CHAPTER 16

50 4 0
                                    


Wala sa sarili si Erin na lumabas ng opisina ni Glent matapos silang magusap, papalabas na siya sa gate ng building at nakita niya si Ken na matiyagang nag hihintay sa kanya. Natigilan siya at napatitig kay Ken na busy sa harap ng cellphone niya at kitang kita niya sa malayo na tinitignan niya lahat ng stolen pictures niya, habang kumakain, habang busy sa pag ayos ng make up, habang natutulog, habang tumatawa kasama ang mga ka trabaho niya kaya hindi niya mapigilan ang luha niyang walang pasabi at nag uunahan sa pag bagsak habang nag pipigil ng paghikbi niya
"Pano ko naman masasaktan tong taong to?" Bulong niya habang umiiyak, pinilit niyang patahanin ang sarili niya bago pa siya makita ni Ken na umiiyak at mag tanong kung anong nangyari. Pinilit niya ring ngumiti para di mag alala si Ken, ilang segundo lang at napansin na siya ni Ken na nakatayo lang kaya masaya siyang humarap kay Erin sabay kaway ng nakangiti. Nagtataka naman si Ken kung bakit napaka tahimik ni Erin habang nag lalakad silang dalawa kaya nag tanong ito pero hindi sinabi ni Erin ang totoo at sinabing pagod lang siya sa buong araw na trabaho kaya hindi na niya kinulit pa si Erin.
"Sige na pasok na sa loob" sabi ni Ken kay Erin habang nasa tapat na sila ng pinto ng apartment niya
"Oh" simpleng sagot niya sabay hawak sa doorknob para buksan ng susi, nakatalikod na si Ken at aktong aalis na pero bigla siyang niyakap ni Erin mula sa likod kaya nagulat siya at napatingin sa kamay ni Erin bago hawakan at tangalin para humarap sa kanya pero mas ikinagulat niya pag kakita niya kay Erin na umiiyak
"Bakit ka umiiyak? Erin? Okay kalang? Anong problema?" Tarantang tanong ni Ken habang nakahawak sa magkabilang braso ni Erin na nakayuko at todo ang pag iyak
"Please wag mo kong iwan" bulong niya habang nakayukong humihikbi pero rinig parin ni Ken
"Ha? Bat naman kita iiwan? Ano ba pinag sasabi mo?" Tanong ni Ken.
Hindi na muna umuwi si Ken at hinintay na makatulog si Erin, habang tulog si Erin tinititigan niya ito habang nilalaro ang buhok niya.

******
(Earlier)
Kumatok si Erin ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni Glent na busy sa pag basa ng mga schedule ng SB19
"Sir pinatawag niyo daw po ako?" Tanong ni Erin
"Ahhh, come in" sabay lahad sa upuan na nasa harap ni Glent. Dinalhan naman ni Glent si Erin ng kape na siya mismo may gawa
"Kamusta naman trabaho mo dito sa Showbt?" Tanong ni Glent
"Ahh okay naman po Sir" nakangiting sabi ni Erin
"Mmm ahm sa totoo lang kaya kita pinatawag dahil may nalaman ako tungkol sayo"
"Po?"
"Alam ko na Erin, dinidate mo si Ken" diretsahang sabi ni Glent na ikanagulat ni Erin
"Ayy ano po ba pinag sasabi niyo sir haha" saby higop ng kape niya sa kaba
"Wag ka na mag deny Erin, i know everything"
"Sir? Pano po ninyo nalaman?" Takang tanong ni Erin
"Hindi mo na kailangan malaman kung kanino ko siya nalaman for personal reason" natahimik sila sandali
"Erin i know na mahirap tong pabor na hihingin ko sayo" seryusong sabi ni Glent
*Wag please wag, alam ko na sasabihin mo*
"Hiwalayan mo na si Ken" biglang nanghina si Erin sa sinabi ni Glent maya di siya agad nakapag salita
"Alam kong hindi papayag si Ken sa gusto kong mangyari but you need to sacrifice for Ken's sake. Parami ng parami nakakakilala sa kanila magiging busy siya mawawalan siya ng time para sayo pano nalang kung one day malaman nila na nag didate kayo? Gusto mo ba pati buhay mo maging magulo? Unless gusto mo ring maging instant celebrity" nataohan si Erin sa sinabi ni Glent kaya napatingin siya sa kanya
"Po? Instant celebrity? Huh! Excuse me lang po pero hindi ko naman po pinangarap na maging sikat! Mahal ko si Ken kung sino siya hindi kung ano siya! Wala akong paki alam kung di man ako maging sikat kasi in the first place puso ni Ken gusto ko hindi po yang sinasabi niyo" pinipigilan ni Erin ang pag tulo ng luha niya
"Okay sabihin na nating hindi papano nalang career niya? Ano? Kaya mo bang makitang nasisira lahat ng pangarap at career niya at dahil pa yun sayo?. I heard na magiisang taon kanang nag tra-trabaho dito so alam mo na siguro ang ikot ng showbiz. Kaya Erin pag isipan mo to ng mabuti! Hindi ngayon ang time para maging selfish ka dahil hindi lang ikaw ang dapat na protektahan ni Ken. Hindi mo ba alam na may rules sila? Kung sinong mahuling may dini-date isa sa nga members ng SB19 its either na mag disband sila or yung isang taong nahuling may karelasyon ang aalis sa grupo and i know na ayaw mo yung mangyari kay Ken?" sabi ni Glent
(End)
******





Umiinom ng wine si Glent habang nakaharap sa malaking bintana ng sala nila at nakapamulsa, mayamaya dumating si Jessica
"Oh? Andito ka na pala kuya" sabi ni Jessica
"I already said that they should break up for your Ex sake!" Mahinahon pero dismayadong sabi ni Glent sa kapatid niya na nasalikod niya
"Really? Then, i'll go with my plan now"
"Wag, hindi pa sila officially hiwalay tas papasok ka sa screen. Mahahalata nilang inaagaw mo si Ken kay Erin"
"Well, tama ka naman dyan. Pero when? Kailan sila magiging officially maghihiwalay?"
"Don't Know, just wait" malamig na sabi ni Glent sabay inom ng wine
"Okay thank kuya!!" Masayang sabi ni Jessica bago umalis papunta sa kwarto niya. Napahinga ng malamim si Glent at mahigpit na hinawakan ang basong hawak niya
"Napaka walang kwenta ko, i ruined someone's wonderful love life. Hindi si Erin ang selfish dito it was my sister, she always got what she wants. Why? Why did i agreed to her? Mahal ko lang talaga ang kapatid ko. I can't say this to your faces but i'm so sorry for my sister's selfishness" sabay upo ni Glent at sandal sa sandalan.






Kinabukasan wala parin si Erin sa kanyang sarili habang nag aayos ng mga equipment na gagamitin nila para sa comeback stage ng SB19 kaya hindi niya namalayang mahahawakn na niya ang mainit na pang plantsa sa buhok na hinahanda niya, mabuti nalang at dumating si Janine para mahawakan niya ang kamay ni Erin at ilayo ang plantsa sa buhok
"Hoy!! Ano ba! Masasaktan mo sarili mo ee!!" Panenermon niya kay Erin
"Oh, sorry hindi ko napansin kasi" mahinahong sabi ni Erin.
"Ano ba kasi problema mo? buong araw ka ng wala sa sarili mo"
"Ha? Ahh wala, wala naman. Huhugasan ko muna yung mga brush para ma blower ko na" sabay kuha ng mga brush at alis. Habang nag lalakad hindi niya napansin si Glent na makakasalubong niya
"Erin?" Tawag ni Glent kaya dahan dahan na napatingin si Erin sa kanya.

"Ano na desisyon mo? I hope na gagawin mo tama para sa kanya, para sa inyo" tanong ni Glent, nasa rooftop silang dalawa nag uusap para siguradong walang makakarinig sa kanila
"Hindi ko po alam" simpleng sagot niya. Biglang nag labas ng cellphone si Glent sabay pakita sa screen
"May nakakita sa inyo and pinagbabantaan akong ikakalat lahat tong pictures niyo, are you really sure na kakayanin mong masira career niya? Dahil sayo?" Biglang natahimik si Erin habang nakatingin sa mga picture.
"Alam kong mahirap at masakit ang gagawin mo di lang sayo pati na si Ken. But this is the best for the both of you"
"Hindi ko kaya,--- hindi ko alam" naiiyak na sabi ni Erin
"Gusto ko malaman sagot mo hanggang mamaya ng hapon. Tandaan mo nakasalalay sayo lahat dito pag sinabi kong lahat pati career ni Ken kasama" sabi ni Glent sabay alis ng naka pamulsa.





Bumalik na si Erin sa dressing room at pag bukas niya andon si Ken nakaupo habang nakaharap sa salamin at natutulog
"Hindi ko kayang saktan tong si Ken, nangako kami sa isa't isa kaya tutuparin ko yun kahit anong mangyari pro-protektahan ko siya kasi ganun din ang gagawin niya pag nasa sitwasyon ko siya, pro-protektahan kita Ken" sabi ni Erin.


My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now