ROOM 219

249 24 1
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"Are you the famous mystery-thriller author?" Pagkalagak ng babae sa front desk ng hotel na aking pansamantalang tutuluyan sa Los Angeles, California.

Napahawak ako sa 'king dibdib nang iyon ay kanyang sinabi.

"How did you know?" Sabay halakhak ko. Alam ko na Pinay siya, but I was surprised when she noticed me.

"Isa po kayo sa favorite author ko kaya nakilala ko po kayo agad," aniya nang nakangiti.

"Oh! Thank you so much," pasasalamat ko at ngumiti rin sa kanya. "Sana ay nagugustuhan mo 'yung mga sinusulat ko."

"Oo naman po. Reading is my stress reliever. Anyway, here's your key," nakangiti n'yang inabot sa 'kin ang susi ng silid na aking tutuluyan. "Sa fifth floor po, room 219."

"Thank you!"

Hinila ko na ang maleta na aking dala papunta sa elevator, at nang makasakay na ako rito ay pinindot ko na ang buton papuntang fifth floor.

Nang magsasara na ang pinto ng elevator ay may biglang pumigil dito.

Sumakay ang isang babaeng nakasuot ng eyeglasses na may yakap-yakap na mga libro, at pumwesto sa kabilang sulok ng elevator. Ngunit wala siyang pinindot na numero. In-assume ko na lang na sa 5th floor din siya bababa.

Dahan-dahan nagsara ang pinto ng elevator. Tahimik lang ang paligid habang pinakikiramdaman ko ang pag-akyat nito.

Nang tumungtong na sa ikalimang palapag ang elevator ay hinila ko na ang maletang aking dala-dala palabas dito.

Nagsara na ang pinto ng elevator. Ngunit hindi pa man ako nakakaalis sa pwesto ko ay muli itong nagbukas.

Laking pagtataka ko nang mapansin kong wala ang babaeng nakasabay ko paakayat dito. Eh, hindi pa naman gumagalaw sa kinalalagyan nito ang elevator.

Napalunok ako at huminga nang malalim.

Dali-dali akong umalis sa aking kinatatayuan upang hanapin ang kwartong binigay sa'kin.

Nang ito'y matunton ko ay pumasok na ako rito. Nothing special, it's an ordinary room with a good ambiance.

Sa gitna ng malamig na gabi ay nagising ako dahil sa tatlong sunod-sunod at malalakas na katok.

Umupo ako sa gilid ng kama nang nakaharap sa may pintuan habang namumungay pa ang mga mata.

"Who's that?" Malakas kong sambit. Ngunit walang sumasagot.

I picked up my phone to check the time. It's 3 A.M nang biglang may kumatok muli sa pinto.

"I'm coming," ani ko at tumayo papunta sa pinto. Inisip ko na lang na hotel services ito at baka may dalang free food. Ngunit nang buksan ko ang pinto ay wala akong nadatnang tao.

Habang nililinga-linga ko ang pasilyo ay naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa'king likod.

Tumayo ang aking mga balahibo dahil sa gulat. Ito rin ang dahilan kung bakit bigla akong napalabas ng silid.

Ngunit tila ba ako'y binuhusan ng mainit na tubig nang makita ko ang aking sarili na patuloy pa rin na nahihimbing sa kama.

Nanlaki ang mga mata at napalunok.
Nagsimula na ring tumibok nang mabilis ang aking puso.

Papasok na sana ako ng silid nang biglang sumara nang malakas ang pinto.

Pinihit-pihit ko ang doorknob sabay tinutulak ang pinto, umaasang ito'y aking mabubuksan. Ngunit hindi ito gumagana.

Tinigil ko na ang aking ginagawa at biglang nagbukas-patay ang mga ilaw sa pasilyo.

Mas lumakas pa ang kabog ng aking dibdib at hindi ko alam ang aking gagawin.

Nagsimula nang manginig ang aking mga tuhod dahil sa takot.

"You are trapped in your own story..."
"You are trapped in your own story..."

Ang mahinang boses na patuloy na bumubulong sa'kin. Umiikot-ikot at nanlilisik na ang aking mga mata, hinahanap kung sino ang nilalang na nagsasalita. Tila ako'y nababaliw na. Tinakpan ko ang aking mga tenga upang hindi ito marinig. Pero wala itong silbi dahil patuloy ko pa rin naririnig ang boses.

Nang tumigil sa pagkurap ang mga ilaw ay nawala rin ang boses. Ngunit nakita ko ang isang nilalang na korteng lalaki sa may kabilang dulo ng pasilyo ng gusali.

Tumatagaktak ang aking pawis at patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib.

May hawak-hawak siyang malaking palakol na nakasayad sa sahig.

Napansin kong nagsimula na muling kumurap ang mga ilaw sa pasilyo, at nakita ko rin na dahan-dahan na siyang lumalapit sa'kin.

Walang ano-ano ay tumakbo na ako at sumakay sa elevator upang bumaba at umalis ng gusali. Ngunit nang pindutin ko ang buton pababa ay kusa itong umakyat.

Kada palapag ay bumubukas ang pinto nito. Nanginginig na ako sa takot. Hindi ko alam kung makakaalis pa ako ng buhay sa hotel na ito.

Pagtungtong ng elevator sa pinakamataas na palapag ay dahan-dahan bumukas ang elevator nito at bumungad sa'kin ang isang malaking water tank.

Napatakip ako ng ilong at napakunot ang noo dahil sa masansang na amoy na aking naaamoy mula rito.

Nang sinilip ko ang loob ng water tank ay laking gulat ko nang makita ko ang bangkay ng babaeng nakasabay ko sa elevator na naaagnas na.

Napasigaw ako nang pagkalakas-lakas hanggang sa ako'y nagising sa isang bangungot.

Hingal na hingal ako, nanlalaki ang mga mata, at basang-basa rin ng pawis.

Naglagay ako ng tubig sa isang baso upang ito'y inumin. Ngunit naibuga ko ito dahil sa mapaklang lasa.

Napagtanto ko na sira pala ang filter ng water purifier.

Lumabas ako sa silid upang sana’y magreklamo sa facilities ng hotel. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay bumungad at dumaan sa aking harapan ang isang bangkay na nakatakip ng kumot at buhat-buhat ng mga kalalakihan na tauhan ng hotel.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now