Chapter 5

69 5 0
                                    

"Hala kaaaaa alas onsi naaaaaa tulog na sila ahhhhh papano ko kukunin yuuuunnnnnn" at nag pagulong gulong siya sa sahig pag katapos tumingin sa orasan, sinilip niya ang guest house
"bukas pa ilaw nila sa sala!!! Kukunin ko yun bahala naaaaa" sabay alis ni Erin. Nag mamadali namang lumabas ng kwarto si Ken pati si Erin patakbong nag punta sa guest house at pareho na silang nakahawak sa doorknob ng pinto.
Hinatak ng malakas ni Ken ang pinto dahilan para madala papasok si Erin at lumanding sa dibdib ni Ken kaya napa yakap ang isang kamay ni Ken sa likod ni Erin. Dumadampi sa pisngi ni Erin ang bawat mainit na hininga ni Ken na ng gagaling sa ilong nito kaya napaangat ng ulo si Erin at ilang segundo rin silang nag katitigan
"Ooohhhhh!!!" Sabay tulak kay Ken papalayo at natahimik ito
"Mabuti naman at nandito ka, oh ito cellphone mo" sabay abot ni Ken ng cellphone
"Salamat!!" Sabay takbo ni Erin ng mabilis papasok sa bahay nila
"Ahhhhh ha-ha-ha" sabay hawak ni Ken sa dibdib niya at habol ng hininga dahil pinipigilan niya ito
"Waaa muntik na yun, narinig kaya niya yung tibok ng puso ko?" sabi ni Ken.
"AhhhhhhhhhhhhhhhhhhRkkk!!!" sabay alis ni Erin ng unan pag katapos niyang sumigaw sabay habol ng hininga niya
"luhhhhh bat ganun? aaaaaaa hooooy tumigil ka ngaaaaa" sabi niya sa puso niya. Kinabukasan bihis na bihis si Ken na naka bantay sa bintana kung saan nakikita niya ang gate
"Hoy anong ginagawa mo dyan?" Sabi ni Sejun
"Ha?"
"Saan ka pupunta? bat naka bihis ka?"
"May pupuntahan lang" sabi niya habang hindi maalis ang mata niya sa gate
"Hindi ka sasama samin? mamasyal kami, medyo okay na paa ni Stell, tatlong araw nalang tayo dito sulitin na natin" sabi ni Sejun
"Sige susunod ako" sabi ni Ken
"Sige tawagan nalang kita mamaya" sabi ni Sejun. Nakita naman ni Ken si Erin na nag mamadaling lumabas sa gate
"Sige sige aalis na ako!!" Sabi ni Ken sabay labas ng guest house at sinundan si Erin.
Nasa sala naman ang apat naka upo at hinihintay si Justin para makaalis na sila
"Alam niyo ang weird ni Ken nitong mga nakaraan" sabi ni Sejun
"Napansin mo rin?" Sabi ni Josh
"Mmmm close na rin sila ni Erin masyado hindi na gaanong nag babangayan" sabi ni Stell
"Oo nga no, tsaka alam mo minsan ang creepy ni Ken ngumingiti ng mag isa" sabi ni Sejun
"Oo nga noong isang araw nga may pakanta kanta tsaka pakindat kindat pa siya sa harap ng salamin parang tanga!" Sabi ni Josh
"Baka inlove" sabay labas ni Justin habang inaaayos ang sumbrero niya
"Inlove? kanino?" sabi ni Stell
"Eeee kanino pa ba?" Nag katinginan ang apat sabay tawa nila
"Uyyyyyyyy" sabi ni Stell
"Sana ol!" Sigaw ni Sejun sabay halakhak ni Josh.
"Sorry guys kaninang 9:30 ko lang nabasa text mo paminta" sabi ni Eri sabay upo niya katabi ito
"Di okay lang wala pa naman si Jacob tsaka Joshua" sabi ni Kate
"Ito talagang double J na to palaging late" sabi ni Joy
"Umorder na tayo nagugutom na ako eee" sabi ni Daren
"Anong sayo Erin?" tanong ni Christopher
"Bro sakin pineapple juice tsaka caramel cake" sabi ni Aaron. Hindi alam ni Erin na nasa malapit lang si Ken at binabantayan siya
"Hayyyy bakit ko ba siya sinundan dito? nasisiraan na talaga ako!!" Sabi ni Ken sa sarili habang nakasoot ng sumbrero at mask
"Ahhh sakin Chocolate cake tsaka strawberry Shake" sabi ni Erin kay Christopher, ganun din ang inorder ni Ken pareho kay Erin.
"So kompleto na tayo simulan na natin ang meeting" sabi ni Kate
"Soo bukas na yung event natin, kailangan lang natin na makaipon ng 5k above para manalo tayo so kompleto na lahat lahat maaga dapat natin maitayo ang stall para marami ang benta natin, tsaka 60% ng kikitain natin tska premyo natin na makukuha if ever is idodonate natin sa bahay amponan. So payag ba lahat?" tanong ni Kate
"Sige ba okay lang samin" sabay tango ng lahat
"Good, so dapat 6am nasa venue na tayo" sabi ni Kate.
"Nga pala nawala mo ba phone mo ka gabi? tumawag ako sayo Rin lalaki sumagot" biglang tanong ni Christopher
"Ha? ahhh oo sa guest house nag lilinis kasi ako noon tapos naiwan ko sa sala phone ko yung guest yung nakasagot" sabay subo ni Erin ng cake napatingin sa kanya si Christopher
"Oh? May dumi ka sa bibig, amin na punasan ko" sabi ni Christopher sabay kuha ng pamunas
"EHEM*" sabay ubo ng malakas ni Ken kaya napatigil si Christopher  ng pag punas niya kay Erin sabay tingin kay Ken
"Ako nalang" sabi ni Erin
"Hindi okay lang" akmang pupunasan uli ni Christopher ang bibig ni Erin
"EHEM* excuse meee ehem*" pamumutol ulit ni Ken
"Sorry haha" sabi ni Ken pag kalingon ni Christopher sa kanya. Bigla namang tumayo si Christopher dala dala ang wala pang bawas na baso ng tubig at lumapit kay Ken
"Baka kailangan mo lang pre" nakangiti nitong sabi, napunasan naman ni Erin ang bibig niya kaya napangiti si Ken
"Salamat bro" sabi ni Ken
"Waaaa ang bait talaga ni peper no" sabi ni Joy
"Bagay na bagay kayo!!"" Sabi ni Kate kay Erin
"Mag kaibigan lang kami!" Sabi ni Erin.
"Okaaaayy tapos na tayo, so saan ang gala?" sabi ni Kate
"Kahit saan basta may pag kain!" Sabi ni Aaron
"No bayan kaka kain mo nga lang pag kain nanaman nasa isip mo!" Sabi ni Daren
"Pizza house tayo!" Sabi ni Jacob
"Pizza? sige tara!!!" Sabi ni Joy
"Ano G?"
"G" sangayon ng lahat
"MAg ccr lang ako una na kayo sa labas" sabi ni Erin sabay alis nila habang si Ken ay hinihintay ang pag labas ni Erin sa Cr. Pag kalabas ni Erin hinarangan agad niya ito
"Ken?" gulat na tanong niya
"Oh? Erin? andito karin?" Sabi ni Ken
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Erin
"Uminom ng kape kumain ng cake?!" Sabi ni Ken biglang nag ring ang cellphone ni Ken
"Oh hello Sejun? ahh nandyan na kayo--- kasama ko si Erin--- isama ko ba?"
"Ano ? hindi!!! may gala kaminng barkada!!!" Sabi ni Erin
"Ohh sige hintayin niyo kami dyan"sabi ni Ken sabay baba ng tawag
"Hoy may gala kami ng barkada bakit mo sinabing sasama ako?"
"Pano bayan? nasabi ko na sakanila, bumili na sila ng ticket natin sa sinehan sayang naman" sabi ni Ken
"Tssssssk pag ginusto mo talaga eeee noo!! Hintayin mo ko sa may kanto dali bilis alis na!!!" Sabi ni Erin
"Oo na oo na " natatawang sabi ni Ken sabay alis.
