CHAPTER 10

28 2 0
                                    

CANDICE POV

Patungo sana ako sa cafeteria ng mapadaan ako sa garden ng school namin at makita ko sila Akeera at Jae Seok na tila masyadong seryoso ang pinag-uusapan sa ilalim ng puno ng cheeryblossom. At dahil curious ako at may pagka-chismosa ay medyo lumapit ako ng kunti upang marinig ko ang pinag uusapan nila. Nagtago lamang ako sa likod ng pader upang hindi nila ako makita.

“Hilig mo na ba talaga 'yung pagsusulat ng kwento?” tanong ni Jae Seok kay Akeera.

“Actually hindi. Nagsimula lang naman 'yun dahil punong puno na ako sa pangbu-bully sakin. Hindi ako makaganti sa kanila dahil ayaw ko rin makasakit ng kapwa ko. Kaya dinaan ko nalang sa kwento 'yung galit ko sa kanila. Sinulat ko 'yung Angel From Hell at nagtago sa ibang identity dahil ayaw kong may makaalam na ako ang author ng kwentong 'yun. Ilang araw lang ang lumipas, umabot na ng libo-libo ang nagbabasa no'n. Marami narin naki-simpatya sa kwentong ginawa ko at nagtatanong kung true story daw ba 'yun. Pero hindi ko sinasagot ang mga tanong na 'yun......”

OMGGGGG si Akeera ay si @mspsycho! Kailangan 'tong malaman ni Grace!

Nagmamadali akong umalis at nagtungo sa room nila Grace pero wala s'ya doon. Kaya naisipan kong itanong kay Sophie kung alam n'ya kung nasaan si Grace, ngunit hindi n'ya rin alam. Kaya naman sakanya ko nalang sinabi ang nalalaman ko.

“Seryoso ka ba d'yan sa sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Sophie.

“Dinig na dinig ko, at hindi pa naman siguro ako bingi para magkamali ako ng pagkakarinig. Si Akeera ang author ng Angel From Hell. Siya at si Zoe Del Valle ay iisa.” mariing paliwanag ko.

“Anong sabi mo? si Akeera ang author ng Angel From Hell?” gulantang tanong ni Grace na kararating lang kasama si Celine. Agad naman kami nagkatinginan ni Sophie, saka namin sabay na nilingon si Grace.

“Grace, nand'yan kana pa-----”

“Totoo ba 'yung narinig ko?” seryosong tanong n'ya sa'kin, at agad naman akong tumango.

“Ngayon may sapat na akong dahilan para hindi matuloy ang pagiging valedictorian n'ya.” sarcastic at nakangising pagkakasabi ni Grace. Wait what? candidate si Akeera for valedictorian?! shocks!!

“Si Akeera ang valedictorian?!” halos hindi makapaniwalang tanong ni Sophie.

Hindi nagsalita si Grace at saka nagmamadaling lumabas ng classroom agad naman s'yang sinundan ni Celine. Nagkatinginan naman kami ni Sophie.

SOPHIE POV

Hindi talaga ako makapaniwala ng sinabi sa'kin ni Candice na si Akeera ay si @mspyscho, ang author na ng Angel From Hell na ngayon nga ay mainit na usapin sa social medya dahil sa nilalaman ng kwentong 'yun. Naiinis ako sakanya, but at the same time I can't help myself but to admire her talent. Bibihira lang sa tao ang magkaroon ng pambihirang talento sa pagsusulat ng kwento. Hindi lahat ay nabibiyaan ng diyos ng ganon klaseng kakayahan at talento. Pero ang mas nagpabilib sa'kin ay ng malaman kong candidate din si Akeera sa valedictorian. And I'm not even suprised, nakikita ko rin naman na talagang matalino si Akeera. Kahit na binubully s'ya ay mas may ibubuga pa nga s'ya kaysa kay Grace. Kaya minsan, nakakakonsensya narin 'yung pati ako nakiki-bully din kay Akeera kahit na in the first place, wala naman s'yang kasalanan sa'kin.

Ngayon ay bigla nalang umalis si Grace na alam kong galit na galit dahil sa nalaman n'ya. Sigurado akong susugurin na n'ya ngayon si Akeera.

“Sophie, saan ka pupunta?” agad na tanong sakin ni Candice ng palabas na ako ng pintuan ng classroom.

“Susundan ko si Grace.” saad ko ng lingunin ko si Candice.

“Teka, sasama ako!” pasigaw na pagkakasabi ni Candice at saka nagmamadaling tinungo ako.

——

AKEERA POV

“Alam ko, nararamdaman ko na balang araw. You'll be one of the successful author.” nakangiting pagkakasabi ni Jae Seok habang hawak ang magkabilang kamay ko at nakatitig sa aking mga mata.

“Sana, kapag nangyari 'yun. Nasa tabi parin kita. Gusto kong makita mo 'yung sinasabi mong magiging successful ako.” saad ko.

Hinawi naman ni Jae Seok ang hibla ng buhok ko sa bangs ko, saka s'ya ngumiti sa'kin.

“As long as you want me to stay, I'll stay.” nakangiting pagkakasabi n'ya.

“Talaga? you will do that? paano kung sabihin kung wag ka ng umalis at dito ka na lang. Hanggang sa----”

“...Bumuo tayo ng masayang pamilya?” pagpapatuloy n'ya sa sinasahi ko. Kahit na hindi naman 'yun ang karugtong ng sasabihin ko. Pero kinilig ako doon ah.“Oo, gagawin ko 'yun. At Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo.” nakangiting saad ni Jae Seok at ramdam ko ang sinsiredad n'ya. Saka ko s'ya niyakap at ganun din s'ya sakin. Naramdaman ko ang bawat haplos n'ya sa ulo/buhok ko.

“Baka may gagawin na tayo sa room, balik na kaya tayo.” saad ko ng kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Jae Seok.

“Mas mabuti pa nga.” nakangising pagkakasabi n'ya saka hinawakan ang kamay ko. Kaya ako napatingin sakanya.“You're now my girlfriend, remember?” nakangiting pagkakasabi ni Jae Seok na lalong mas nagpagwapo sakanya.

(Bakit sila magka-holding hands? sila na ba?!)
(OMG I can't believed what I'm seeing.)
(Ayiee sana all!)

“Wow! holding hands while walking.” sarcastic na pagsalubong ni Grace samin ng nasa hallway na kami ni Jae Seok. Bibitaw sana ako sa kamay ni Jae Seok pero mas lalo lamang n'ya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.“So, may love na pala ngayon si @mspsycho.” dagdag n'ya pa. Anong sabi n'ya?!

(Huh? si Akeera si @mspsycho?)
(Si Akeera ang author ng Angel From Hell? seryoso ba?)

“Oo guys, you heard it right. Si Akeera ang author ng Angel From Hell, siya si @mspsyscho. Ang galing diba? may schoolmate tayong sumisikat na sa social media.” sarcastic na pagkakasabi ni Grace at nag umpisa ng pagkumpulan kami ng mga estudyanteng gustong makiusosyo.

“Ano bang pinagsasabe mo Grace? hindi nga sabi ako si-----” natigilan ako ng ilabas ni Grace ang cellphone n'ya at i-play ang video. Sa video ay malinaw na makikita at maririnig ang pag uusap namin ni Jae Seok sa may garden ng school.

“Ngayon mo sa'kin sabihin na sinungaling ako. Bistado kana, Akeera.” mataray na pagkakasabi ni Grace, wala ako nagawa kundi ang yumuko na lamang habang pinipisil ni Jae Seok ang kamay ko.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now