CHAPTER 21: Nicole's Revalation

44 2 0
                                    

ngayon lang na ayos ang account ko..  Ace po on the side...

~~CHAPTER TWENTY ONE~~

 

~~Khen’s POV~~­­

 

Nakabalik na kami dito sa Pilipinas. Monday ngayon at sa Wednesday aalis na sila ate Chrexie at yung iba pa na malilipat sa Visayas. L Kahit hindi pa sila nakakaalis para na kaming may pinaglamayan. Di kasi namin matanggap at kahit na ma imagine na magkaka hiwa-hiwalay kami. Lalong lalo na kaming tatlo.

“Come on! Cheer up! May natitira pa tayong araw to be together, wag masyadong nega. Diba sabi naman ni ninang as long as maayos na lahat well be back together again soon?”-pag che-cheer up ni Ate Queen sa aming lahat.

“Eiiiih! Nakakainis parang di ko yata kaya! Pano kasi ako lang malalayo sa aming tatlo.”-sabay padyak at kamot sa ulong sabi ni ate Chrex.

“Hayaan mo na! Andyan naman si Wendel eh! Sa sitwasyon na yan masusubok din kung hanggang saan katatag si Wendel na intindihin at alagaan ka. At saka isa pa para din naman sayo to eh! Diba nga ikaw na ang mamahala ng gang na to someday? Dapat maging independent kana, kasi hindi habang buhay laging andiyan yang dalawa sa tabi mo. Both of you need to learn how to stand on your own. Tayong lahat kailangan natin yun. So kung pwede bigyan niyo naman ng konting appreciation yung desisyon ni master. Kahit nga ako nababahala eh! Hindi ganon kadali ang magiging sitwasyon ng kapatid ko dun sa Visayas, me isa wala siyang kapamilya dun, kahit na sabihing andon si RJ hindi ko rin naman maiwasang mag alala para sa kanya. Kaya please lets trust each other and most especially learn to trust yourselves.”-litanya ni Ate Queen na obviously nahihirapan din.

“Tama si ate, wala namang mawawala diba? We will stay friends as what we are now diba? Walang magbabago. Diba guys?”-si Alex, trying to convince everyone.

“Xure.”-Ace

“Group hug!”-sabay naman na sigaw nina kuya Junnelle,Ronald ang Dominic. Kaya nag group hug naman kami.

“Tarang mag gala!”-ate Bev.

“Tara sa MOA!”-ate Jhen

“Gora ng mag bihis!”-ate Clear.

Agad naman kaming nagsi uwian para gumala. Kahit walang pahinga ok lang, rush hour na to. Haha!

 

SA BAHAY…

 

“Oh?! Anak kumusta ang bakasyon niyo doon?”-mama

“Ok lang naman ma. Wag ka na nga magtanong para namang hindi ka updated eh! Andun din kaya kayo ni papa nung nag pa call ng meeting si lola diba? Yung tungkol sa paghihiwa-hiwalay namin?”-Ako

“Oo nga ano. Hehe! Pag pasensyahan niyo na anak. Na miss ko lang talaga kayo.”

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now