LAST CHAPTER

60 4 0
                                    

JAE SEOK POV

Papunta na ako sa bus stop upang sunduin si Akeera ng mapansin ko ang pagkulimlim ng kalangitan na para bang may hindi magandang nagbabadya.

Kaya naman nakiusap ako sa driver ng taxi na medyo bilisan pa ang pagmamaneho, dahil hindi maganda ang kutob ko.

“Jae Seok! Tulungan mo 'ko!” rinig kong boses ni Akeera.

“Manong, may ibibilis pa po ba 'to?” magalang na tanong ko ngunit nag aalala na ako para kay Akeera.

“Wala na iho, nasa commercial road tayo. Hindi ako pwedeng magpakatakbo ng mabilis.” saad ng taxi driver.

“Kung ganun, pakitabi nalang po ng sasakyan. Bababa na po ako.” saad ko at agad na ipinarada ng driver nag taxi sa gilid ng kalsada, inabot ko ang bayad sa kanya saka akong nagmamadali na bumaba ng taxi.

Pagkatapos ay naglakad ako at tsinempo na walang tao saka ko ipinikit ang aking mata upang makapag teleport sa kinaroroonan ni Akeera.

——

AKEERA POV

“Han Hwa Geun” sambit ko at halos abot abot na ang kaba sa dibdib ko. Nang makalapit na s'ya sakin ay agad n'yang hinawakan ang braso ko ng mahigpit.“Bitawan mo 'ko ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw ko habang pilit akong kinakaladkad ni Hwa Geun. Kataka-taka naman na biglang nawala ang mga tao at sasakyan sa paligid.

“소음은 그만! (stop making any noise!)” singhal n'ya sakin.

“Jae Seok! Tulungan mo 'ko!” sigaw ko.

“그는 오지 않습니다. 그러니 그의 이름을 부르는 데 시간을 낭비하지 마십시오. 그는 당신을 구할 수 없습니다! (He's not coming. So stop wasting your time, calling his name!)” nakangisi n'yang pagkakasabi. Para s'yang demonyo.

“그녀를 놓아 줘! (Let go of her!)” dinig kong sigaw ni Jae Seok kaya sabay kaming napalingon ni Hwa Geun. Nawala ang takot sa dibdib ko ng makita ko na ang mukha ni Jae Seok.

“오랜만이야, 재석 (Long time no see, Jae Seok)” nakangising pagbati ni Hwa Geun kay Jae Seok sa sarkastikong tono ng boses.“당신 앞에서 죽어가는 당신의 여자를 볼 준비가 되셨습니까? (Are you ready to see your girl dying in front of you?)” nakangising saad ni Hwa Geun saka binunot ang 45 Calibre na baril na nasa tagiliran n'ya at tinutok sa ulo ko.

“총 내려 놔! (Put that gun down!)” sigaw ni Jae Seok at kita ko sa mata n'ya ang labis na puot at pag aalala sa'kin.

Hindi ko alam ang mga sumunod pang nangyari dahil sa bilis ng kaganapan. Basta ang natatandaan ko lang ay mabilis na nakipag agawan ng baril si Jae Seok kay Hwa Geun ng akmang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril. Hanggang sa isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid kaya naman nanlake ang mata ko sa pagkabigla.

“Jae Seok..” sambit ko ng may pag aalala. Kahit hindi ko pa alam kung sino ang tinamaan sa kanilang dalawa.

At unti unti nga ay bumagsak si Jae Seok sa lapag habang patuloy ang paglabas ng dugo mula sa tagiliran niya na s'yang tinamaan ng bala ng baril. Naiiyak akong agad na nilapitan si Jae Seok saka ko pilit na tinatakpan ng kamay ko ang tama n'ya.

“Jae Seok..Jae Seok naririnig mo ba 'ko?” naiiyak kong tanong sa tila kinakapos ng hiningang si Jae Seok.“Don't leave me please, I'm begging you.” umiiyak kong pagkakasabi.

“얼마나 달콤한 (How sweet).” sarcastic na pagkakasabi ni Hwa Geun at muling tinutok sa'kin ang hawak n'yang baril. Kaya naman napapikit nalang ako habang iniintay ang kamatayan.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now