THE SMALL TREE

545 79 5
                                    

"Papa! 'Wag mong putulin ang punong iyan!" Ang sigaw at pagmamakaawa mo sa'yong ama nang makita mong pinuputol niya ang isang puno, sa bakuran ng inyong bahay.

"Bakit anak?" Pagtataka n'ya.

"Basta pa, wag! Baka parusahan ka niya!"

"Ngunit... Ka-kailangan na anak dahil masyado na siyang malaki," sabi niya. "At baka kapag bumagyo ay tuluyan na itong bumagsak sa bahay natin."

Hindi ka na lang kumibo at bumalik sa loob ng bahay, binuksan ang telebisyon, at nanood ng paborito mong palabas.

Habang pinuputol ng iyong ama ang puno, ay siya namang galit ng mga nakatira rito kaya't gumanti sila sa iyong ama.

"Sandali... Parang ang bigla yatang sumakit ang ulo ko," sabi ng iyong ama habang nakahawak sa kan'yang ulo.

Hindi nagtagal ay namilipit na ito sa sakit. "Ar-ay! Sandali... Anong nangyayari sa'kin?!"

Ang kan'yang mga braso ay nagiging punong kahoy na rin, ang kan'yang mga tenga ay nagsisimula ng labasan ng mga sanga. Ang mga sanga naman ay pa-angat na yumayabong at tinutubuan ng mga dahon.

"Tu-tulong! Anak Tulong!" Ang sigaw n'ya ngunit hindi mo siya naririnig.

Ang kan'yang mga paa'y nagsisipag dikit na at tinutubuan ng mga ugat habang bumabaon sa ilalim ng lupa.

Pinatay mo na ang telebisyon at paglabas mo, may nakita kang isa pang puno sa bakuran ninyo na mas maliit kaysa sa punong pinuputol ng iyong ama kanina.

"Nasaan si papa?" Tanong mo sa iyong sarili. Ngunit huli na, hindi mo na siyang makikita kailanman.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now