PAINTING

721 95 12
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING!
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

Noong gabing 'yon ay malakas ang buhos ng ulan at dahil hatinggabi na, bibihira na lang ang mga dumaraang  sasakyan.

Ang lugar kung nasaan ako ay madaling bahain, pero buti na lang ay malapit lang ito sa bahay ni tito kaya naisipan kong makituloy muna sa kan'ya. Wala rin naman akong choice.

“May bakanteng silid sa itaas katapat ng bodega, roon ka na muna magpalipas ng gabi," saad niya.

Napansin kong napakaraming upos ng sigarilyo at bote ng alak na nakapatong sa lamesa sa sala. Ngunit isinawalang bahala ko na lang ito at umakyat na ako sa itaas dala-dala ang aking mga gamit.

Nang marating ko ang pasilyo ng ikalawang palapag, huminto ako sa harapan ng isang bukas at madilim na silid. Medyo naaaninag ko pa ang mga gamit sa loob nito tulad ng painting ng isang lalaki na nadikit sa may pader dahil sa liwanag na pumapasok mula sa pasilyo.

Ito na siguro 'yung bodega na sinasabi niya. Sa kabilang banda naman ng pasilyo ay ang kuwarto na aking tinuluyan, dito ay nagpalipas ako ng magdamag.

Kinaumagahan, paggising ko ay agad akong bumaba sa unang palapag at nadatnan ko nga si tito na naghahanda ng almusal sa kusina. 

“Magandang umaga, tito!” bati ko. “Ang lakas ng ulan kagabi!”

“Kaya nga, eh. Buti at nakatulog ka nang maayos? Hindi ka ba namahay?”

“Hindi naman po. Sarap nga ng tulog ko, eh,” saad ko sabay humagikgik.

“Nagpipinta po ba kayo?”

Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at napatitig sa akin.

“H-hindi... b-bakit mo naman naitanong?” pagtataka n'ya.

“Eh, ang ganda kasi nung painting do'n sa bodega...”

Kumunot ang kaniyang noo at bakas kaniyang mukha ang pagkalito.

“Painting...? Anong sinasabi mo, eh wala namang painting doon.”

“W-wala po...? ” Napalunok ako.

“Walang painting doon. Malaking bintana, oo,” tugon n'ya.

Muli akong napalunok at napaisip.
Agad akong umakyat sa itaas at dumiretso sa may bodega upang tingnan kung totoo nga bang bintana lang ito. Ngunit pagpasok ko ay laking gulat ko nang bumungad sa akin ang nakabigti niyang katawan sa may bintana.

“Tito...?”

Kung ganito ang kaniyang sinapit, sino 'yong kausap ko mula pa kagabi?

But.

It was just a dream.

Nagising ako mula sa isang bangungot.

“Puwede mo ba sa akin idetalye kung anong nangyari?” tanong ng therapist ko.

Huminga ako nang malalim.

“I thought it was real, p-pero sana hindi na lang ako nagising pa.” Pumatak ang luha mula sa 'king mga mata. “Nagising ako nang nanginginig at hindi makapagsalita.”

I saw my uncle laying next to me; naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak.

“May naaalala ka ba?” dagdag niya pa.

“All I can remember is... in my defense, I accidentally killed him because he raped me.”

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now