CHAPTER 28

39 1 0
                                    

---MARLON CYRELLE LEMIGO ON THE SIDE

~~CHAPTER 28~~

 

Dahan dahan naman akong napabitaw sa pagkakasakal ko sa kanya. Napatay ko ba siya?! Dahan dahan ko siyang tinignan ng marinig kong humihikbi siya. Baliw na nga talaga to. Aalis na sana ako sa pwesto ko at sa pagsakal sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko pabalik sa leeg niya. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin at umiiyak parin siya.

“Please Chrex, kung talagang naaawa ka na sakin, please tapusin mo na tong paghihirap ko. Ayoko ng mabuhay ng ganito. Ayoko ng mabuhay na kinakaawaan ako, na kinaiinisan ako ng lahat, ayoko ng nasasaktan ng ganito, na kahit yung mga taong gustong gusto ko hindi ko man lang makuha, malapitan at mahawakan. Ayoko na ng ganito na para mabigyang kasiyahan at mapansin ako ng mga magulang ko kailangan kong manakit at manira ng buhay ng ibang tao. Ayoko na Chrexie, ayoko na. Gusto kong mabuhay ng payapa at di tulad nito, mi makausap man lang ang ate ko di ko magawa, mi ang magpaliwanag at humingi ng sorry sa kanya di ko magawa. Alam mo ba yung ganun? Na lahat nalang ginawa niya para sa ikabubuti ko, ngunit ang madamayan man lang siya, mayakap sa tuwing nahihirapan na siya sakin di ko magawa. Kasi nga bawal. Kaya please Chrex patayin mo na ako. Hindi ko na kaya.”

 

Nabato naman ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko naintindihan lahat ng sinabi niya, alam ko kung anong nararamdaman niya. Wala akong karapatan para patayin siya, naawa man ako sa kanya alam kong hindi ito ang tamang paraan para solusyunan ang problema niya.

“MIA!”

 

Agad naman kaming napatayong dalawa ng marinig naming may tumawag sa kanya.

“Ate?!”

 

Pareho kaming nagulat sa nakita namin. Agad na nilapitan siya ng ate niya at nagyakap silang dalawa.

“Ano na naman ba ang nagawa mo ngayon ha?!” –galit na may pag aalalang sermon sa kanya ng ate niya.

Nilipat naman ng ate niya tingin  niya sakin.

“Sinaktan ka ba niya Chrex? Sorry ha?”

 

“Naku ok lang po ako. Wala naman pong nangyari sakin.”

 

Agad na humiwalay si Mia sa pagkakayakap ng kapatid niya. Nakita ko namang naging masaya siya sa mga ngiti at kislap ng mata niya.

“Ate, may muntik na akong mapatay kagabi.”

 

“Ano?!” –Gulat na sabi ng ate niya.

“Ate wag kang masyadong OA muntik lang naman.”

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now