CHAPTER 11

26 2 0
                                    

Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa kinatatayuan ko habang pinapakita ni Grace ang video ng pag-uusap namin ni Jae Seok kung saan sinabi kong ako nga ang author ng Angel From Hell, ang kwentong pinagbibidahan ni Zoe Del Valle—ang estudyanteng biktima ng bullying na gumanti.

Nakita ko ang mga mata ng mga kapwa ko mag-aaral na halos hindi makapaniwala, gustuhin ko man itanggi 'yun pero wala na akong magagawa dahil may sapat ng ibedensya si Grace laban sa'kin.

“Wow! so ikaw nga si @mspyscho? Gosh!! I knew it!” biglang sabat ni Sophie na kararating lang.

“Yes girl, siya nga 'yun. Ngayon Akeera, tapos na ang maliligayang araw mo. Humanda ka nga 'yun sa consequence na kahaharapin mo.” may pag babantang mataray na pagkakasabi ni Grace sakin. Balak pa sana pumagitna ni Jae Seok pero pinigilan ko s'ya. Tama naman si Grace eh, I should face the consequences.

“Oo tama, kasi sigurado akong after malaman ng lahat na ikaw nga si @mspsycho iidolohin kana ng lahat dito sa school. Ang galing mo kayang magsulat.” nakangiting saad ni Sophie.

“What did you just said?!” inis na sabat ni Grace

“Sabi ko, ang galing na writer ni Akeera. Hindi na ako magtataka kung isa araw, maging successful na writer s'ya.” nakangiting saad ni Sophie.

“What?! naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Sophie?!” nangigigil na pagkakasabi ni Grace.

“I think Sophie is right. I already read some chapters of Angel From Hell at umpisa palang ng story sobrang madadala kana talaga. As in sobrang ganda, hindi mo nga aakalain na isang baguhan palang sa pagsusulat ang sumulat no'n. Kudos to you, Akeera----este @mspsycho.” saad naman ni Candice.

Nagulat ako sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin kay Sophie at Candice, hindi ko in-expect na sasabihin nila 'yun at mukha naman silang sincere sa mga sinasabi nilang dalawa.

(I agree, maganda nga 'yung story ni @mspsycho. I'm of her reader na nag aabang ng mga susunod pa n'yang story. At ngayon, nalaman ko pang school mate ko s'ya at s'ya din pala si Ms. Akeera De Villa, mas natuwa ako lalo.)
(Akeera, pa-picture naman oh! Idol po kita eh.)
(Oo ako rin, pa-picture. Idol din po kita. More stories to write po!)
(Akeera best writer!)

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig kong saad ng mga estudyanteng nakapaligid sa'min ngayon. At sobrang hindi ko inasahan ang suportang ibibigay nila sa'kin.

“See, kahit sila natutuwa ng malaman na dito pala nag aaral si @mspsycho. 'Yan ba ang consequence na sinasabi mo Grace?” sarcastic na saad ni Sophie.“Palagay ko, ikaw ang may kakaharapin na consequence sa oras na malaman na 'to ng daddy mo.” dagdag pa ni Sophie. Hindi halos makakibo si Grace at saka 'to nagmamadali na umalis, ngunit naiwan si Celine.

“You really did a great job. Keep writing and I looked forward for your success, Akeera.” nakangiting saad ni Celine bago s'ya umalis upang sundan si Grace.

——

GRACE POV

Sobrang nanggigigil talaga ako ngayong araw. Una, I saw Jae Seok and Akeera holding hands together. Pangalawa, parang mas kinampihan pa ng mga estudyante si Akeera lalong lalo na si Sophie at Candice. At ang pangatlo, what if makarating nga kay Daddy 'yun? what if malaman n'ya ang ginagawa ko? I'm sure na magagalit s'ya sakin. Gosh! what should I do?!

“Bakit aligaga ka ngayon? you want scene right?” nakangising sarcastic na pagkakasabi ni Celine, at agad ko s'yang tinignan masama.

“Kinakalaban mo na rin ba ako ngayon, Celine Montenegro?” sarcastic na tanong ko dito pero nginisihan n'ya lamang ako.

“Dapat nga noon ka pa 'yun ginawa eh. Hindi na sana ako umabot sa punto na pati 'yung mga mali mong ginagawa ay tinotolerate ko pa. Tulad ng pangbu-bully mo kay Akeera, magmula ng dumating s'ya dito. I'd realize kasi na, hindi lang pala si Akeera ang biktima na pangbu-bully mo dahil pati rin pala ako. I was in 8th grade ng malaman mong si Mayor Sammuel Montenegro ang totoong daddy ko, dahil anak n'ya ako sa ibang babae. Sinabi ko 'yun sa'yo dahil inakalang mapagkakatiwalaan ka. Pero ginamit mo 'yung nalalaman mo sa'kin para i-blockmail ako. Para hindi lumabas ang issue na 'yun, nagsunod-sunoran ako sa'yo. Pero grade 9 tayo ng lumabas ang sikreto kong 'yun, sinabi ko sakin na hindi ikaw ang naglabas no'n, pero wala naman ibang nakakaalam ng sikreto ko kundi ikaw lang. Doon palang sa part na 'yun, dapat nag umpisa na akong iwan ka dahil sa ugali mong 'yan. But I choose to stay, kasi alam kong walang ibang gustong makipag-kaibigan sa'yo maliban sakin.” mahabang salaysay ni Celine pero tinawanan ko lang s'ya.

“So tapos kana ba sa pagda-drama mo, Celine?” sarcastic kong tanong dito.

“Actually hindi pa.” nakangiti n'yang sagot.

“I think, we will see you in court after your dad found out the truth na bukod sa pangbu-bully, sangkot karin sa pagpapakamatay ni Valerie 2years ago after you make a story about her and her boyfriend doing s*x.” nakangising saad ni Celine then she waved her hand habang hawak ang isang recording pagkatapos ay agad ng lumabas ng room.

[FLASHBACK]

“Patay na daw si Valerie!” gulantang na pagbabalita ni Ashley sa'kin.

“Huh? b-bakit?” nauutal na tanong ni Celine.

“Nag suicide daw eh, hindi kinaya 'yung mga pangbabash ng mga tao sa kanya dahil sa lumabas na scandal post tungkol sa kanila ng boyfriend n'ya.” saad ni Ashley. Hindi nakapag salita si Celine at tumingin lamang 'to sakin.“Kawawa nga si Valerie eh, kasi feeling ko naman hindi totoo 'yung mga scandal na nagkalat sa social media. Parang edited lang, pati 'yung video.” dagdag pa ni Ashley.

[END OF FLASHBACK]

Halos manlabot ang tuhod ko sa mga sinabing 'yun ni Celine. Hindi ko inakala na all this time pala ay may tinatago s'yang ibedensya laban sa'kin. Sa inis ko ay pinaghahagis ko mga nakikita kong mga bag kahit hindi naman sa'kin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now