CHAPTER 12

50 4 0
                                    

"Po?!" Gulat na tanong ni Erin sa mama ni Christopher
"Hindi ka pa ba nililigawan ni Christopher?! Anak!! Akala ko ba gusto mo si Erin?" Tanong ng mama niya
"Ma!! Ginagawa mong awkward ang sitwasyon" sabi ni Christopher
"Well anak, pareho naman na kayong tapos sa pag aaral at may mga kanya kanya na kayong trabaho. So bakit di mo pa ligawan si Erin" sabi ng papa niya
*Luhh pano ko ba sasabihin kila tita na may boyfriend nako, bakit di sinasabi ni Christopher!!!* sa isip ni Erin
"Ma! Hindi pa ready sa mga ganyan si Erin, focus pa siya sa trabaho niya. Ngayon palang siya nag eenjoy sa buhay niya, right?!" Sabay tingin niya kay Erin
"Well you have a point" sabi ng mama niya
*Ano yun? Inaasahan ba talaga ni Tita na magiging kami ni Peper?*.
Tapos na sila sa dinner nila at hinatid na ni Christopher si Erin sa apartment niya
"Hoy! Bat di mo sinabi kila tita na may boyfriend nako? Ha!! Nag a-assume tuloy silang dalawa na magiging tayo!!" Sabi ni Erin habang naka pamewang
"Hmmm? Akala ko kasi ayaw mong sabihin sa kanila hinihintay rin kitang sabihin yun sa kanila, pero hindi mo sinabi"
"Nahihiya kasi ako kila tita, sana ikaw nalang nag sabi"
"Nah! its okay hindi naman natin alam mangyayari sa future baka mag hiwalay pa kayo ng Ken mo---"
"Hooooy!! Knock on woods!!" Sabay lapit ni Erin sa kahoy na upuan malapit sa kanila
"Tsssssk!! Bat mo sinabi yun!!!"
"Well im just telling the truth, madaming pwedeng mangyari sa future. Hindi natin alam mangyayari bukas or in the other day lalo pa sa trabaho ng boyfriend mo hindi mo ba naiisip mga consequences noong sinagot mo siya? i mean ordinaryong tao ka lang and siya celebrity. Hindi naman pwedeng forever itago ka niya sa likod niya at di ipakilala sa mundo and pag dumating ang araw na mabuking kayo kaya mo bang makitang masira ang career niya dahil sayo? kaya mo bang panindigan si Ken hanggang dulo at ang malaking tanong dito hanggang kailan ka niya kayang hawakan. Ibang mundo ginagalawan niyo Erin kadalasan sa mga celebrity, celebrity rin ang makakatuloyan" natahimik si Erin sa sinabi ni Christopher sa kanya at napa isip sa pwedeng mangyari sa kanilang dalawa.
Hindi rin siya makatulog sa mga sinabi ni Christopher at napapaisip
"Bat di ko na isip yun noong una? bakit ngayon lang? Pano kung mangyari talaga yun sa future? kakayanin ko ba? Papano kung ako talaga ang makasira sa career niya? papano kung iwan niya ako kasi di na niya ako kayang protektahan? anong gagawin ko? Ngayon palang parang hindi ko na kaya iniisip ko pa lang parang gusto ko ng umiyak. Di naman dapat siya lang promotekta sakin diba, dapat protektahan ko rin ang career niya ayokong akong maging dahil ng pag kasira ng career niya"
Hanggang sa nakatulog si Erin sa kakaisip niya.






Araw na ng music festival nila at lahat busy sa mga ginagawa nila, ilang araw na din silang di nakakapag usap at nahahatid ni Ken si Erin dahil sa busy ang lima sa pag practice dahil sa araw ng music festival.
"Erin ikaw na bahala sa mga make up natin paki tignan kung ano pang kailangan dalhin para sa retouch nila!" Sabi ni Ms. Claire
"Opo Ms." Sagot ni Erin habang nag mamadali sa dressing room hanggang tingin na lang muna si Ken kay Erin habang inaayosan siya ng mga staff. ikot doon ikot dito, takbo doon takbo dito ginawa ni Erin dahil busy ang lahat sa pag set up ng mga camera at pag ayos ng gagamiting mga damit ng SB19
"Erin!!" Tawag ng isang staff habang inaayos niya ang dadalhin nila
"Tapos ka na ba?"
"Bakit?"
"Mag v-vlog kasi sila walang camera man busy lahat sabi ni Janine marunong ka sa camera, aayosin ko pa kasi ang mga ear monitor nila may problema kasi sa dalawa"
"Ha? ngayon na ba?"
"Oo nag hihintay na sila sa dressing room, kunin mo yung camera doon" sabay turo sa mga camera man na busy sa pag aayos sa gagamitin nila sa event
"Ahh!! Sige" sabay alis ni Erin, nasa tapat pa lang siya ng pinto ng SB19 maingay na sa loob
"Oh Erin?!" Sabi ni Stell
"Ikaw ba camera man namin?" Nakangiting tanong ni Justin
"Ahhh oo, busy kasi lahat sa labas timing naman tapos nako kaya ako na utusan" sabi ni Erin
"Teka kaya mo bayan?" Tanong ni Ken
"Oo naman!"
"Baka mabalian ka ng buto payat mo pa naman!" Natatawang sabi ni Ken
"Grabe ka naman sa kanya!!" Natatawang sabi ni Josh
"Tsssssk" sabay irap ni Erin
"Mag simula na ba ako pinuno?" sweet na tanong ni Erin
"Sige start na tayo baka mabugbog mo pa si Ken" natatawang sabi ni Sejun
"Okay!!" Ready in 3 2 1--- Action!!"
"Get in the Zone!"
"Break!! Hi We are SB19"...





My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now