CHAPTER 22-Parting Time

41 2 0
                                    

sorry for the very late updates. busy lang talaga sa skul... and nagloloko ang computerko. huhu! T_T

Kieth po on the side. selfie din pag may time. (^_^)

~~Dylan’s POV~~

Andito na ako sa bahay and di ko talaga mapigilanang matawa sa mga nangyari kanina. Para na nga akong baliw dito eh, ngumingiti pag naalala ko yung mukha niyang napipikon kanina at sa noon. Napapatawa pag talagang galit na siya at pag napapa-blush ko siya. At napapailing iling naman pag naalala ko ang sekretong sinasabi niya sa akin. Napapakunot ang noo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang dahilan niya at bakit niya yun ginagagwa. Hindi ko naman kini-question ang loyalty niya sa gang namin cause I know in the first place walang matinong tao ang magiging loyal sa gang namin. Pwera nalang sa mga taong katulad ni dad. Bitter at tanging pera nalang ang nag papasaya. Minsan nga naiisip ko, kung naging masaya ba si mama sa piling niya nung hindi pa kami dumating sa buhay nila. Marami namang nag sasabibg “oo sobrang saya ni mama, nilang dalawa ni papa.”Ang tanong ko lang hindi ba nahihirapan si mama? Na maging masaya sa piling ng taong mahal niya kahit labag sa loob niya ang ginagawa nito and worst kinakalaban nito ang gang na pinagmulan at kinalakihan ni mama. Alam ko naman na ginagawan nina mama ng paraan noon para matapos na ang alitan ng gang na ito pero nabigo sila. Kaya nga ba nagkakaganito si Nica para ipag patuloy ang nasimulan ng mga magulang namin? Pero alam niya naman kung gano ka delikado ang ginagawa niya diba? Pero isa lang ang maipapangako ko, alam kong mali ang nasimulan ko kaya tatapusin ko ito sa ano man ang tama, ano man ang maging desisyon ni Nica, alam kong para sa ikabubuti yun ng lahat, at kahit pa ang katumbas nito ay pag traydor sa gang namin, gagawin ko. Para narin makabawi kay mama.

J

“Kanina pa kita napapansin anak ah. Paiba iba yang ekspresyon mo. Kilangan ko na bang tumawag ng psychiatrist?”

“Oh? Pa. ikaw pala. Good evening.”

-sabay tayo at mano ko sa kanya. May side din namang mabait si papa. Pero siguro nga tama si Jhen at si Nica, nagiging mabait lang siya sa mga taong napapakinabangan niya at sumusunod sa kanya.

“Ano bang iniisip mo?”

“Wala naman po pa. Kumusta na nga po pala sa HQ? Pasensiya na po kung hindi ako naka punta, na lowbat kasi yung phone ko. Andun nga sa kwarto at naka charge pa.”

-hindi siya sumagot. Tumalikod lang siya sa akin at nakatingin sa malayo habang yung kamay niya ay nasa magkabila niyang bulsa. Nasa balcon kasi kami ng 2

nd

floor ng bahay namin.

“Kumusta na siya?”

“Po?”

-di ko siya ma gets eh. Sabay lingon niya sa kin at upo sa katapat na single sofa.

“Alam ko kung san ka nag punta, I’ve seen you.”

-emotionless niyang tingin sa akin pero may nakikita akong pangungulila, pagsisisi at galit sa mga mata niya. Napayuko nalang ako.

“Sorry pa.”

-silence filled the air.

“You don’t need to say sorry son, wala kang kasalanan.”

-napatingin ako kay papa sa sinabi niya.

“Kung itinakwil ko man si Jenny yun ay dahil may sarili akong dahilan. Alam kong may pagkakamali ako pero hindi ko kayang lagi siyang nakikita. Dahil siya, kamukhang kamukha ng mama mo at sa tuwing nakikita ko siya naiinis ako dahil nanghihina ako. Kaya kung ano man ang meron sa amin labas kung ano man ang meron kayo. Mas masaya ako na nasa kabilang gang siya, kasi sa paraang yun mas lalong lumalakas ako na nakikitang lumalaban siya, hindi yung parang tuta na laging nag ta-try na e please ako. At kahit na nasa magkabilang gang kayo hindi niyo mabubura ang katutuhanang mag kapatid kayo. Hindi ko naman sinabing kalimutan niyo na yun, ang sa akin lang Dylan wag mong kalimutan ang responsibilidad mong tinanggap sa gang natin.”

Living in the Dynasty GangDär berättelser lever. Upptäck nu