CHAPTER 24

46 2 0
                                    

ANTON ON THE SIDE

~~CHAPTER 24~~

~~Khen’s POV~~

Matapos akong log outan ni taba hindi na ako makatulog ulit kaya tinignan ko nalang yung photos namin sa phone ko, naka slide show na, nakaka tamad kaya kung ako pang mag ne-next ng next. Hanggang sa mag bell, Dun ko lang napansin na nag text pala si kuya Leonest sa akin. Bubuksan ko na sana yung message niya ng may biglang nagtakip sa bibig ko at hinila ako sa kung saan. Napansin ko lang na may nag call sa phone ko at na press ko yung answer key, sana naman sina ate yung natawag.

~~Leonest’s POV~~

Andito ako ngayon sa secret office ni master. Inaayos na niya yung papers ko para makapagsimula na akong mag training sa private training corp ng gang namin.

Master: Leonest iho, pasok ka muna dito may iuutos lang ako sayo.

Ako: Opo master. (Agad naman akong pumasok sa computer room niya.)

Master: nalaman mo na ba ang nangyari kina Clear sa skul nila?

Namilog naman ang mata ko sa sinabi ni master.

Ako: Hindi po. Bakit po?!

Master: May sumulong sa skul nila at nagtangkang magtanim ng bomba sa paaralan nila, mismo sa tambayan ng mga estudyante nating lalaki na nag aaral dun at sa kasamaang palad nabaril si Bev pero any ways ok na naman siya.

Ako: Eh si Clear po?

Master: wala namang nangyari sa kanya, pero ang pinoproblema ko ngayon si Khen. Baka anong nangyari sa batang yun. Alam kong male-late si Alexa sa pag sundo sa kanya ngayon kaya kung pupwede ikaw na muna ang mag sundo sa kanya doon?

Ako: Opo master walang problema.

Master: Sige mag iingat ka.

Kaya ayun agad na akong umalis para mapuntahan si Khen sa skul nila. After 30 mins. narating ko rin ang skul nina Khen. Timing na timing, pagdating ko kasi nag bell na para uwian nila. Nagulat nalang ako ng makita ko si Alexa dun sa gate ng skul. Kaya nilapitan ko siya.

Ako: Hoy Alexa ok ka lang?

Alexa: Sa tingin mo magiging ok ako matapos ng lahat ng nangyari ngayon? Tas dadagdagan pa ngayon na nag second bell na di parin nalabas si Khen.

Ako: Talaga? Bat di mo pa pinasok?

Alexa: Maya pag pasok ko lumabas naman siya eh.

Ako: Sabagay. Tinawagan mo na ba?

Alexa: Tatawagan pa lang.

Ako: Ok.

Alexa: Hello? Hello Khen?... Khen bat di ka sumasagot?! Asan ka?! Khen?!

Ako: Alexa ano na?!

Panay ang kalabit ko kay Alexa at abot nung phone sa kanya eh anak ng teteng di sumasagot, ayaw din e share yung phone niya. Panay sign niya lang sakin ng hintay. Pano ako maghihintay dito eh sa expression niya parang nakikinig na siya ng mino murder sa kabilang linya. After ilang minuto binaba niya na phone niya.

Alexa: Sheet! He’s in trouble. (sabay pa linga linga sa paligid)

Ako: Ano ba ibig mong sabihin? Pasukin na kaya natin sa loob.

Papasok na kami ng Makita naming yung mga kaibigan ni Khen na ka klase niya rin. Sina Marc, Jude at Christian.

Ako: Psst! Nakita niyo ba si Khen?

Jude: Akala ko po nakauwi na siya, kasi po kanina may nagtanong din sa amin kung asan siya. Sila daw bagong sundo ni Khen ngayon

Nagka tinginan nalang kami ni Alexa sa sinagot niya.

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now