CHAPTER 1

76 6 0
                                    

AKEERA POV

Nakatitig ako sa harap ng malaking salamin, habang nilalagyan ng band-aid ang galos sa pisngi ko na sanhi ng ginawang paghampas sa'kin ng bag ni Grace. Ngumiti ako sa harap ng salamin habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng aking luha, ng matapos ko ng lagyan ng band-aid ang galos sa pisngi ko ay kinuha ko na ang bag-back ko at saka ako lumabas ng silid ko.

Nasalubong ko ang alaga kong pusa na si Mickey kaya naman agad ko siyang kinalong. Kaming dalawa lang ni Mickey dito sa bahay, hindi ko kasama ang aking mga mga magulang sapagkat meron narin silang kanya kanyang mga pamilya. Oo, broken family kami. Paminsan-minsan ay pinapadalhan ako ng mga magulang ko ng pera na sapat na para sa isang linggong gastusin dito sa bahay at paaralan.

Wala rin akong ibang matatawag na kaibigan maliban sa sarili ko at sa pusa kong si Mickey, dahil tila walang gustong makipagkaibigan sakin. Hindi ko alam kung bakit, ngunit siguro hindi lang ako 'yung tipo ng tao na gustong kaibiganin ng lahat.

——

“Look who's here...” rinig kong boses ni Grace kasabay ng tawanan nilang magkakaibigan. Hindi ko sila inintindi at nagpatuloy lamang sa paglalakad sa hallway.

“Aba Grace, hindi ka pinapansin oh!” banat ni Celine na siya ring sinang-ayunan ng dalawa pang babae na kaibigan din nila.

“Hoy Akeera De Villa!!” inis na sigaw ni Grace. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng kung anong bagay sa likod ng ulo ko kaya napatigil ako sa paghakbang. Nakita ko ang soda can sa paanan ko, maaaring 'yun ang ginamit niya upang batuhin ako.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghila sa buhok ko kaya napaaring-ing ako sa sakit.

“Tama na, nasasaktan ako.” naiiyak kong pakiusap.

“Give me your wallet.” seryosong pagkakasabi ni Grace habang mahigpit parin na hawak ang aking buhok.

“B-bakit?” nauutal kong tanong.

“Pwede ba, wag ka ng maraming tanong Akeera! Just give me your f*cking wallet.” panggigigil ni Grace.

“W-wala akong pera..” pagsisinungaling ko. Hindi ko pwede ibigay sakanya ang pera ko dahil pinaghirapan 'yun ng mga magulang ko.

“Celine, kunin mo ang bag ni Akeera. Hanapin mo ang wallet n'ya.” utos ni Grace kay Celine na agad naman n'yang sinunod mabilis na inagaw sakin ni Celine ang bag ko saka hinanap ang wallet ko.

“I found it.” nakangising pagkakasabi ni Celine habang hawak ang wallet ko.“Oh! ang dami naman palang pera ni Akeera, Grace.” saad muli ni Celine ng buksan n'ya ang wallet ko.

“Nakikiusap ako, ibalik n'yo na sakin 'yan.” naluluhang pakiusap ko.

“Hell no!” inis na saad ni Grace sabay tulak sakin kaya naman agad akong napasubsub sa bag ko na nasa lapag.

“By the way, thank you dito. Akeera, kaya naman favorite kita eh.” sarcastic na pagkakasabi ni Grace bago sila natatawang umalis.

Naiiyak na lamang akong inilagay sa bag ko ang mga nagkalat na gamit ko—mga notebooks, libro at ballpen. Bakit nga ba hindi ako lumalaban? Bakit hinahayaan ko lang sila na gawin sa'kin 'to araw araw. Naduduwag ako? Marahil nga ay oo. Hindi ko sila magawang maisumbong sa Principal dahil si Grace ay anak ng may-ari ng paaralan na ito, habang si Celine naman ay anak ng isang Mayor. Wala akong laban sa kanila, dahil siguradong walang kakampi sa'kin. Dahil una sa lahat, wala akong pera. Kung hindi ko lang kinakailangan na makapagtapos, ay matagal na akong lumaban. Kahit ang kapalit pa no'n ay ang pagkaka-spelled ko sa paaralan na ito. Scholar lamang ako sa paaralan nito, kaya naman lahat ng pagsisikap at pagtitiis ay ginagawa ko na, wag lang ako ma-spelled.

——

“Akeera, anong nangyari sa'yo? Parang binagyo yang buhok mo?” natatawang tanong ni Sophie na kamag-aral ko.

Dinig na dinig ko rin ang hagakpakan ng tawa ng iba ko pang mga kaklase. Hindi ko na lamang sila pinansin at naupo na ako sa upuan ko habang pilit na pinipigil ang pagpatak ng luha sa aking mata.

“Sophie, nag-update na pala ng story si @erzalalaloves sa wattpad eh. May Chapter 28 na 'yung Loving Her Other Side.” rinig kong saad ni Erika.

Wattpad? A-ano 'yun?

“Talaga? Wow! Sige, mamaya basahin ko 'yan. Tinatapos ko muna 'yung The Border Between Love and Hate. Chapter 16 na 'ko eh.” kinikilig sa tuwa na pagkakasabi ni Sophie.

“Sino ang author non?” pagtatakang tanong ni Erika.

“Si @pinkishrose02. Basahin mo, maganda din 'yun. Basta, sa'kin lang si AFP First Lieutenant Max Lucio Hermosa.” nakataas na isang kilay na pagkakasabi ni Sophie.

“Sige, basta wag mo na aagawin sa'kin si Troy, Sky at Enrique ah.” mataray na saad ni Erika.

“Sinong may sabi sa'yong hindi? Eh mga asawa ko rin 'yun. Sakin lang si Sky bebeh ko.” saad ni Sophie.

“Aagawan mo pa si Athena.” natatawang saad ni Erika.“May nabasa narin akong story ni @pinkishrose02 eh. 'Yung Hello, My Prince at 'yung School of Mystery: The Power of Nine. Pero ngayon ko lang nalaman na siya rin pala author ng Thr Border Between Love and Hate.” pagpapatuloy ni Erika.

Ano bang pinagsasabe ng mga 'to? Ano ba 'yung wattpad na 'yan? Matignan nga sa internet pag uwe ko sa bahay mamaya kung ano ba 'yun. At kung sino ba 'yang si @erzalalaloves at @pinkishrose02 na pinagsasabi ng dalawang 'to.

——

Pag uwe ko sa bahay, agad ko hinanap sa goggle kung ano ba 'yung wattpad. Napag-alaman ko na isa itong kung saan pwede ka magbasa ng gawang kwento ng mga writer sa iba't ibang panig ng mundo. At maaari karin gumawa ng kwento, eh para pala 'tong pocketbook pero digital nga lang.

Bigla tuloy ako nagkaroon ng ideya, ano kaya kung gumawa ako ng kwento kung saan doon ako gaganti kay Grace at Celine, dahil hindi naman ako makaganti sa personal.

Agad na gumuhit ang isang mala-demonyong ngiti sa labi ko matapos kong maisip ang ideyang iyon.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora