That was around 3 A.M no'ng magising ako.
Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig na nanggagaling mula sa banyo.
Tila tumutulo ito mula sa gripo.
Pagbangon ko ay napatingin ako sa salamin na nasa aking harapan.
May naramdaman akong kakaiba. Ngunit hindi ko maipaliwanag.
Naaninag kong nakapatay ang ilaw sa banyo.
Patungo na 'ko rito upang umihi.
Ngunit pagbukas ko ng ilaw. Tumambad sa'kin ang nilalang na kapareho ko. Nakatalikod siya habang nakasahod ang kamay sa tumutulong tubig mula sa gripo.
Bigla siyang humarap sa'kin at nagulat ako dahil wala siyang mukha.
May bigla akong naalala. Kaya pala nag-iba ang aking pakiramdam no'ng napatingin ako sa salamin. Dahil hindi ko nakita ang aking repleksyon.
Gumala pala at nagpunta sa loob ng banyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/242312498-288-k794372.jpg)
VOUS LISEZ
Stories Hiding In The Dark
Mystère / ThrillerA collection of mystery-thriller and horror short stories, written from 2019 and beyond. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either...