chapter 36 the end...is near ^.^

12 1 0
                                    

~~~CHAPTER 36 ~~~

"ANO??!!" –sabay namin na tanong ni Khen na nagpatalon sa kanilang dalawa. Halata naman ang gulat sa kanilang dalawa.

Bumagsak ang balikat ni Clear at malungkot na hinarap si papa.

"Wala na pa! Everything is spoiled! Ikaw kasi eh!" –pagsisisi niya kay papa.

Tumawa lang si papa at niyakap siya.

"Hayaan mo na anak, effective parin naman. See? Nagulat sila." –nakangiting sabi ni papa sa amin.

Humarap naman si Clear sa amin. "Talaga? Na shock kayo dun?" –lakas makangiti niyang tanong samin.

"Sa tingin mo? Sino bang hindi magugulat dun?" di parin makapaniwala kong sabi sa kanya. "At parang masaya ka pa diyan."

"Ate? Pa? Totoo ba yun? –di rin makapaniwalang tanong ni Khen.

Nagtawanan lang sina papa at Clear. "Haha! Syempre hindi! Naku naman Dios ko! Pano ako mabubuntis eh puro problema nga pinag daanan natin lately. Tsaka hindi ko pa sinuko ang bandera ng Bataan noh?!"

Nakahinga naman kami ng maluwag ni Khen.

"Eh bakit ang drama niyo kanina?" –Khen

"Eh kasi balak naming e prank kayo mamaya, eh kaso nakita niyo na kaya wala na."-papa

"Hindi magandang biro yun." –sabay poker face ni Khen.

"Bat nga pala napadpad kayo dito?" –Clear

"Kasi naman napansin naming bigla kang nawala dun, kala nga namin nag kawang baboy ka na naman at kumakain ng special carbonara dito." –Ako (-_-) Ako

Nag pout lang din si Clear.

"Wag kang maniwala diyan te, napunta kami dito kasi may regalo ako sa inyo." –todo ngiting sabi ni Khen.

Agad namang nabuhayan ng loob si Clear. Mukhang alam ko na to eh. Nakita kong nginitian ako ni papa ng pagkalawak kaya agad akong naalarma at nag pretend na nasurprise din.

"Oh? Talaga?" –sabay pa naming surprise na tanong ni Clear.

"Tadan!" (^_^) –sabay labas ni Khen sa likod niya nung dalawang putting sobre.

"Ito para sayo, at ito naman sayo." –sabay abot niya sa amin tag isa nung sobre.

"Ano naman to?" –maang maangan kong tanong habang iniikot ikot ang sobre sa kamay ko.

"Buksan niyo kaya ng malaman niyo." –poker face niya namang sabi.

"Sabi ko nga, bubuksan." –ako

"From toot university...Congatulations Ms. Clear Marie Naranza for passing the entrance examination of Toot University last toot-toot-2015. ..." –Clear

"Waahaahaha! Is this for real?! Pa narinig mo yun?! Pumasa ako! Hoooh!" –di mapigilang kasiyahang sabi ni Clear.

"Ikaw Chrex ano ba yang sayo?" –sabay tingin niya din sa binabasa ko.

"Ako din kambal pumasa ako!" –sabay talon talon naming dalawa.

Tuwang tuwa naman si papa at Khen sa amin. Si tita din pala nakatingin na sa amin.

"Congrats sa inyong dalawa. Proud na proud kami sa inyo." –tita

"Salamat po sa inyo pa, tita. Tiyak kong matutuwa din si mama nito." –sabay yukong sabi ni Clear.

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now