CHAPTER 11

51 4 1
                                    

"Tama na please!!" Sabi ni Erin pero hindi parin tumitigil si Mary kaya nilabanan na niya ito at ngayon si Mary naman ang nasa ilalim ni Erin, sakto namang bumukas ang pinto ng rooftop at inawat sila ni Ken at inilayo si Erin kay Mary
"Ano bang nangyayari sa inyo?" Tanong ni Ken, nakahiga pa si Mary habang hinihingal sabay datingan ng iba
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Sejun sabay lapit nila kay Erin
"Okay ka lang Erin?" Tanong ni Janine
"Hoy!! Ano bang problema mo? Bakit mo sinasaktan si Erin?" Sigaw ni Janine, umupo naman si Mary
"Ikaw nalang palagi nakikita nila!" Sabi ni Mary sabay tayo
"Pano naman ako?! Wala man lang kumampi sakin?!" Dugtong niya
"Pano naman kami kakampi sayo? Ikaw ang mali dito!!" Sabi ni Janine
"Ako pa ang mali? Ang gusto ko lang naman mapansin niyo!! Lalo na ni Justin!" napatingin naman ang limang lalaki kay Justin
"Luhh bat nasali ako?" Bulong ni Justin
"Pero hanggat nasa paligid si Erin hindi niya ako mapapansin!!!! Sagabal ka!!" Sigaw ni Mary
"Bakit mo sinisisi si Erin kung di ka pinapansin ni Justin!! Kasalanan ba yun ni Erin?!!" sabi ni Janine
"Oo!! Dahil may gusto si Erin kay Justin at nilalandi niya si Justin!! Akala mo di ko alam!! Pinapakalat mong may gusto rin sayo si Justin!!"
"Ano? wala akong gusto kay Justin!!" Sabi ni Erin
"Wala rin akong gusto kay Erin!" Sabi ni Justin
"Ingatan mo pananalita mo! Hindi malandi si Erin!!" Sabi ni Ken
"Anong hindi at anong wala? Bat ang sweet niyo sa isat isa!! Tsaka Erin na sayo na lahat lahat, mayaman ka maganda ka marami pa naman mag kakagusto sayo ee!, please wag mo ng gustohin si Justin hayaan mo naman akong magustohan niya" sabi ni Mary habang maiyak iyak pa
"Tignan mo pa, ang swerte mo kasi madami kang kaibigan eee ako? ha? Wala, ni pangalan ko di matandan. Isa lang akong hangin na nag lalakad sa mundo niyo!! Gusto ko rin makaranas ng kagaya sayo! Pero napaka selfish mo inaangkin mo lahat!!" Sabi ni Mary habang umiiyak, samantala nasa may pintoan naka silip si Myra
"Ayy bobong uto-uto haha hindi makapag timpi yan matatangal kana bukas bobo!!" Sabay alis ni Myra
"Anong wala? Kaibigan kita--"
"Anong kaibigan? ahh dahil nililibre mo ko? Hindi kaibigan yun ni hindi mo nga rin alam pangalan ko ee!! Ano ha!! Sino dito alam pangalan ko diba wala? sino sa inyo!!" Turo niya sa lahat
"Mary!! Mary Gonsaga, alam ko pangalan mo kasi kaibigan kita tsaka sana sinabi mo nalang sakin na gusto mo pala si Justin edi sana natulungan kita sa kanya. Hindi yung tinatago mo yan sa sarili mo, Mary kaibigan mo ko at bilang kaibigan matutulongan sana kita pero pinili mong magpakain sa mga kumakalat na chismis kung saan mo man yan nakuha. Minsan rin kasi napaka mahiyain mo sa iba mas gusto mong nasa tabi ka lang" sabi ni Erin
"Tama! Alam mo bang masaya siya sayo kasi inayosan mo sarili mo, palagi ka niyang hinahanap sakin. Palagi niyang sinasabi pangalan mo sakin pag nagkakamali ako! Ikaw lang kasi iba iniisip" sabi ni Janine
"Mary--"
"Wag kang lalapit sakin!!" Sabi ni Mary habang napaatras siya
"Sorry kung na misinterpret mo lahat ng to pero maniwala ka hindi ako ganung tao, wala akong gusto kay Justin"
"Akala rin kasi namin na gusto mo palaging mapagisa" sabi ni Josh
"Inaapproach ka namin pero para kasing nilalayoan mo kami" sabi ni Sejun
"Tsaka gusto ka rin naming maging close, isa ka sa staf kaya gusto ka namin maging kaibigan kaso yun nga nilalayoan mo kami" sabi ni Stell
"Sorry hindi ko kasi alam na ano may ano ka sakin" sabi ni Justin
"Bat ka nag sosorry!! Wala ka namang kasalanan" Sabi ni Janine habang naka tingin kay Justin
"Mag sorry ka kay Erin!" Kalmadong sabi ni Ken
"Mag sorry ka sa kanya, sinaktan mo siya nang hindi man lang tinatanong kung ano ba talaga totoo!" Dugtong niya pero tumakbo paalis si Mary
"Mary!!" Tawag ni Erin at susundan sana ito pero hinawakan siya ni Ken sa braso
"Wag na, pabayaan mo siya!" Sabi ni Ken
"Hindi, kakausapin ko siya" sabay takbo kay Mary. Nakita niya sa cr si mary umiiyak at nakasalampak sa sahig
"Mary?"
"Oh? Bat nandito ka?!! Umalis ka dito ayaw kitang makita!!" Galit na sabi ni Mary
"Kaibigan naman talaga tingin ko sayo ee, alam mo ba" sabay dahan dahan na lumapit si Erin sa kanya at umupo
"Ikaw ang kauna unahan kong kaibigan noong unang araw ko dito sa trabaho, hindi ko alam saan mo narinig yung mga sinabi mo kanina pero wala akong gusto kay Justin may iba akong gusto. May boyfriend ako Mary hindi ko nga lang pwedeng ipakilala sa inyo kasi medyo komplikado ng sitwasyon pero Mary maniwala ka sakin kaibigan kita kaya please wag kang magalit sakin ayaw kong may nagagalit sakin lalo nat kaibigna ko pa" sabi ni Erin, napansin niyang maygasgas ang kamo ng kamay niya kaya naisipang kunin ni Erin sa bulsa niya ang panyo sabay tinalian ang sugat ni Mary
"Bat ang bait mo? Siguro nag babait baitan ka lang para makonsensya ako sa ginawa ko sayo kanina? para ikaw nanaman ang bida!!!" Sabay alis ni Mary sa loob ng cr.






My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now