CHAPTER 4

43 4 0
                                    

Sikat ng araw na tumagos mula siwang ng bintana ang gumising sa'kin. Nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa kagigising ko lang ng tignan ko ang oras sa cellphone ko.

6:30AM....

6:30AM...

What the?! Male-late na 'ko!

Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at nagmamadaling nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo, nag-sipilyo at saka lumabas ng banyo upang magbihis. Paaligid-aligid si Mickey sa paanan ko, siguro ay bumabati siya sa'kin ng magandang umaga. Kaya naman kinuha ko ang Cat food n'ya sa drawer at saka ko s'ya pinakain habang abala ako sa pag aasikaso sa sarili ko.

6:53AM

Juskooo 7 minutes nalang!

Sa pagmamadali ko ay nasagi ko ang notebook kung saan doon ko ini-sketch ang mukha ng fictional character kong si Jang Jae Seok, nagkalat sa sahig ang mga papel na naka-ipit dito. Gustuhin ko man pulutin pero gahol na ako sa oras. Hinagkan ko sa ulo si Mickey bago ako umalis.

Mabuti nalang at pagdating ko sa may labasan ng subdivision ay may dumaan agad na jeep kaya mabilis akong nakasakay.

7:10AM eksaktong dumating ako sa school. Pawis na pawis ako dahil halos naglakad takbo ako mula sa kanto na binabaan ko papunta dito sa paaralan na pinapasukan 'ko.

Nasa hallway na ako naglalakad ng masalubong ko ang isa kamag-aral ko na si Candice, in-snob ko man s'ya kahapon pero ngayon ay kailangan ko s'yang tanungin.

“Hi, Akeera. Good morning.” masayang pagbati n'ya sakin ng makita n'ya ako.

“May teacher na ba tayo?” agad kong tanong.

“Hmm wala, hindi mo ba nabasa message ng class adviser natin kagabi? Wala daw magtuturo sa'tin ngayon kasi may seminar sa Laguna 'yung mga Grade 7 to Grade 10 Teachers. Kaya baka hanggang sa susunod na araw wala tayong teacher. Ang saya diba?” masayang pagbabalita ni Candice.“Pero ang dinig ko, mula sa Class President natin. May mga iniwan daw si Ma'am na gagawin na'tin para hindi tayo pakalat-kalat dito sa labas ng room kahit walang teachers.” dagdag n'ya pa.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabing 'yun ni Candice, nagmamadali pa naman ako kaninang pumasok dahil akala ko late na 'ko. Yun pala....ay kung sabagay, hindi pala ako nakapag-online ng Facebook kagabi dahil naging abala ako sa bagong story na gagawin 'ko.

“Salamat sa impormasyon. Sige, pasok na 'ko sa room.” mahinahon na saad ko, at akmang ihahakbang ko na ang paa ko ng tawagin ni Candice muli ang pangalan ko.“Bakit?” pagtatakang tanong ko.

“Wala lang, napansin ko kasi na wala kang kaibigan dito sa school kahit noong Grade 7 palang tayo. Hindi ka naman mataray, mabait ka nga eh. Saka pasensyosa pa. Hanggat kaya mo tinitiis mo, wag ka lang makasakit ng kapwa mo. Kahit araw araw kang binu-bully ni Grace, hindi ka pumapatol sakanya. Bagkos, ay umiiwas kana lang.” saad ni Candice.

“Anong ibig mong sabihin?” seryosong tanong ko.

“Gusto ko sana makipagkaibigan sayo.” nakangiting saad ni Candice.“Pero kung ayaw mo, naiintindihan naman ki----”

“Pasensya kana, hindi naman sa ayaw ko. Pero iniiwas lang din kita. Dahil kung makikipag kaibigan ka sa'kin, edi dalawa na tayong mabu-bully ni Grace. Isa pa, bakit gusto mong makipagkaibigan sa'kin? Gusto mo rin ba maranasan na i-bully ni Grace? Kung oo, then sige. Pagbibigyan kita, from now on magkaibigan na tayo.” sarcastic na pagkakasabi ko at agad narin akong umalis.

——

GRACE POV

“Ano na Candice? Pumayag na ba si Akeera na makipagkaibigan sa'yo?” mataray na tanong ko kay Candice.

“No, feeling ko mahirap talagang makuha ang tiwala n'ya. Hindi siya mabilis na mapaniwala.” seryosong saad ni Candice habang naka-crossed arm na pinagmamasdan si Akeera na naglalakad papalayo.

“Bakit pa kasi kailangan magpanggap nitong si Candice na nakikipagmabutihan s'ya kay Akeera? Ano ba talagang pinaplano mo Grace?” pagtataka ni Celine.

“Hindi parin kasi ako kumbinsido na hindi si Akeera ang author ng story na 'yun.” seryosong sagot ko.

“Then who cares kung s'ya nga? What do you afraid of? Kung sa una palang ay binu-bully na natin s'ya. Lalo na kana. Natatakot ka na baka malaman ng daddy mo? Isipin mo na lang ako, isang public servant ang daddy ko. He's a Mayor. Kapag nalaman ng mga tao kung anong katarantaduhan ang ginagawa ng anak n'ya sa eskwelahan, sigurong mag-iiba din ang tingin ng mga tao sa Dad ko.” sarcastic ngunit may laman na pagpapaliwanag ni Celine.

“Yun na nga eh, kaya nga wala dapat ibang pwedeng makaalam ng tungkol sa pangbu-bully natin kay Akeera. That's the reason why kaya gusto kong malaman kong si Akeera nga ang sumulat ng Angel From Hell.” mariing pagpapaliwanag ko.

——

AKEERA POV

Wala pa naman kaming ginagawa kaya naisipan ko nalang na lumabas muna ng classroom upang makalanghap ng sariwang hangin. Nagtungo ako sa backyard ng stage dahil may garden doon at may mga bench din na pwedeng upuan. Noong grade 7 ako ay doon ako nagpupunta tuwing break time, doon ko mag isang kinakain ang baon kong itlog at pancit canton.

Ngunit pagdating ko doon ay halos hindi ako makapagsalita sa tumambad sa'kin.

Kailan pa nagkaroon ng puno ng cheeryblossom dito? At namumulaklak narin 'to, so ibig sabihin, tagsibol na sa bansang Korea, Japan, China at sa mga bansa na may apat na seasons. Pero dalawa lang naman ang seasons dito sa Pilipinas....nakakamangha.

Napansin ko tila kumukulimlim kaya minabuti kong bumalik nalang ulit sa room. Ngunit sa pag lalakad ko, isang grupo ng kababaihan ang tila may balak pa yatang humarang sa daraanan ko.

Umiwas ako ng direksyon ng paglalakad upang hindi sila masalubong ngunit tila ako yata talaga ang pakay nila dahil habang papalapit ako kanila ay nababasa ko na sa mga mata nila na may balak sila sakin na hindi maganda.

“Akeera De Villa, tama ba?” seryosong tanong ng babaeng nasa unahan.

“Ako nga, bakit? May kailangan ba kayo sa'kin?” mahinahon kong tanong.

Hindi nagsalita ang babaeng nasa unahan at naglakad lang 'to papalapit sa'kin at akmang pagbubuhatan ako ng kamay. Ngunit isang kamay ng lalake ang nakita kong humawak sa braso niya.

Agad kong tinignan kung kaninong kamay galing iyon...

Ang kanyang mapang-akit na chinitong mata, magandang kilay, matangos na ilong, ang kanyang kissable lips at tila mala-anghel na mukha, at ang nuna sa ibaba ng kanyang labi sa gawing kaliwa...

[FLASHBACK]

Patapos na ako sa ginuguhit kong mukha ni Jang Jae Seok ng aksidenteng mapatakan ng tinta ng ballpen ang sa ibabang bahagi ng labi n'ya na nagmistulang nunal. Naging maganda naman ang kinalabasan kaya naman hindi ko na binago at hinayaan ko na lamang.

[END OF FLASHBACK]

Paanong....

Si...

Jang...

Jae...

Seok...

Ay nasa harapan ko?...

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon