CHAPTER 27

33 1 0
                                    

~~SALAMAT SA TWIN SISTER KONG NAG INSPIRE SA AKIN NA TAPUSIN KO TONG STORY KO KASI NAGUSTUAN NIYA. ^_^ CEEJAM

---RODNEY JAPHET ON THE SIDE.

 

Haai! Ang aga kong nagising. Sa tingin ko hindi nga ako nakatulog eh. pano ba naman kasi, hindi ko maiwasang maiyak pa rin sa mga nangyari samin ni Wendel. Kahit na galit na galit ako sa ginawa niya hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mamiss siya.

“Ay! Kabayong bakla!”

 

Punyeta naman tong phone ko kung maka vibrate wagas! At sino naman tong matinong taong tatawag ng ganito ka aga.

“Hello?” sagot ko without looking who it is.

“Hello Chrex?”

 

“Oh? Rhodney? Bat napatawag ka?” –hindi ko pwedeng baliwalain ang tawag ng sang to eh alam ko namang nag aalala na din to sakin, at hindi to tatawag kung wala lang.

“Itatanong ko lang sana kung napadaan ba diyan si Wendel sa iyo kagabi?”

 

“Huh? Nag bibiro ka ba? Bakit?! Alam niya ba kung nasan ako?”

 

“Ah hindi kasi, kasi nagpaalam sakin yun kagabi eh na hahanapin ka daw niya, hindi daw siya uuwi hanggat hindi ka niya nakita, akala ko kasi nagkitat nag kausap na kayo.”

 

“Ah? Senxa ha? Eh wala siya dito eh! try mo nalang itanong sa bagong girlfriend niya baka dun yun nag punta!” sarcastic kong sagot.

As if naman hahanapin ako ng unggoy na yun! Kainis! At ginawa pa talaga akong pain makalabas lang siya! Putik! Masisipa ko talaga yan mamaya pag nakita ko yan sa skul.

“Ah sige Chrex salamat nalang.”

 

Ibababa ko na sana yung call ng bigla siyang nagsalita.

“Uhm, Chrex kung ano mang nangyari sa inyong dalawa wala naman kaming balak na makialam kaya lang nag-aalala din kami sa inyo dito. Kung ano man sana yang pinag awayan niyo sana naman pag usapan niyo.”

 

“Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niyo Rhod and I appreciate it and thank you, ill assure you okay naman ako dito. At tsaka wala na kaming dapat na pag usapan pa. sapat ng lahat ng nakita kong ibidensiya.”

 

“Alam kong nasaktan ka Chrex sa kung ano man ang nakita mo pero hindi naman mali na bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pakinggan mo siya. Malay mo…”

 

“malay ko ano Rhod ha? Malay ko mahal niya talaga ako pero hindi na pala?! Ayoko Rhod! Tama na yung sakit na binigay niya sakin… kung magiging ok man akong muli para makausap siya,  hindi pa ngayon ang tamang araw na yun. Kaya ko namang tanggapin lahat eh, pero all I just need is time.”

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now