GREEN LIGHT

279 27 1
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING!
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

Tuwing uuwi ako sa madaling araw galing sa trabaho ay palagi akong may nakakasabay na isang lalaki sa sakayan ng jeep pauwi.

Halos kausapin ko na nga siya dahil halos gabi-gabi ko na lang siya nakikita roon. Palagi rin siyang panay tingin sa 'kin, sabay iwas ko naman ng tingin sa kaniya.

Maraming pumapasok sa 'king isipan.

Hindi kaya stalker ko 'to at anytime baka hold up-in ako nito? O baka naman gusto n'ya lang ako mag-first move?

May pag-aalinlangan ako, ngunit marami naman akong kasabay sa hintayan ng jeep kaya medyo panatag din ang loob ko.

Nang mag berde na ang ilaw sa stoplight ay isa-isa nang humarurot ang mga naglalakihang truck.

May narinig akong ingay - ingay nang nakalas na gulong mula sa isang sasakyan. Muli akong tumingin sa lalaki at nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata nang biglang tumama sa kaniya ang dambuhalang gulong na natanggal sa truck.

Napapikit ako at napahiyaw.

Pagdilat ko ay nagtitinginan sa akin ang lahat ng tao sa paligid. "Anong nangyari, miss?" Pag-aalala ng isa.

Napalunok ako at nagtaka rin dahil walang disgrasya na nangyari.

Guni-guni ko lang ba ang lahat o nangyari na 'yon dito dati?

Stories Hiding In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon