GHOST CALL

469 52 2
                                    

"Sis? Have you heard the news?" Bungad ng isa kong ka-workmate habang naglalakad papunta sa kan'yang work station.

"Ano 'yon?" Pagtataka ko habang nakaupo at nililinis ang desk ko. "Mamaya fake news na naman 'yan, ah!"

"Patay na daw si Carmela," sabi n'ya. "Nasagasaan daw ng kotse habang papasok dito sa office." Sabay ibinaba ang kan'yang bag sa desk.

"Grabe ka naman!" Pagkagulat ko. "Hindi naman siguro."

"May nakapagsabi lang sa'kin," aniya. "Kaya pala hindi na siya nakapasok kahapon."

May bumagabag sa'king kalooban at napaisip ako.

Maya-maya pa ay nagsisidatingan na ang mga ka-trabaho namin. Kan'ya-kan'ya ng set-up ng tools at plug ng headsets sa computer.

I'm a call center agent for more than 5 years; ang tawag sa'min ay tenured agents dahil matagal na kami sa BPO industry.

Tonight is just like an ordinary night for us. Very busy workplace. Call dito, call doon. Mumurahin ka ng mga irate customer, mapapa-mute ka naman at mapapamura rin.

That's normal here in this industry. If they're not like that, we don't have a job. Still, we are grateful kahit na ganon ang aming mga customer.

Working in a BPO industry is very challenging, you will encounter lots of different people; nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa. But one thing is for sure, you will learn new things.

Kapag naman avail o ibig-sabihin ay walang pumapasok na call ay nakakapagdaldalan kami o kaya naman ay nakakatulog hanggang sa mapapansin na lang namin na uwian na pala.

We thought this night is ordinary. Pero sa kalagitnaan ng shift ay biglang hinubad at pinukol ng ka-workmate ko ang headset n'ya.
Nanlalaki ang kan'yang mga mata at hinimas-himas ang kan'yang dibdib.

"One moment, please," sabi ko sa'king customer at inilagay ko muna siya sa hold.

"Sis anyare?" Tanong ko sa kan'ya. Napatingin ako sa oras and it's exactly 3 AM.

Hinihingal siya habang umiinom ng tubig.

"I had a ghostcall," aniya. "Tapos may naririnig akong boses sa kabilang linya na mamamatay na daw ako."

"Kumalma ka nga muna," sabi ko. "You know marami lang customer ang nang pa-prank."

Nang mahimasmasan siya ay nagpatuloy na kami sa'ming pagta-trabaho.

Hanggang sa... Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at napatingin kaming lahat sa kan'ya.

Napatanggal ako ng headset. "Uy, bakit?!"

"Siya na naman... Siya na naman," paulit-ulit na sabi ng ka-workmate ko habang hinihingal, nanlalaki ang mga mata at tila ba takot na takot.

Dali-dali siyang tumayo at tumakbo palabas ng production floor.

Pinigilan ko siyang umalis. Ngunit hindi ko siya napigilan.

"Anong nangyari do'n?" Tanong ng aming supervisor.

"May ghostcall daw siyang natanggap TL, tapos may nagsasalita daw sa kabilang linya na mamamatay na daw siya," kuwento ko.

Natawa ang aming supervisor. "Sige. Let me try to listen to the call," aniya.

Lumipas ang mga oras at hindi pa rin bumabalik ang ka-trabaho ko at bago mag uwian ay nag meeting muna kami ukol sa naranasan n'ya.

Our supervisor tried to reach her, pero hindi siya sumasagot. Kinuha ko muna ang headset niya at itinago para kung pumasok siya bukas ay ibibigay ko ito sa kan'ya.

Maaaring dala lang ng puyat at stress ang nangyari.

Kinabukasan ay magsisimula na ang shift . Ngunit wala pa rin siya. Until our supervisor set an emergency meeting to tell us na na-rape ang co-workmate namin that night.

Puno daw ito ng saksak sa likod at tinapon ang kan'yang katawan sa may isang bakanteng lote, malapit sa office.

We tried to listen sa ghostcall na kan'yang natanggap kahit na natatakot kaming pakiggan ito. Ngunit wala kaming narinig kun'di background noise ng tila ba hinahasa na kutsilyo.

Stories Hiding In The DarkOù les histoires vivent. Découvrez maintenant