya kaynag focus nalang siya sa career niya dahil mas lalo na silang naging busy dahil unti unti na silang nakikilala international at kabi-kabilang interviews ang pinupuntahan nila sa isang linggo. Nag wo-workshop narin si Stell para sa kanyang debut bilang isang actor, mas lalo na rin silang nakilala sa buong pilipinas at tinatawag na Kings of PPop. Sabay sabay na dumating sa Showbt ang apat kaya habang nag lalakad  nakikita nila lahat ng mga achievments nila
"Waaaaaa ang dami nanaman nating letters at gifts na natanggap mula sa Atin" sabi ni Justin
"Mmmmm hindi talaga sila nag sasawang sumuporta satin" sabi ni Stell
"Kaya nga suklian natin sila ng magagandang musics at masasayang memories with them" sabi ni Sejun
"Oo nga, mas galingan pa natin ng 100% para sa Atin at sa lahat ng mga mahal natin sa buhay" sabi ni Josh
"Teka bat kulang tayo?" Sabi ni Justin
"Oo nga asan si Ken?" Sabi ni Stell
"Malalate daw siya ngayon, andon pa sa apartment niya" sabi ni Sejun
"Hintayin nalang natin siya sa practice room" Sabi ni Justin.

Samatala si Ken kagigising palang at nag hahanda ng kape niya habang naka upo sa dining area ng apartment niya. Tatlong taon ang nakakalipas, lumipat siya sa apartment na dating tinutuloyan ni Erin at wala siyang ni isang binagong style at ganun parin ang nag bago lang ay wala na lahat ng pictures nila na nakalagay kahit saan sa bahay ang natira nalang ay ang nakuhang pictures ni Ken mula sa nabasag na frame at inilagay niya sa bagong frame. Nakapatong naman ito sa may side table ng kama niya.

"Good morning po"
"Good morning"
"Good morning miss Agustin" isa isang bati ng empleyado ng GBC kay Erin habang nag lalakad papasok ng building.

"Congrats Miss Agustin magiging anchor kana " sabi ng isang board member sabay kamayan nila
"Mmmmmm deserve naman niya yun, tsaka dahil sa mga sinulat niyang documentary mas tumaas pa lalo ratings mg GBC"
"At di lang yun nanalo ng best documentary lahat ng sinulat ni Miss. Agustin" sabi pa ng isa, nakangiti lang si Erin habang naririnig ang lahat ng papuri na binabato sa kanya
"Ready ka na ba para sa debut mo bilang anchor?" Tanong ng isa
"I'm always ready ma'am" nakangiti niyang sabi
"Ohhh~~~ i like the confidence" sabi ng isa, habang nag tatawanan sila isang batang babae ang yumakap sa may hita ni Erin
"Oh?" Sabay silip ni Erin sa bata, hanggang tenga ang ngiti ng bata pag kakita niya kay Erin
"Excuse me lang po" nakangiting paalam ni Erin sabay hawak sa kamay ng bata at dinala sa may bench na malapit lang sa pwesto ng mga board members at director
"What are you doing here? You startled me hmmmm" sabay gulo sa bangs ng bata
"Nasan daddy mo? Why are you alone?" Tanong niya
"There! Hes talking to someone and i get bored" Sabay turo ng bata sa papalapit na si Christopher
"Daddy's here" sabay niya
"Tssssk, bat mo hinayaan si Ericka na mag isang nag lalakad sa building? Pag nawala to? Anong gagawin natin?" Panenermon ni Erin kay Christopher
"Chill dito ko lang naman sa building pinapayagan na mag isa si Ericka, may nakasunod sa kanya na body guards and kilala na siya dito" sabi ni Christopher sabay pakita sa bodyguard ng 3 years old na si Ericka
"Tssssk ulitin mo pa to bibigwasan na kita" sabi ni Erin.
Nasa isang resturant silang tatlo habang nasa kabilang table naman ang tatlong body guard ni Ericka.
"Aglio e olio talaga favorite ah" nakangiting sabi ni Christopher kay Erin kaya ngumiti ito pabalik
"So Balita ko haharap ka na daw sa camera bukas? Ano? Excited ka na ba?" Tanong ni Christopher
"Syempre ito na pinapangarap ko"
"Hmmmm congratssss, alam mo na ba ano ibabalita mo?"
" Hindi pa pero sabi nila bukas ko pa malalaman"
"Talaga!!! well goodluck" nakangiting sabi ni Christopher.
Pasakay na sila sa kotse nila at siya ring pag baba ng SB19 sa kotseng sinasakyan nila para kumain sa kinainan nila Erin.
"Masarap ba dito Josh?" Tanong ni Stell
"Syempre no ererecommend ko ba to kung hindi?" Sabi ni Josh habang si Ken ay tinignan na ang menu
"Oh? Favorite niya to" mahinang sabi ni Ken
"Ha?" Tanong ni Justin na kaharap niya
"Ahh wala wala" sabi ni Ken
"Ano na? Oorder na ba kayo?" Tanong ni Sejun, si Ken nalang ang huling hindi pa nakakaorder kaya tinanong nila ito
"Aglio e olio nalang sakin" nakangiting sabi ni Ken
"Kumakain ka niyan?" Tanong ni Sejun
"Mmmm gusto ko nga yan ee, masarap yan e pares sa Valpolicella Ripasso wine"  sabi ni Ken.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now