VENDING MACHINE

212 14 0
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING!
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

“Nauuhaw na 'ko, kanina pa tayo lakad nang lakad, eh,” reklamo ko sa kaibigan ko.

“Sandali. Humanap tayo ng mabibilhan ng tubig o kahit softdrinks,” aniya.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming vending machine sa park na mukhang kaka-install lang sa lugar.

Agad namin itong pinuntahan at namili ng maiinom.

Bottled water ang pinili naming dalawa. Siya ang naunang naghulog ng barya at sumunod naman ako.

“Ang cute ng bottled water, oh! May logo ng kotse sa label,” nakangiti niyang sabi matapos makuha ang bote ng tubig.

Nang makuha ko 'yung sa akin ay napansin kong wala namang logo ng kotse ang nakalagay sa label.

“What if nanalo ka pala ng car?” biro ko. “Kasi 'yung sa 'kin ay wala naman.”

Inikot-ikot ko pa ang bote, ngunit wala talaga akong nakita.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Pero sana totoo. Search ko nga sa internet kung may pa-promo silang ganito,” saad n'ya.

“Tara na! Ang init dito!”

Umalis na kami sa park at muling naglakad papunta na sa aming pupuntahan.

Habang naglalakad kami ay sine-search n'ya 'yung brand ng bottled water sa internet kung may nag e-exist ba talaga silang raffle promo dahil nauuso ang ganitong marketing stunt.

“Parang wala nam —”

“DIYOS KO!!!”

Napasigaw at napatalon ako nang may bumulusok na sasakyan at inararo ang aming dinaraanan.

Tumilapon ako at humandusay sa lupa.

“A-ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa 'kin ng kaibigan ko.

Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko ang galos at maliliit na sugat sa braso ko na aking tinamo mula sa insidente.

“Ikaw? Ayos ka lang ba?...” Pag-aalala ko rin sa kaibigan ko habang pinapagpag ang buhangin na dumikit sa aking katawan.

“Oh! Ba't 'di ka sumasagot? Gusto mo bang magpadala tayo sa ospital?”

Unti-unti siyang humarap sa akin at nakita kong umaagos ang dugo sa kabilang parte ng kaniyang mukha.

Nanlaki ang aking mga mata at sabay napatingin sa kotse na bumangga.

Nakita ko siyang nakahandusay sa may puno, luwa ang mga mata na halos mukhang malalaglag na. Sira ang gitnang bahagi kaniyang damit kung saan nakalaylay ang bahagi ng kaniyang bituka at umaagos ang napakaraming dugo.

May sumpa nga ba ang vending machine o sadyang aksidente lang ang nangyari?

Can the vending machine foresee how you will die?

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now