SWING

1.3K 140 40
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING!
This story contains disturbing imagery that some readers may find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

Alas-dose ng tanghali, afternoon class. Nakita ko ang ilang estudyante na nakapila sa school ground at inaalalayan ng kanilang mga adviser. Nakita ko rin ang ilan sa 'king mga kaklase na nagsisiuwian na galing morning class.

I was about to enter my classroom when an elementary student approached me.

"Ate? Puwede pong patulong?" Magalang niyang tanong.

"Hi! Anong maitutulong ko, beautiful girl?" nakangiti kong ani habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Ngumiti siya sabay tumalikod at naglakad palayo. Nagtaka ako.

Nang makarating na siya sa gitna ng pasilyo ay muli n'ya 'kong nilingon at tumango.

Sinundan ko siya.

Nasa school grounds na kami at patuloy ko pa rin siyang sinusundan, hindi ko alam kung saan siya pupunta.

She stopped, looked deeply into my eyes, and didn't say anything.

Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay at may tinuro sa isang direksyon.

Unti-unti ko namang binaling ang aking tingin sa kaniyang tinuturo.

Nakita ko ang isang bata na sumakay sa swing at idinuyan ito nang dahan-dahan hanggang sa ito'y napalakas.

Hindi ko mawari kung bakit bumilis ang kabog ng dibdib.

Naramdaman kong napakapit nang mahigpit ang elementary student sa uniform ko habang nakatingin sa swing.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong umaagos ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Ba't ka umiiyak?" Pag-aalala ko.

Nakarinig kami nang malakas na dagungdong na nagmula sa may palaruan. Tila ba'y tunog ito ng isang malaki at mabigat na bakal na bumagsak sa lupa.

Nang masilayan ko kung anong nangyari, napatakip na lang ako ng bibig at nanlaki ang mga mata.

"OH MY GOD!"

I saw the child fall to the ground following the heavy part of the swing that fell over her head.

Nagkadurog-durog ang kaniyang ulo sa lakas ng impact. Tumalsik ang maraming dugo sa paligid.

Tila ba tumigil ang oras.

Nanginginig ang aking buong katawan habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid.

"That was me, ate," bulong niya na aking ikinagulat. "Please tell my parents that today is the 10th anniversary of my death, mukhang hindi na po kasi nila ako naaalala."

Napayuko siya at bakas sa kaniyang mukha ang labis na kalungkutan.

"P-pero, paano kita matutulungan?"

"Just tell my parents that I'm still here... hinihintay ko pa rin silang dalawin ako."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, napabuntonghininga na lang ako at napaisip.

Hindi nagtagal ay nabaling ang aking atensyon sa matandang babae at lalaki na naglalakad patungo sa may palaruan, may hawak silang bulaklak at ilang pirasong kandali.

"Ma, pa..." bulong ng bata. "Sila 'yon, ate! Sila ang parents ko!"

Walang pagsidlan ang kasiyahan na kaniyang nadarama nang makita n'yang muli ang kaniyang mga magulang.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanila.

Bagama't hindi na siya nakikita ng mga ito ay alam kong nararamdaman nila ang kaniyang presensya.

Gumaang ang aking pakiramdam dahil alam kong masaya na siya.

Tumakbo siya pabalik sa 'kin at sinalubong ako nang malaking ngiti. "Thank you, ate,"

"Walang anuman 'yon," nakangiti kong sambit.

"Siya nga po pala, ba't hindi ka pa po umuuwi?... b-ba't nandito ka pa?" Pagtataka niya.

Humagikgik ako.

"Dito rin kasi ako namátay."

Stories Hiding In The DarkWhere stories live. Discover now