CHAPTER 9

28 1 0
                                    

[ONE WEEK LATER]

AKEERA POV

As the days goes by na magkasama kami ni Jae Seok sa iisang bubong, I started to fall for him, I started to fall to a fictional character. Magkasabay kaming pumapasok sa school, kumakain ng lunch at umuuwe dito sa bahay. Minsan narin s'yang napaaway dahil sa pagtatanggol sa'kin sa mga kaklase kong lalake na may hindi magandang balak sa'kin. Pero 'yung nararamdaman ko para kay Jae Seok, I decided to keep in only for myself.

“Jae Seok, I brought something for you!” masayang pagkakasabi ni Sophie bitbit ang isang paperbag. Ano na naman bang pakulo ng babaeng 'to? Kaagad na lumapit si Sophie kay Jae Seok saka nilabas sa paperbag ang isang Black Medium sized T-shirt na may naka-imprintang 'Saranghaeyeo' at tinapat sa katawan ni Jae Seok. Nagtataka naman si Jae Seok sa ginagawa ni Sophie sakanya.“Wow! mas lalo kang gumawapo.” manghang saad ni Sophie. Tsk! kahit naman hindi n'ya isuot 'yan. He's still handsome!“Alam mo bang, couple shirt 'yan. Ito 'yung sa'kin oh!” nakangising saad ni Sophie saka hinubad ang suot n'yang jacket. What?! couple shirt!!

“Thank you.” nakangising saad ni Jae Seok. Huh?! seryoso ba s'ya?!

“So you mean, you like it?” nakangising tanong ni Sophie.

“Yes. It's cute. Thank you for this. I appreciated it.” nakangiting saad ni Jae Seok habang nakantingin kay Sophie. Kaya naman hindi ko na mapigilan na magselos. Kaya naman  bigla nalang ako tumayo sa kinauupan ko at saka lumabas ng room.

JAE SEOK POV

“Yes, its cute. Thank you for this. I appreciate it.” nakangiting saad ko kay Sophie matapos n'yang ibigay sa'kin 'yung regalo n'ya. Pero nagulat na lamang ako ng biglang walk-out si Akeera.

“Dali, suot mo na 'yan. Para parehas na tayo.” pagmamadali ni Sophie habang inaalog-alog ang braso ko.

“Pero pasensya kana. Hindi kasi ako nagsusuot ng mga ganitong klaseng damit.” malumanay na pagkakasabi ko.

“P-pero nagustuhan mo naman diba?” malungkot na saad ni Sophie.

“Yah, but I didn't say that I will wear it.” saad ko.“Excuse me.” saad ko at agad na akong lumabas ng room upang sundan si Akeera.

“Did you see Akeera?” tanong ko sa babaeng G8 student na nasalubong ko.

“Yes, I saw her.” sagot nito.

“Where is she?” agad kong tanong.

“Nasa garden. Malapit sa puno ng cheeryblossom. Doon ko s'ya nakita kanina.” saad nito.

“Salamat.” saad ko at nagmamadaling umalis upang puntahan si Akeera.

——

AKEERA POV

Nakatingala ako sa puno ng cheeryblossom na misteryosong tumubo dito sa garden nang maramdaman ko ang mga yabag ng sapatos na palapit sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Jae Seok.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong ko.

“Ikaw? anong ginagawa mo dito? bakit hindi ka nalang mag enjoy makipag kwentuhan kay Sophie.” sarcastic kong tanong.

“Nagseselos ka ba?” agad na tanong ni Jae Seok.

“Ako? magseselos? And why would I?” natatawang sarcastic kong pagkakasabi.

Hindi nagsalita si Jae Seok at mas lumapit pa sa kinaroroonan ko.

“You're lying.” saad n'ya habang kakatitig sa mga mata ko.

“No.” mariing pagkakasabi ko.

“Yes, you are.” malumanay na pagkakasabi n'ya. At hindi na ako nakipagtalo pa.

“Babalik na ako sa room.” seryosong pagkakasabi ko ngunit paalis na sana ako ng hawakan ako ni Jae Seok sa kamay at hilain palapit sakanya at pagtapos ay agad n'ya akong hinagkan sa labi. Sa pagkabigla ko sa ginawa n'ya ay halos manlake ang mga mata ko. Ngunit imbes na itulak ko s'ya papalayo ay tila hinayaan ko rin si Jae Seok na halikan ako. He's my first kiss under the tree of cheeryblossom.

——

GRACE POV

“Dad, do something. I want Akeera De Villa to kicked out from our school.” pakiusap ko kay Daddy ng tawagan ko s'ya.

“Sweetie. I can't do that without a valid reason. Candidate si Akeera for valedictorian sa batch n'yo dahil consistent honor student s'ya. And beside, kung naiinis ka lang sakanya kaya mo s'ya gustong i-kickout, sorry sweetie. But I can't do your favor.” saad ni Daddy mula sa kabilang linya na mas ikinagalit ko.

“But daddy...”

“Grace, listened. Your old enough to understand. Hindi ko na kailangan isa-isahin pa sa'yo para lang maintindihan mo. Hindi kana bata.” seryosong pagpapaliwanag ni Daddy sa malumanay na tono ng boses.

“Kung hindi mo 'ko matutulungan. Ako nalang mismo ang gagawa ng paraan.” huling salitang binitawan ko bago binabaan ng cellphone si Daddy.

Hindi ko hahayaan na maging valedictorian si Akeera. Dahil walang ibang pwede makakuha ng titolong 'yun kundi ako lang. Not even Celine.

——

CELINE POV

“So, si Akeera pala ang isa sa candidate for valedictorian? I'm not surprise tho. She's smart.” nakangising saad ko matapos na magkwento sa'kin si Grace tungkol sa pag-uusap nila ni Tito Jovan.

“Sa tingin mo ba papayag ako na mangyari 'yun? walang ibang pwedeng maging valedictorian kundi ako lang.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Ikaw? eh ang dami mo ngang line of 7. Idagdag mo pa 'yung back subject mong Science at Math. Eh kung hindi lang siguro Daddy mo ang may-ari ng school na 'to. Baka hanggang ngayon G7 ka parin dahil sa dami ng back subject mo.” natatawang sarcastic na pagkakasabi ni Celine. Sa galit ko ay nasakal ko s'ya.

“G-grace, h-hindi a-ako-----”

“Ulitin mo pa 'yan, baka matuluyan ka sa'kin. Wag mo sabihin na Mayor ang Daddy mo kaya dapat akong matakot sa'yo. Baka nakakalimutan mo, alam ko ang mga bahong tinatago ng pamilya mo.” pagbabanta at pananakot ko kay Celine bago ko inalis ang kamay ko sa leeg n'ya at halos maubo s'ya habang hawak ang leeg n'ya na nakatingin sakin.

——

SOPHIE POV

“Sophie! nakita mo ba si Grace?” nagmamadaling pagkakasabi ni Candice.

“H-hindi bakit? baka nasa room nila.” saad ko.

“You won't believe sa sasabihin ko.” saad ni Candice.

“Ano 'yun?” pagtataka ko. Agad na lumapit sa'kin si Candice saka ako binulungan sa tenga. At halos manlake ang mga mgata ko sa pagkabigla sa sinabi n'ya.

Sinasabi ko na nga ba! Humanda ka ngayon Akeera De Villa!

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now