CHAPTER 4

73 4 0
                                    

Nakauwi na sila sa guest house nila at panay ngiti na ni Ken na pag hahalataan na siya ng apat pero hinayaan lang nila ito. Sumapit na ang gabi at nag hahanda na si Erin sa pag dating ng mga kaibigan niya nang biglang pumasok si Ken sa bahay nila
"Erin!!!" Sigaw niya
"Hoy pano ka naka pasok dito?" sabay turo ni Ken ng pintuan
"Ito nag luto si Stell ito nalang ulamin mo kumain ka na? Nasan si Ate Glaz?" Sunod sunod na tanong ni Ken
"Sa susunod kumatok ka bago ka pumasok!!"
"Hmmmm parang ibang tao naman ako sayo!!"
"OO stranger ka parin no!!! 1Week palang tayo mag kakilala"
"Nyenyenye" nag libot libot si Ken sa bahay nila Erin
"Ano hindi ka pa aalis? dadating barkada ko!!" sabi ni Erin
"Ikaw to?" Sabay dampot ni Ken sa picture frame sabay tawa
"Hoooy wag mong paki alaman yan!!!"
"Teka lang para titignan ko lang eee" sinubukan namang kunin ni Erin ang picture pero mas matangkad pa si Ken sa kanya kaya hindi maabot noong itinaas na ni Ken ang frame
"Ano ba!!!" Tawang tawa parin si Ken
"Ang cuteeee" panunukso ni Ken, bigla naman sila nakarinig ng nag sisigawan papasok sa bahay ni Erin kaya natigilan ang dalawa
"Andito na sila!!!!---- Tagooooo biliiiiiis" sabay tulak ni Erin kay Ken
"Arayyyy bakit ba ? ano naman kung makita nila ako?" sabay sara ni Erin sa pinto ng kwarto niya
"Hoooy baklaaaaa" sigaw ni Daren
"Uy haha nandito na kayo haha" kabado niyang sabi
"Bat parang gulat na gulat ka?" tanong ni Kate
"Ha? hindi aaah" sabi ni Erin
"Uy paminta asan na yung beer?" dugtong niya
"Ito na po!!!" Sabi ni Christopher
"Ang init naman dito, Bakla dun tayo sa kwarto mo!" Sabi ni Daren
"Ha? hindi ano magulo wag" sabi ni Erin
"Hhmmmm ano kaba mas magulo pa kwarto ni Joy kesa sayo"
"Oo nga" sabi ni Joy
"Tara ilipat natin pag kain sa kwarto niya!" sabay tayoan ng lahat
"Ano- teka langgg!!" Pero walang nakinig sakanya at dire-diretso silang pumasok sa kwarto ni Erin sabay pikit niya.
"Hoy Baklaaaaaaa!!" Sigaw ni Daren
"Mag papaliwanag akoooo!" Sabi ni Erin
" Sa alin?" Tanong ni Christopher, tinignan niya ang loob ng kwarto niya nakita niyang wala si Ken
*Asan na yun?* tanong niya sa isip niya
"Asan na remote ng aircon mo amin na bilis!!" Sabi ni Daren. Nasa loob ng closet ni Erin si Ken nag tatago at pasilip silip ito sa labas.
"Dalawang oras na si Ken sa bahay nila Erin aahh," sabi ni Sejun
"Teka sunduin ko lang" sabi ni Justin sabay alis pero hindi nag tagal bumalik ito sa guest house nila
"May mga tao sa loob kaibigan ata ni Erin" sabi ni Justin
"Asan si Ken?" Tanong ni Stell
"Hindi ko alam, parang wala naman ata siya sa loob eee" sabi ni Justin
"Tawagan mo dre" sabi ni Stell kay Sejun sabay sabay silang napalingon sa kwarto ni Ken at sinundan kung saan nanggagaling ang ingay ng cellphone
"Naiwan niya phone niya" sabi ni Josh habang nakasilip ang apat sa pinto ng kwarto.
Habang nag tatawanan naman ang lahat sa kwarto ni Erin biglang na itopic ni Aaron si Christopher at Erin
"Alam niyo hindi na ako mag tataka kung kayo mag katuloyan bandang huli" turo turo niya ang dalawa gamit ang hawak hawak niyang drum stick ng fried chicken
"Lasing ka na pare!" Saway ni Christopher
"Ano ba kayo!! May ibang gusto yan si paminta no!!!" Natatawang sabi ni Erin
"Pano kung sabihin ko sayo na ikaw yun magugulat ka ba?" sabi ni Christopher
"Awieeeeee, yohoooooo, wala na kasalan nato, tara na sa simbahan!!!" Panunukso ng mga kaibigan nila, binigyan naman ng isang kaltok sa ulo ni Erin si Christopher
"Aray para san yun?"
"Ginogood time mo nanaman ako eee, tumahimik ka aahhhh!!" Sabi ni Erin
"Oo na oo na hahahaha ang sakit noon ah!!" Sabi ni Christopher habang hawak hawak niya ang ulo niya
"Bagay talaga kayo promise as in!!!" Sabi ng mga kaibigan nila. Mag hahanting gabi na kaya nag sipag uwian na ang mga kaibigan niya, pag ka tapos niyang ihatid ang mga kaibigan niya sa labas humiga ito ng kama para matulog na dahil medyo may tama na siya sa ininom niya pero bigla siyang bumalikwas at hinanap si Ken sa loob ng kwarto niya.
"Hala asan na yun?" Sabi niya
"Hooyyyy Ken asan ka na?" sabay bukas ng cabinet niya
"Hayyyy salamat naman at nandito ka lang pala!!!" sabay upo niya sa sahig, nakita niyang nakahiga si Ken sa cabinet niya at pinag kasya ang sarili para lang makahiga ito at naka tulog sa limang oras na kakahintay makaalis ang  barkada ni Erin, tinitigan ni Erin si Ken ng ilang minuto bago humiga sa harap ni Ken at pinangunan niya ang kamay niya, hindi niya maiwasang mapangiti sa pinapanood niyang natutulog na si Ken
"Waaaaa ang gwapo mo pala sa malapitan, mmmmm tignan mo yung mauugat niyang kamay oooo, waaaaa ang buhok niya at ang---" bigla siyang napatingin sa mga labi ni Ken at bumilis ang pag tibok ng puso niya
"T-teka bat parang ang bilis ng pag tibok ng puso ko? nababaliw ka na ba? hooy!! Tumahimik ka baka magising si Manok!!!" Pabulong niyang sabi. Sa kaka panood niya kay Ken matulog siya naman ang nakatulog sa sahig kaharap si Ken
"Uyyyyy!!!!" Gulat na sabi ni Ken pag ka gising niya dahil unang nakita niya ay si Erin na nakaharap sa kanya  na natutulog
"Hayyyyy nakakagulat naman to!!" Sabi niya
"Teka" sabay amoy kay Erin
"Eeeee amoy beer, lasing nanaman ba to?" Aksidenteng napatitig ito sa mukha ni Erin kaya hindi muna ito bumangon sa pag kakahiga sa cabinet at ginawang unan ang braso niya
"Bat ba ang takaw mo pag nasa inuman? di mo naman kaya pag nalasing ka tignan mo kung saan saan ka na natutulog!!? Baka sa susunod kung ano nang mangyari sayo!!! Hayyyy bat nga ba kita sinisermonan eee di mo naman ako naririnig ngayon!!!" sabi ni Ken
"Mama papa!!!" Biglang sabi ni Erin habang natutulog at umiiyak
"Ohhhh ???!"
"*sniff* mama wag niyo ko iwan-- *sniff* paaa,*sniff*" Sabi ni Erin, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ken at kusang gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ni Erin, mayamaya pa kumalma na si Erin kaya pinunasan ni Ken ang luha ng dalaga. Kinabukasan nagising na si Erin at nag tataka ito kung bakit bukas ang cabinet niya at may kumot na siya sa katawan
"Ahhh ang sakit ng ulo kooooo" sabi niya habang papunta sa kusina
"Mama!!!!" Gulat niyang sigaw
"Gising ka na pala"
"Anong ginagawa mo dito? bakit ka nandito?"
"Alam kong napa dami inom mo ka gabi, tsaka sabi ni ate Glaz puntahan daw kita dito at dalhan ng Mcdonalds pang patanggal ng hangover"
"Hoy Paminta kailangan talaga parati kang susunod sa utos ni Glaz? Teka dito ka ba natulog?"
"Ha? Hindi ahhh umuwi ako tapos bumalik ako dito actually kakarating ko lang eee-- teka bat sa sahig ka natutulog? Tsaka wala pang sapin kumot lang walang unan"
"Hindi ikaw ang nag kumot sakin?"
"Hindi?!! Bakit?"
"Wala" simpleng sabi ni Erin sabay kagat ng burger niya.
"Ken saan ka natulog ka gabi?" Tanong ni Stell habang nag aalmusal sila
"Ha? dito bakit?" Sabi ni Ken habang nakaharap sa kape niya
"Weee wala ka kaya, chineck ni Josh kwarto mo kaninang 3am" sabi ni Justin
"4am na kasi ako naka uwi"
"So saan ka nga nanggaling?" Tanong ni Sejun
"Kila ano kila Erin" mahinang sagot niya
"Hallaaaaa dun ka natulog?" Sabi ni Justin na nag pipigil ng tawa
"Mag katabi kayo matulog?"sabi ni Josh habang napakalaki ng ngiti
"Halaaaaaaaa kaya palaaaaaa!!" Sabi ni Stell
"Grabe naman kayo, sa cabinet nga ako nakatulog eee"
"Bat sa cabinet? bat di kayo nag tabi?" Natatawang tukso ni Sejun
"Mga abno, gentleman ako uy!!"
"hahahahahaha uyyyyy lumalablyp na si Keeeeeen!!!" Sabi ni Justin
"Awiiieeeee bat parang kinikilig ako? ha?" Sabi ni Stell habang yakap yakap ang sarili
"Sana oooolll" sabi ni Sejun habang tumatawa
"Manahimik nga kayo!!! Umagang umaga eee" sabi ni Ken sabay walk out
"Uyy saan ka pupunta!!" Natatawang sabi ni Sejun
"Ewan ko sa inyo ang iingay niyo" sabay pasok sa kwarto niya dala dala ang kape niya
"Waaaaa!!!" Sabay sandal sa pintoan ng kwarto niya habang hawak hawak ang dibdib
"Muntik na yun ahh, bat kinakabahan ako? wala naman akong masamang ginawa kay Erin" sabay higop ng kape.
Naglilinis na ng bahay si Erin pag katapos niya sa sala pumunta na siya sa mga kwarto ng lima ang huling nilinisan niya ay ang kwarto ni Ken
"yohooo~~~ Ken mag lilinis muna ako ha" sabi ni Erin sabay pasok at nag simula ng mag linis, sa gitna ng pag lilinis niya naka tanggap siya ng text
"Yeeeesss!!! Salamat Glaaaaz. Welcome allowance" sabi niya sabay patong ng cellphone niya sa lamesa na malapit sa kama ni Ken
"Ano bayan bat may dumi nanaman dito!!!" Sabay abot ng dumi sa gitna ng malaking kama ni Ken, bigla namang lumabas si Ken sa cr at nag pupunas ng basang buhok niya
"Anong ginagawa mo?" malamig na sabi ni Ken, halos mapatalon naman si Erin sa gulat pag ka rinig ng boses ni Ken mula sa likod niya at napaupo sa kama ni Ken
"Ah- K-kasi ano!!" Nauutal na sabi ni Erin
*Ang Hoooooot ni Keeeeeen myghaaaddd helf, helf, helf meeeeee Ken Suson iz choking meeee* nag wawala na siya sa isip niya
*Baaaaat ka ganyaaaaaaaan Keeeen Suson?* dugtong pa niya sa isip niya
"Hoyyyy!!!" sabay tapik ni Ken sa balikat ni Erin
"Ha? agh a-ano yung dumi haha inaabot ko kaso ahm malaki kama mo alam mo naman haha maikli kamay ko" sabi niya, walang pasabi si Ken ang kumuha ng dumi at nan laki ang mata ni Erin sa ginawa ni Ken. Halos parang mag kayakap na sila pinang tukod ni Ken ang kabilang kamay niya sa gilid ni Erin na nakaupo at lagpas sa mukha ni Erin ang mukha ni Ken sabay abot ng dumi. Hindi naman nakahinga si Erin ng ilang segundo at napaka lakas ng pag tibok ng puso niya
"Ohh ayan nakuha ko na tumayo ka na dyan!" sabi ni Ken
"Ha-ha?"
