CHAPTER 2

43 5 0
                                    

Agad akong nag-download ng Wattpad App sa cellphone ko. Pagkatapos ay gumawa ako ng account doon na hindi nila mahahalatang akong 'yun. @mspsycho ang naging username 'ko, habang larawan naman ng isang character sa anime ang ginamit kong litrato. Sa sobrang excited ko na makapagsulat ay hindi ko na nagawang magpalit pa ng uniporme.

“Meoww~ Meowww~” ngiyaw ng pusa ko na si Mickey habang nakatingin sa'kin. Sandali kong inilapag ang cellphone ko sa aking working table—doon nakalagay ang personal computer ko at sa table ding iyon ako gumagawa ng homeworks ko.

“Hi Mickey, how are you.” malambing na pagbati ko sa pusa ko saka 'ko siya kinalong.

“Meowww~” muli nitong pag ngiyaw.

“Nagugutom kana? Saglit lang at kukunin ko lang 'yung pagkain mo sa kusina.” saad ko saka ko ibinaba si Mickey. Nagtungo ako sa kusina kasama siya upang kunin ang pagkain n'ya.

“Meoww~ Meowww~ Meowww~” magkakasunod na ngiyaw ni Mickey.

“Eat well, baby.” nakangiting sambit ko saka ko nilapag sa harapan niya ang pagkain at tubig.

Inintay ko munang matapos kumain si Mickey bago ako bumalik sa silid 'ko. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na s'yang kumain at uminom ng tubig. Kinarga ko si Mickey pabalik sa kwarto ko. Inilagay ko s'ya sa kama ko habang ako naman ay naupo sa harap ng working table ko at saka ko sinimulan na gumawa ng kwento sa Wattpad App.

Title? Ano nga bang magandang title?

Sandali akong tumingin kay Mickey na abala sa paghihilamos ng kanyang sarili habang nasa kama ko.

Hmmm ano nga ba kaya?

Jusko naman, ganito ba talaga kahirap magsulat ng story? Title palang sobrang hirap na?

Ah alam ko na...“Unknown” eh? parang ang pangit naman. Ok, erase..erase...Hmmm “Angel From Hell”. Perfect!

B-Book cover? Kailangan talaga may book cover? Arrrrghh!

Agad akong nag-search sa google ng litratong babagay sa story na gagawin ko. Nang may mahanap na ako ay in-edit ko 'to sa PicsArt at Book Cover App. Pagkatapos ay nilagyan ko ng Book Cover ang istoryong isusulat ko.

Ay meron pa? Hindi pa tapos? Description?! Should I really need to put description?

Ok, description...
Magmula ng mag-aral ang dalagitang si Zoe sa isang pribadong paaralan ay nakaranas na s'ya ng pangbu-bully mula sa kanyang mga kamag-aral at iba pang estudyante doon. Siguro marahil ang isa sa dahilan ay hindi n'ya ka-label ang mga mag-aaral sa nasabing paaralan. Si Zoe ay isang iskolar lamang, gamit lang ang kanyang talino kaya siya nakapag aral sa pribadong paaralan magmula high school hanggang sa makapagtapos s'ya sa kolehiyo. Sa araw araw na pangbu-bully sakanya ng kapwa mag aaral na si Glenn ay hindi n'ya sinubukan magsumbong kanino man. Hanggang sa isang araw, ang dating Zoe na duwag lumaban at umiiyak na lamang kapag sinasaktan ay naging isang palaban at walang kinakatakutan na babae.

Ok next...Hmmm add part? Chapter 1 naba 'to? Hingang malalim Akeera, ito na 'yun.

——

Sa sobrang abala ko sa pagsusulat ng kwento ay nakaligtaan ko ng kumain ng hapunan at gawin ang takdang aralin 'ko. Napatingin ako sa wall clock na nasa itaas ng closet ko. Pasado alas-siyete na ng gabi.

