CHAPTER 33

16 0 0
                                    

CHAPTER 33

 ~~~~LEONEST AND CLEAR ON THE SIDE.

~~~~~~~~~~~~WENDEL’s POV~~~~~~~~~~~

 

“Rhod! Si Alex nasa loob!” –natatarantang salubong ni Alexa sa amin ni Rhodney ng makalabas kami sa loob kasama ang nailigtas naming iba.

Agad naman akong dumiretso kina Nicole.

“Nics, sina kambal nakalabas na ba?” –tanong ko sa kanyang nagpapatahan kay Jhen na yapos yapos ang bangkay ng papa niya.

“Hindi pa eh, akala ko pinuntahan mo?” –balik tanong niya sa akin na may gulat sa mukha niya.

“Oo, binalikan ko sila, pinuntahan ko na lahat ng lugar sa loob pero wala na sila.” –Ako

“Jhay! Si Chrexie andun sa control center, dun siya dinala ni Albert!” –nanghihinang salubong na sabi sa akin ni Dominic.

“Ano?! Lintek na Albert na yan!” –agad akong tumalikod para pumasok ulit sa loob at puntahan sila.

 

“Bitawan mo ko Rhod! Wala akong paki kung may bomba mang nagtatangkang sumabog diyan sa loob! Kailangan kong mailabas ang kapatid ko!” –umiiyak na pagpupumiglas ni Alexa.

“Queen makinig ka! Dito ka lang! Huminahon ka! Ako ang papasok sa loob para hanapin si Alex at ang iba pa? ok? Basta dito ka lang at hindi ka papasok dun! Naiintindihan mo ba ako?” –pagpapakalma ni Rhodney kay Alexa.

Umiyak nalang si Alexa at patangu-tangong naupo sa likod ng emergency vehicle.

“Tara! Sabay na tayo Rhod. Sa tingin ko si Khen ang pinuntahan ni Alex sa loob. Lintik na bata yun, Sinabihan ko na siyang hindi na babalik sa loob.”-sabay tapik ko sa balikat ni Rhodney ng madaanan ko siya.

“Bat ka babalik? I mean…” –Rhodney

“Hindi pa nakalabas si Chrexie, and unfortunately kaya bumalik si Khen sa loob para hanapin siya, and si Clear sumunod ng makitang wala pa dito ang mga kapatid niya.” –Ako

“I see.” –Rhodney

Ilang hakbang nalang at maaabot na namin ang pintong yero ng biglang humarang si Ronald sa dadaanan ko.

“Oh? Ano? Sasama ka din ba?” –Ako

“Magiging pabigat lang ako sa inyo kung sasama pa ako, sa kondisyon kong to? Hek!” –sabay tingin sa sugat niya.

“Oh darn! Bat ka pa humabol dito?!” –Rhodney

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now