OVERGROWN

623 86 23
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING!
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

Hindi na bago ang mga kuwento-kuwento tungkol sa mga lamang lupa tulad ng duwende, kapre o mga engkanto tuwing mapapasyal tayo sa mga probinsya. Nand'yan pa nga ang walang kamatayang mga kuwento tungkol sa white lady o black lady na nakikita raw sa mga daanan papuntang probinsya.

May ilan daw dito na kaya nagpapakita ay dahil nasagasaan daw ng mga sasakyan.

Sakto! Papunta kami ngayon sa probinsya ng lola ko, paniguradong marami na namang baong kuwento iyon pagkarating namin.

Maggagabi na pero hindi pa rin kami nakakarating kila lola.

"Parang nadaanan na natin 'to kanina," pagtataka ni papa.

Nakita kong lumingalinga si mama.

"Oo nga, 'no," sabi niya. "Mukhang naliligaw na yata tayo."

Mukhang gagawin namin ang isang pamahiin na kapag naliligaw ay dapat magbaligtad ng damit.

"Magbaligtad kayo ng damit!" Pasigaw na utos ni papa.

Agad naman kaming nagbaligtad ng damit sa loob ng kotse.

Maya-maya pa ay natunton na namin ang daan papunta sa bahay nila lola, mukhang malapit na kami.

Habang papalapit kami sa bahay niya, namangha ako sa mga samu't-saring halaman, bulaklak at mga gumagapang na dahon na nakadikit sa isang pader ng isang malaking mansyon.

"Grabe, ang ganda!" Aking pagkamangha.

Halos ilang taon na rin kaming hindi napunta sa lugar na ito kaya parang nanibago ako.

"Nandito na tayo!" Pagkagalak ni papa.

Agad kaming bumaba ng kotse at kinuha ang mga gamit sa likod nito.

"Si lola!" Masayang sambit ni mama. Nakita kong nagmamadali naman si lola lumabas ng tarangkahan.

"Dalian n'yo, magsipasok na kayo!" Pagmamadaling sabi niya.

Nagmadali naman kaming pumasok sa bahay niya.

"Nagsikain na ba kayo?" Tanong niya. "Maupo na muna kayo."

Naupo kami sa sala at pinagmasdan ang buong bahay. Marami ng nagbago matapos ang ilang taon.

Lalabas sana ako para kitain ang naging kaibigan ko rito noon. Ngunit biglang may humawak sa braso ko.

"Huwag kang lalabas!" Babala ni lola.

"Si-sige po..." ani ko ng may pagtataka.

Sinara niya ang mga bintana at binaba ang mga kurtina, pati pinto ay kinandado n'ya.

"Bakit n'yo po sinara, lola?" Pagtataka ko.

"Basta." An'ya. "Magsi-akyat na kayo sa itaas at ayusin ang inyong silid."

Tumango lang ako at sinundan sila mama't papa paakyat sa kwarto namin.

Pagpasok namin sa silid ay agad akong sumilip sa bintana na tanaw ang mansyon sa kabila. Ang lawak ng lote at napakaraming puno. Pero parang may nakita ako sa puno, pilit ko itong tinititigan. Ngunit hindi ko na maaninag dahil gabi na.

Biglang sinara ni mama ang bintana. Napatingin ako sa kan'ya.

"Bakit, ma?" Pagtataka ko.

Hinawakan ako ni mama sa magkabilang balikat at tinitigan ako.

"Anak, iwasan mo munang sumilip- silip sa bintana ngayon, ah," paghingi n'ya ng pabor. "Mahiga ka na ro'n."

Tumango lang ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now