"Ehem* ohh Glaz bat ka napatawag?' sabi ni Erin na sinadyang lakasan ang boses nag si lingonan naman ang barkada niya
"Ha? Ano bayan may gala kami eeee---- oo na oo na sige na kung di lang sa allowance ko eeee" sabi ni Erin sabay baba kunyari ng tawag kahit wala naman
"Guys hindi ako makakasama sa inyo ngayon, may package na dadating sa bahay si Glaz kailangan ko na umuwi" palusot ni Eri
"Sayang naman!!" Sabi nila pero wala silang nagawa kaya pinayagan nilang umalis si Erin. Nag hihintay naman si Ken sa may kanto
"Ang tagaaaal" sabi niya
"Ken!"
"Bat ang tagal mo?"
"Sinigurado ko munang umalis ang mga kaibigan ko no!! baka mahuling nag sinungaling ako!" Sabi ni Erin
"Hayaan mo na sila, tara na nag hihintay na sila" sabi ni Ken sabay hila kay Erin at para ng taxi. Nakaabot naman sila ontime sa sinehan at umorder ng kakainin nila, kung ano inorder ni Erin yun din kay Ken. Gabi na sila nakauwi at habang nag lalakad sila papauwi ay kumakain sila ng icecream
"Waaaaaaa king size pepperoni pizza inorder nila halatang pinapa ingit nila kinain nila kanina, tinag pa talaga ako nila ha!! Ang sama nila sakin" sabi ni Erin habang tinitignan ang picture na pinost ni Joy sa instagram at nakatag pa siya, nakita naman yun ni Ken at umiwas ng tingin noong nilagay na ni Erin sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya
"Nag enjoy ba lahat kanina?" Tanong ni Justin habang kumakain ng icecream
"Mmm super ganda ng palabas" sabi ni Sejun
"Ikaw ba Erin?" tanong ni Stell
"Oo nag enjoy ako, ang kukulit niyo nga ee" sabi ni Erin
"Pano kaya kayo na ha-handle ng manager niyo" dugtong ni Erin
"Masaya rin kami kasi may bago kaming kaibigan at dahilan para bumalik sa La union" sabi ni Josh. Nasa bahay na sila lahat at nakapag bihis na si Erin ng damit niya ng may mga biglang pumasok sa bahay nila
"Oh bat nandito kayo?" gulat na tanong ni Erin
"Nag crave daw kasi si Ken ng Pepperoni Pizza tsaka fried chicken tapos dito nalang namin kainin kasama ka" sabi ni Sejun
"Dalawang king size ba naman kasi inorder" sabi ni Stell
"Waaaaa, alam ko na sa rooftop natin to kainin" nakalatag na lahat ng pag kain na dinala ng lima sa isang higaan na kahoy sa rooftop nila Erin
"Waaaaa ganda naman dito kita mo yung ilaw ng mga building" sabi ni Josh
"Bat ngayon mo lang kami inimbita dito?" Tanong ni Ken na busy sa pag kain ng manok
"Nakalimotan ko kasi"
"Tssssk"
"Mmmm Stell maayos na paa mo congrats" sabi ni Erin, biglang natahimik si Josh
"Ahh oo nga eee, salamat din sa tulong mo ang galing mong therapist" sabay tawa ni Stell
"Ano bang nangyari sa yo bat ka na injured?" Tanong ni Erin
"Ahh nabasa kasi ng tubig ni Ken yung sahig habang sumasayaw ako di ko naman napansin kaya na dulas ako"
"tsssk ikaw pala may kasalanan eeee" sabi ni Erin kay Ken
"Bat ako? malay ko bang may sariling buhay yung lalagyan ng tubig ko tapos natumba kaya nabasa yubg sahig" sabi ni Ken
"Ahh guys Cr muna ako" sabi ni Josh sabay tayo at mabilis na umalis
"Hindi wala naman dapat sisihin di naman yun sinasadya" sabi ni Stell
"Awww bat ba ang bait mo Stell?" Sabi ni Erin
"Ewwww bet be eng beet me stell tssssk" bulong ni Ken sabay subo ng fried chicken
"Mmmm wala na tayong yelo" sabi ni Justin
"Ahhh ako na kukuha" sabi ni Erin sabay tayo at alis. Pag baba niya nakita niya si Josh na naka upo sa upuan sa labas ng bahay nila Erin kaya lumapit ito kay Josh
"Josh okay ka lang? Akala ko mag ccr ka?" Sabay lingon ni Josh
"Ahh tapos na" simpleng sagot niya
"Hinahanap ka na sa taas tara na" sabi ni Erin
"Ma una ka na nahihiya pa ako" biglang sabi ni Josh, lumapit si Erin sa kanya at umupo sa tabi niya
"Bakit? bat ka nahihiya sa mga kaibigan mo?"
"May malaki kasi akong kasalanan sa kanila, tinatago ko lang baka kasi sisihin nila ako pag nalaman nila tsaka sumama ang loob"
"Mmm ang alin?" natahimik si Josh
"Ahhh okay lang kung ayaw mo pa pag usapan pero Josh Kung ano man yang kasalan mo sigurado naman akong mapapatawad ka nila, ano pat naging tunay mo silang kaibigan?"
"Pero tinago ko parin sa kanila--- ako kasi may kasalanan kung bakit na injured si Stell, hindi ko alam papano sabihin sa kanila"
"Sinadya mo bang mainjured si Stell"
"Hindi"
"Yun naman pala eee, hindi mo naman sinasadya ang nangyari, hindi mo lang narinig si Stell kanina pero sabi niya wala siyang sinisisi sa pag kaka injured niya aksidente naman yung nangyari eee"
"Pero nasaktan ko parin si Stell"
"Pwede ka naman mag sorry eee, alam mo mas bibigat yang nararamdaman mo pag di mo nailabas, mag sorry ka kay Stell kung nagu-guilty ka dahil nasaktan mo siya tapos e-explain mo lahat sa kanila nangyari---- wag kang mag alala nasa likod mo lang ako kung natatakot ka!!" Nakangiting sabi ni Erin. Sabay ang dalawa na umakyat sa rooftop
"Bat ang tagal mo!" Sabi ni Sejun kay Josh
"Ah guys may sasabihin sa inyo si Josh" sabi ni Erin
"Sige na" sabi ni Erin sabay atras
"Guys sana mapatawad niyo ko, ano kasi ako yung dahilan kung bakit na injured si Stell, Stell pare sorry talaga hindi ko naman sinasadya eee natakot akong aminin sainyo baka kasi magalit ka sakin Stell----"
"Josh bat mo na gawa yun?" Walang emosyong sabi ni Stell, tahimik naman ang lahat at nagulat si Erin
"Stell sorry talaga, pero okay lang magalit ka sakin deserve ko naman ang galit mo eee"
"Sana sinabi mo na agad para hindi na ako nag mukhang tanga! Alam mo bang nasaktan ako ng sobra sobra, bat mo ginawa sakin yun anong naging kasalan ko" Napaangat naman ng ulo si Josh at napatingin silang lahat kay Stell habang tahimik
"Ano? Pang pelikula na ba?" Sabay tawa niya ng malakas
"Hala boang akala ko totoo!!" Sabi ni Ken sabay hawak sa dibdib niya
"Akala ko rin kinabahan ako doon" sabi ni Justin naka hinga naman ng maluwag si Erin sabay tayo ni Stell
"Ano ka ba pare! Aksidente lang naman yun eee wag mong sisihin sarili mo hindi  mo naman sinasadya yun eee!! Tsaka napaka solid nating lima no!!! walang makaka buwag satin tsaka wag ka ng ma gu-guilty dyan ahh!!" Sabay yakap kay Josh
"Salamat Dre!!" Sabi ni Josh
"Nagulat ako doon ahhh" sabi ni Erin
"Hoooy sali kami!!!" Sabi ni Sejun
"Group huuuuug" sabi ni Justin
"Awieeeee" sabi naman ni Ken habang papalapit sila kay Josh at Stell, nakatayo naman habang naka ngiti at masayang pinapanood ni Erin ang lima
"Hoyyy isali natin si Erin, siya yung nag advice sakin kanina" sabi ni Josh
"Hindi okay na masaya na ko nakita ko kayong ganito" sabi ni Erin pero pinalibotan parin siya ng lima habang nag tatawanan.




My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now