IF I WERE YOU

2K 166 29
                                    

"HABULIN N'YO 'YUNG BATA!"

"Paano nakapasok 'yung bata?"

Mga salitang naririnig ko mula sa guwardya at tauhan ng gusali kung nasaan ako ngayon.

Nagkakagulo ang lahat, ang mga tao ay nagtataka sa kung anong nangyayari.

Sinundan ko kung saan papunta ang mga guwardya, papunta pala sila sa itaas ng gusali.

Nakita ko silang nagkukumpulan sa itaas dahil hindi pala nila mabuksan ang tarangkahan papunta sa rooftop. Muli silang bumaba para kuhanin ang susi nito, nagtago ako baka kasi makita nila ako.

Nang makaalis na sila, ako naman ang umakyat. Bubuksan ko na sana ang tarangkahan nang bigla itong bumukas mag isa. May naalala ako, bigla na lang may gumulo sa 'king isipan.

Binuksan ko nang dahan dahan ang tarangkahan, nakita ko ang isang binatilyo na nakatayo malapit sa gilid ng gusali, akmang tatapusin ang kanyang sariling buhay.

"HUWAG!" sigaw ko, ngunit parang hindi siya nakikinig.

Kumakabog ang aking dibdib habang unti-unti akong lumalapit sa kanya.

"D'YAN KA LANG!" Kanyang babala.
"Hindi na ako mahal ng pamilya ko, lagi na lang ako ang nakikita nilang mali! Wala na akong ginawang tama, mga kaibigan ko, ayln! Iniwan na rin ako..."

"Makinig ka na muna, anak," marahan kong sambit.

"Para saan pa? Eh, wala naman akong silbi sabi nila, para saan pa kung wala na akong layunin dito sa mundo?" Galit n'yang sabi. Bakas sa boses n'ya ang sama ng loob at kalungkutan na kanyang nadarama.

"Hindi iyan ang solusyon sa mga problema mo, anak. Buksan mo ang isip at puso mo," sabi ko. "Huwag kang bumase sa mga sinasabi ng ibang tao sa 'yo. Huwag kang makinig sa mga sinasabi nila kung alam mong may magagawa ka pa. Buhay ka pa ngayon at pwede mo pang baguhin ang lahat."

"Ngunit, sino ka ba? May alam ka ba sa nararamdaman ko? Kilala mo ba ako?"

"Hindi. Pero minsan na rin akong nalagay sa sitwasyon mo kaya ako nandito, kaya hindi na ako makaalis sa gusali na ito dahil..." sabi ko at ako'y napayuko. "Dahil sa kitatayuan mong 'yan ako tumalon at tinapos ko ang buhay ko."

Umagos ang luha mula sa 'king mga mata.

Natigilan siya at napatingin sa 'kin, tila ba'y nabuhayan. Namumula ang mga mata dahil sa pagluha.

"Ano? A- anong ibig mong sabihin?"

"Oo, matagal na ako rito. Pero pangako, kapag tinapos mo ang buhay mo, wala ka rin mapapala, hindi rin mawawala ang sakit dahil hindi nila alam... hindi nila alam na mananatili ka na lang dito habang buhay, mas lalo ka lang masasaktan," sabi ko.

"Pero bakit? Anong dahilan mo?"

"Tulad mo rin ako noon, ganyan din ang nararadaman ko, pero napagtanto ko na panandaliang emosyon lang pala ang lahat, natuto ako ngunit huli na, wala na akong magawa."

"Anong maitutulong ko?"

Napailing ako. "Papuntahin mo lang dito ang pamilya ko at pakisabi na palayain na ako," sabi ko.

"BAKIT NANDYAN KA BATA?!" sigaw ng guwardya. "Nagkanda hingal-hingal kami kakahabol sa 'yo!"

"Ah... nagpapahangin lang po ako," palusot nito sabay tingin sa 'kin nang nanlalaki ang mga mata.

"Wag kang mag-alala, hindi nila ako nakikita," sabi ko sabay ngiti.

Kinabukasan ay nakita ko siya kasama ang aking pamilya, may mga dalang kandila at bulaklak. Laking tuwa ko dahil nakita ko silang muli.

Lumapit ako sa binatilyo at nagpasalamat.

"Salamat, sabi ko naman sa 'yo eh, may magagawa ka pa," sabi ko. Ngumiti naman siya pabalik.

"Masaya na po siya," sambit niya kaharap ang aking mga magulang.

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now