DISCO

504 60 4
                                    

Kumain kami ng kaibigan ko isang restaurant sa Quezon City.

"WOW! Ang sarap naman nito!" pagkagalak niya at ngumiti.

Napangiti rin ako, ngunit biglang nag-iba ang aking pakiramdam.

"Pre? Ayos ka lang?" Pagtataka niya.

"Ah... wala... kumain ka lang d'yan," sabi ko naman.

Napatingin ako sa pintuan ng nasabing kainan nang biglang nag-iba ang itsura ng paligid. Dumilim at tila ba'y nasa loob ako ng isang disco.

"TULONG! TULONG!" Mga sigaw na aking naririnig.

Nakita ko ang mga taong nagpupumilit lumabas sa nasabing gusali. Ngunit hindi nila maitulak ang pinto dahil ito'y pahila lamang kung buksan.

Nagkakaipitan na, ang iba'y pumailalim at nadaganan.

"BUKSAN N'YO 'TO!" sigaw ng isa.

Napansin kong pare-pareho sila ng kasuotan. Naka-uniporme sila ng pang-eskwela.

Biglang uminit ang aking pakiramdam, lumingon ako sa 'king likuran. Laking gulat ko nang makita kong mabilis nang kumakalat ang apoy sa paligid.

Agad-agad akong tumakbo at nakipag-unahang lumabas ng gusali. Ngunit huli na.

Nang mapapaso na 'ko ng apoy ay bigla akong nagising sa katotohanan.

"PRE! PRE!" sigaw ng kaibigan ko habang tinatapik-tapik niya 'ko. "Anong nangyayari sa 'yo?"

Matapos no'n ay umuwi na kami. Balisa pa rin ako dahil sa pangyayari.

Napagtanto ko na ang kainan na 'yon ay dating kinatatayuan ng Ozone Disco, ang disco na nasunog noong March 1996 na kumitil ng 162 na katao. Ang mga namatay ay mga estudyante na ipinagdiriwang lang ang kanilang pagtatapos.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now