"Teka bat namumula ka?"
"Ha? hindi noohh" sabay tayo ni Erin
"Ang init lang kasi tapos nag lilinis pa ako, may aircon naman dito ah?"  Sabay paypay niya ng mukha gamit ang kamay niya
"Tapos na ako" mabilis na umalis si Erin sa kwarto ni Ken
"Teka na iwan ko ang vaccum cleaner!" sabay alis ulit. Napasandal si Erin sa pintoan ng kwarto ni Ken at parang hihimatayin na sa kaba
"Ano yun? ha? ahhhhyyyy nasisiraan na ako!!!" Sabi niya sabay hila papaalis ng vaccum cleaner. Nakangiti si Ken habang pinupunasan niya ang buhok niya ng tuwalya sabay kagat labi ng maalala niya ang ginawa niya kanina kay Erin..
"Ano kaya shampoo niya, ang bango kasi" sabay tawa ulit
"Ahhhhh Felip Jhon Suson anong nangyayari sayo?" sabay higa niya.




Gabi na at tapos na si Erin mag aral sabay higa niya sa kama niya
"aaaaaahhhh makakapag pahinga na din" sabi ni Erin.
Samantala nakahiga na rin si Ken sa kama niya at hinahanap ang cellphone niya para manood ng anime pero ibang cellphone ang nakuha niya
"Ha? kanino to?" Tanong niya sa sarili, pag bukas niya sa cellphone
"teka? kay Erin to ah?" sabi niya.
"Ano na kayang nangyari kay Glaz?" Tanong ni Erin habang naka tingin sa kesame ng kwarto niya
"Kumustahin ko kaya?" Sabay hanap ng cellphone niya.
"HAHAHAHA ang cute!!" Sabi ni Ken habang tinitignan ang pictures ni Erin sa gallery, dahil walang password ang cellphone ni Erin naka pasok siya agad sa gallery. Hanggang sa nakaabot si Ken sa album nila ni Erin at Christopher
"Sino naman to?--- bat parang napaka close nila? Tssssk" sabay patay ng cellphone at lapag niya sa lamesa nito.
"Halaaaaa saaan ko yun nailagaaaay????" Sabay silip ni Erin sa ilalim ng kama niya
"Aaaahhhh saaan kaaaanaaaaa!!!" Pag mamaktol niya.
Biglang nag ring ang cellphone ni Erin at agad itong kinuha ni Ken para tignan kung sino ang tumatawag
"Paminta? Sino to?" sabay sagot
"Erin kumain ka na? Nga pala paaalala ko lang sayo 10am tayo bukas sa paborito nating cafe wag kang malalate ha!"
"Sino to?" biglang sabi ni Ken
"Teka? sino ka?" Sabay tingin sa number na tinawagan ni Christopher
"Kay Erin number to, bat nasayo phone niya? hello?!!" Sabay baba ni Ken ng tawag
"Magkikita sila bukas?" Sabi ni Ken.
"Aahhhh Erin alalahanin mo kung saan mo naiwan ang phone moooo!!!" Sabay pikit ni Erin habang nakahawak sa ulo
"Nag lilinis ka ng guest house kanina, nasa bulsa mo, pumasok sa kwarto ni Ken nag linis, may nag text, pinatong mo sa------- HINDIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!" sigaw ni Erin

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα