THE TRAIN

36 0 0
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

THE TRAIN
Written by Russ Ibasco

The train arrived at the station. Malakas na hangin ang umihip habang mabilis itong dumadaan sa aming harapan. Nakita kong maraming tao ang nasa loob nito at iniisip ko na baka hindi agad ako makasakay.

“Miss? Anong oras na,” tanong ng babae na aking katabi.

“11:30 po,” tugon ko matapos tumingin sa relo.

Lutang pa ako dahil hindi ako nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang araw.

Pagkaraan ng isa sa mga bagon ay nakita ko ang sarili ko sa loob nito kasama ‘yong babeng nagtanong sa akin ng oras at ng iba pang mga tao na naghihintay palang sa platform.

Huminto na ang tren at kitang-kita ko na siksikan ang tao sa loob. Ngunit pagbukas nito ay nagulantang ako nang mapansin kong wala man lang katao-tao sa loob ng bagon.

Doon na ako nagsimulang magtaka.

Pumikit ako at inisip na baka dahil lang ito sa sleeping pills na iniinom ko.

Hindi na muna ako sumakay ng tren bagkos nagtungo ako sa banyo upang maghilamos para naman magising ang diwa ko. Matapos nito ay bumalik na ako sa platform para hintayin ang susunod na tren.

Habang naghihintay ako sa platform ay nagulantang ako nang out of nowhere ay nandoon ulit sa tabi ko ‘yong babaeng nagtanong sa akin ng oras. Hindi pa pala siya nakasakay sa naunang tren.

“Bakit pa po kayo nandito?” Pagtataka ko.

Tumitig siya sa ‘king mga mata at unti-unti niyang pinakita ang kabila niyang mukha na tuklap ang balãt at kita na ang laman.

“The train crashed,” tugon niya.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now