Sa loob lamang ng tatlong oras ay nakatapos ako ng dalawang kabanata na meroong 1k to 1.5K words. Pwede na siguro 'yun sa araw na 'to. Nilog-out ko na ang wattpad app ko, nakita ko ang pusa kong si Mickey na mahimbing ng natutulog sa kama ko. Hindi ko na siya inistorbo pa at lumabas na ako ng silid ko upang kumain ng hapunan. As usual,  mag isa akong kakain ng hapunan sa hapagkainan.

——

[2WEEKS LATER]

Sa loob lamang ng halos dalawang linggo ay natapos ko na sulatin ang buong kabanata ng “Angel From Hell”. Meron lamang itong labing-tatlong kabanata (13) kung saan nga ay pinatay ni Zoe ang mga nangbu-bully sakanya. Wala pa itong reads, dahil wala rin akong followers. Pero ayos lang, ang mahalaga sa'kin ay nagawa kong makaganti kahit sa pamamagitan lamang ng kwentong isinulat ko.

Kinabukasan, nakapagtatakang walang Grace at Celine na humarang sa daraanan ko upang saktan na naman ako. Nakakapanibago, pero mas mabuti narin ang ganito. Naglalakad na ako sa hallway patungo sa classroom ko ng marinig ko ang usap usapan ng ilang estudyanye.

(Guys! nabasa n'yo na 'yung story sa wattpad na gawa ni @mspsycho?)

(Hindi pa, bakit?)

(Basahin n'yo, promise ang ganda. Nakakatakot na nakakaawa na nakakainis pero sa huli matutuwa ka.)

(Anong title n'on?)

(ANGEL FROM HELL. About siya sa estudyanteng si Zoe na madalas na binu-bully ng mga kapwa niya mag aaral at kaklase. Tapos naghigante siya. Pinatay n'ya 'yung nangbu-bully sakanya.)

(Wow! That's so cool!)

(Ay Oo, nabasa ko na 'yan kagabi. Grabe ang galing ni Ms. Author, pakiramdam ko may hugot sa bawat salitang binibitawan n'ya doon sa kwento. Ramdam na ramdam ko 'yung pain niya kahit binabasa ko lang.)

(True story ba 'yun?)

(Walang nakalagay kung true story ba o work of fiction eh. Pero palagay ko inspired by true events 'yung kwento.)

Agad akong nagtungo sa ladies room at ni-log in ang wattpad account ko, ayaw ko kasi may makaalam na ako ang writer ng story na 'yun. Nagulat na lamang ako ng makita kung ilan na ang reads ng story ko, pumalo na ito sa mahigit 10.7K+ reads.

Palabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko ang boses ni Grace.

GRACE POV

Naglalakad kami ngayon ni Celine patungo sa ladies room, mula pa doon sa gate hanggang dito sa locker area, usap usapan ang Angel From Hell na likha daw ng isang wattpad author na si @mspsycho. Wala akong idea about sa wattpad thingy na 'yan, kaya naman tinanong ko nalang si Grace ng makarating na kami sa ladies room. Dahil nagbabasa din siya ng story sa Wattpad App.

“Anong story 'yung pinag uusapan nila Michelle kanina?” pagtatakang tanong ko.

“About 'yun sa wattpad story na Angel From Hell, sobrang hot topic ngayon 'yun sa social media lalo na sa mga avid fan ng Wattpad.” paliwanag ni Celine.

“Para 'yun lang?” sarcastic na tanong ko.

“Hindi parang 'yun lang. It's about the bullies vs. the one they bullied for so long. Sa kwentong 'yun, maraming naka-relate. Si Zoe biktima siya ng pangbu-bully at the end of the story she killed them.” paliwanag ni Celine.“Kaya mag ingat ingat ka kay Akeera, baka tatahi-tahimik lang 'yan pero may masama na palang pina-plano sa'yo. Tulad ng ginawa ni Zoe doon sa story.” nakangising pagkakasabi ni Celine na animoy nananakot.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon