CHAPTER 15

51 3 1
                                    

"Ang dami namang pagkain!!" Sabi ni Aaron
"Nahulaan mo ata na papunta kami eeee" sabi ni Joy
"Ahhh haha oo, parang ganun na nga!" Sabay kamot ng ulo ni Erin
"Mmmm nga pala bat kayo andito?, i mean nag punta pa talaga kayo dito" sabi ni Erin
"Sus okay lang minsanan nalang tayo mabuo ng ganto!!" Sabay subo ni Jacob ng kinakain
"Oo nga, tsaka may sasabihin din yung iba" sabi ni Christopher
"Mmmmm double celebraton nato mga te!!" Sabi ni Daren
"Unahan mo na Kate!!" Sabi ni Joshua
"Okay guys!! Aalis na ako ngayong linggo, nag apply kasi na english teacher sa Japan and naapprove naman kaya!!!!" Sabi ni Kate
"Ahhhhh celebration ba tawag niyo dito? Di na tayo komplete to nito!!!" Sabi ni Daren
"Tssssk may video call naman eee!! Tsaka 3 years lang naman kontrata ko!, babalik ako kala naman nito mamamatay ako eee" sabi ni Kate
"Ako naman!!!" Sigaw ni Jacob
"Guys may Architect na kayong barkada!!" Sabi ni Jacob
"Waaaaa nakapasa ka?" Tanong ni Joshua
"Kala mo sakin bobo?" dugtong ni Jacob
"Sasakay na ako ng barko next week guys!" Pamumutol ni Aaron
"Hoy baka tutuhanin mo yung seaman loloko ah!! Baka malaman namin nag hiwalay nakayo ni Trista!!" Sabi ni Joy
"Hindi aaa!! Loyal ata to!!" Sabi ni Aaron. Nakangiti lang si Erin at si Christopher sa mga pangarap na natupad ng mga barkada nila at proud na proud sila dito
"Nakapasa din ako sa bar exam kaya official na Nurse na akoooooo!!" Sabi ni Joy
"Pagmagkasakit ba ako libre sa hospital niyo?" Tanong ni Jacob
"Sira nurse lang ako di may ari ng ospital!!" Sabi ni Joy
"Ako naman papasok nako sa campo namin!!" sabi ni Joshua
"Ohhhhhhh may sundalo na kaming kaibigan! Hoy wag mo kaming hulihin pag may kataranradohan kaming ginawa!" Natatawang sabi ni Jacob
"Gago ako naman malilintikan non!!" sabi ni Joshua
"Guys na promote ako ngayon lang, chief executive nako sa clothing brand namin" mayabang nasabi ni Daren
"Oohhhhh pasponsor naman ng tshirt dyan!!" Sabi ni Joshua sabay tawanan nila
"Hindi ka na namin tatanongin Per kasi alam naming ikaw na mag mamana sa kompnya ng daddy mo kaya si Erin nalang" sabi ni Jacob kay Christopher na nakangiti
"Ikaw Erin?" tanong ni Kate sabay subo ng kinakain niya
"Ha? ako? ahh haha, make up artist parin" sagot ni Erin
"Hmmm? akala ko ba gusto mo maging journalist?" Tanong ni Aaron, napatingin naman si Christopher sa kanya
"Ahh oo, syempre" naiilang na sagot ni Erin
"Bat di ka pa umalis dyan sa current work mo tsaka mag apply ng iba?" Sabi ni Jacob
"Mmmm gaya namin natupad na yung mga pangarap namin, ikaw nalang kulang" sabi ni Joshua
"Mmmmm pag iisipan ko" awkward na sabi ni Erin.

Nagtatawanan at nag kwe-kwentohan naman ang magkapatid sa harap ng lima at nakikitawa nalang din ang apat habang si Ken ay busy sa paginom ng paubos na niyang beer
"So magkakakilala na pala kayo lahat?" Tanong ni Glent
"Ahh opo" nakangiting sabi ni Sejun
"That's good" palusot na sabi ni Glent dahil alam na niya ang tungkol kay Ken at Jessica
"So Ken ahm, kamusta na haha. Busy ka na no" sabi ni Jessica
"Okay lang" walang ganang sabi ni Ken habang nakatingin sa beer niya sabay ubos nito
"Ahh Manager mauuna nako" sabay tayo ni Ken
"Teka lang Ken!" Pamimigil ni Sejun
"Wait maaga pa naman ah" sabi ni Glent
"Salamat po sa libreng painom, kailangan ko na po talagang umalis" sabi ni Ken sabay alis.

"Ahhhh salamat naka alis nadin dun!! Bat pa siya nag pakita!!" Bulong niya sa sarili niya habang nakatingala sa langit at nakapamulsa sabay kuha ng cellphone niya para echeck kung nasaan na ang grab na binook niya
"Halaaaa!!!" Gulat niyang sabi habang nasa screen ng cellphone ang mata niya
"Hindi na send!!!!!!!!--- patay anong gagawin ko? Papano to? Papatayin niya ako!!!" Bigla niya nakita lahat ng notif niya maraming missed calls galing kay Erin at ang nakalimotan niyang reminder para sa First anniversary nila
"Pataaaaaay!!! Bat ngayon mo lang ako pinaalalahan kumag ka!! Aaaahhhhhhhhh wala naaaaaaaa patay na talaga ako nito!!!!!!!!!!!!!" Sabay sabunot sa buhok niya
"Ken!!" Halos mapatalon siya sa gulat noong hinawakan siya ni Jessica sa balikat niya
"Ano?!"
"Okay ka lang? Para kasing----"
"Wala ka namang pakialam don eee, matagal na" malamig niyang sabi
"Ken look let me explain---"
"Too late sana noon mo pa na isipang mag explain. Tsaka may mahal na kong iba kaya wag mo ng sayangin oras mo sakin wala kang mapapala" Tyempong dumating na ang grab at dali dali siyang sumakay at dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak pambawi kay Erin pero wala ng bukas kaya pinatas nalang niya ang bulaklak na nakita niya sa pot na nasa labas ng flower shop.
Pagdating niya tinawagan niya ng makailang ulit si Erin pero hindi na niya ito sinasagot
"Aghhhh!! Anong gagawin koooo" sabay lakad palabas sa building ng apartment ni Erin. Pagkalabas niya sa building nakita niya si Erin na naglalakad kaya tatakbo na sana siya pero bigla niyang napansin si Christopher sa gilid ni Erin
"Bat di ka pa sumama sa kanila? Gabi na malayo pa byahe mo" sabi ni Erin
"Okay lang may binook na akong hotel, gusto lang kitang ihatid" sabi ni Christopher
"Hmmmm andito nako kaya umuwi kana tsaka mag pahinga, okay nako!"
"Sigurado ka?"
"Mmmmm"
"Sige, good night!" Sabay gulo ni Christopher ng buhok ni Erin
"Eyyyyy!!-- alis na!" Sabay alis ni Christopher.
Papasok na sa building si Erin
"Ken?" Gulat niyang sabi kay Ken na seryusong nakasandal malapit sa entrance ng building
"Happy aniversary" hindi niya pinahalatang nag seselos siya at pinilit niyang ngumiti sabay abot ng bulaklak na hawak niya
"Happy aniversary Happy? talaga? alam mo bang makailang ulit akong tumawag sayo? Nag handa pa naman ako ng surpris---" bigla nalang siyang napatigil sa pag sasalita dahil ipinatong ni Ken ang ulo niya sa balikat ni Erin habang nakapamulsa
"H-hoy? Anong nangyari?"
"Sorry, irresponsableng boyfriend ako" mahinang sabi ni Ken pero rinig na rinig parin ni Erin ang sinabi niya
*Luhh? dapat galit ako eee!! Dapat galit ako sayo!!*
"Teka nakainom ka ba?" sabay angat ng ulo niya
"Mmm kunti" sabay halik ni Ken sa noo ni Erin
"Mag pahinga kana, uuwi na ako" sabi ni Ken
"Ano?"
"Iponin mo yang energy mo bukas para mabugbog moko ng todo" sabay halik ulit niya sa noo ni Erin.
Hindi naman nakatulog ng maayos si Erin at iniisip parin niya ang nangyari sa kay Ken, kung bakit ganun ang reaksyon niya.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now