CHAPTER 12: Little Love

54 1 0
                                    

ito muna ang last part ng UD ko. di pa kase tapos yung Chap. 13. mahaba haba din naman to. Enjoy kayo. Comments and votes naman po jan oh. please?!. (^_^)

~~CHAPTER TWELVE~~

“Kyaaaah! Ate ayoko nah! Akyat na ko!”-Alex

“Haha! Ikaw bahala Cess. Ingat ka sa pag akyat sa taas”-Alexa

“Wag nakapikit Lex.”-paalala ni Wendel sa kanya.

Tumayo na si Alex at dahan dahan ng naglakad paakyat sa taas habang nakatakip parin ang mga kamay nya sa mga mata niya.

“E say good night mo nalang din ako sa malamig na bangkay na tatabi sayo, sa duguang babae na nakabitin sa kisame mo sa taas ng kama mo, sa pugot na ulong lalaking nakatayo sa terrace nyo at sa batang babae na umiiyak sa ilalim ng kama mo.”-pananakot ni Khen kay Alex.

Bigla namang napahinto si Alex sa paglalakad at napapikit. “Shit! Kainis talaga tong skeleton na to, tinakot pa ako!” na imagine nya kasi lahat ng pinag sasabi ni Khen. Tumingin sya kay Khen with death glare sa mga mata niya.

“Yaaah! (hoy) ano bang problema mo?! Bat ka nananakot?!” inis na inis na si Alex at parang any time maiiyak na sya. Tumakbo sya palapit kay Khen para kutusan ito. Yung iba naman seryosong nagkukumpulan sa sahig sa harap ng tv.

Si Chrexie nakasubsub kalahati ng mukha nya sa dibdib ni Wendel habang nakayakap ito sa kanya habang si Clear naman ginamit na panakip ng mata nya ang mga kamay ni Leonest. Si Bev naman nakatago sa likod ni Ace habang si Shaigne naman inis na inis na kay Marlon kasi una pang nasigaw kesa sa kanya. Si Jhen naman cool na cool lang na nanonood sa tabi ni Anton. Si Alexa at Rodney naman enjoy na enjoy sa panonood sa kanila. Si Junnelle at Ronald naman nag tatago sa likod ni Dominic. Si Dominic? Ayon poker face.

Malapit na malapit na si Alex kay Khen ng biglang nagtilian yung mga nanonood dahil sa pinapanood nila nandon na sila sa part sa PHOBIA kung san nagpakita na ang patay na si Ae sa mga kaibigan nya at sa gulat nila napa baligtad yung tent nila kaya napatalon si Alex kay Khen at mahigpit na yumakap dito dahil sa sobrang takot nya. Tumawa lang ng malakas sina Alexa at Rodney sa expression nung mga nanonood.

“Kainis! Nasigaw pa sila ikaw kasi!”-pag mamaktol ni Alex habang nakayakap parin kay Khen at pinag hahampas ang balikat nito.

“Kala ko ba Cess umakyat ka na?”-Rodney

Di umimik si Alex. Tumataas baba na yung balikat nya pero nakasubsub parin yung mukha nya sa leeg ni Khen.

~~KHEN’s POV~~

Gustong gusto ko na sana siyang itulak, kasi biglang bumilis tibok ng puso ko sa pinanggagawa nya. Nag tayuan yung balahibo ko sa katawan. Maya maramdaman nya pa to. Nakasubsob pa naman yung mukha nya sa leeg ko. (>.<) it makes me shiver! Kainis! Kaya lang nung nahawakan ko na balikat nya ramdam kong may tumutulo na sa leeg ko at nag si-sniff narin sya. Nakonsensya ako bigla. Hinagod ko nalang yung likod nya.

“Lex? Ayaw mo na ba manood? Tara sasamahan nalang kita sa taas, takot na rin ako eh!” T_T naiiyak na sabi ni Ronald.

“Tss! Kilaki laki mong tao! Mahiya ka nga!”-Dominic

“Yaah! Eh sa natatakot ako eh! Kainis ka!” T_T –Ronald

“Wag na, ako nalang sasama sa kanya.”-Ako

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now