CHAPTER 3

45 3 0
                                    

AKEERA POV

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na sila Grace at Celine sa ladies room. Kaya naman lumabas narin ako sa cubicle. Taas noo akong naglakad sa hallway patungo sa classroom ko sa 3rd floor.

At pagdating ko nga sa room, usap usapan ng mga kaklase kong avid fan ng wattpad ang story kong 'Angel From Hell' pero wala parin nakakaalam ni-isa sa kanila na ako ang nasa likod ng matagumpay na istoryang iyon.

Nang mag uwian na ng ala-una ng hapon, nagkasalubong kami ni Grace sa hallway sa first floor pero nilagpsan ko lang siya...

“Hoy Akeera!!” rinig kong tawag n'ya sa pangalan ko kaya agad akong napatigil sa paglalakad. Narinig ko ang tunog ng takong ng sapatos ni Grace na papalapit na sa'kin kaya huminga ako ng malalim. Ilang sandali pa, ay nasa harapan ko na siya.

“M-may kailangan ka ba----”

“Akin na ang cellphone mo!” singhal n'ya sa'kin.

“Huh? P-pero b-ba----”

“Bingi ka ba? I said, give it to me your f*cking phone!” inis n'yang pag-uulit.

Hindi pa man ako muling nakakapagsalita ay hinawakan na ako sa magkabilang kamay ng dalawa n'ya pang kasama—si Celine at si....si Candice.

Saka ako kinapkapan ni Grace sa bulsa ng uniform ko. Hanggang sa makuha nya ang cellphone ko sa bag.

GRACE POV

Tila nagkaroon ako ng pangamba sa istoryang sinasabi ni Celine. Malakas din ang kutob kong si Akeera ang nagsulat n'on. Kahit iniba n'ya ang pangalan ng bidang babae sa kwento gayundin ang mga nangbu-bully kay Zoe at ng iba pang detalye, alam kong si Akeera at si Zoe ay iisa.

“Hoy Akeera!!” sigaw ko sa pangalan ni Akeera ng makita ko s'yang naglalakad sa hallway. Napatigil s'ya sa paghakbang kaya naman agad ko siyang tinungo.

“M-may kailangan ka ba----”

“Akin na ang cellphone mo!” singhal ko.

“Huh? P-pero b-ba----”

“Bingi ka ba? I said, give it to me your f*cking phone!” singhal kong muli, sinenyasan ko sila Candice at Celine kaya naman agad nilang hinawakan si Akeera sa magkabilang kamay niya. Kailangan kong makuha ang cellphone n'ya upang malaman kung s'ya nga talaga ang author n'on, at kung magkataon na tama ang hinala ko. May kalalagyan talaga sa'kin ang babaeng 'to.

“Ano ba talagang kailangan mo sa cellphone ko?” tila nagmamakaawang tupa na tanong ni Akeera sa'kin.

“Anong password nito?!” inis kong tanong.

“H-huh----”

“Simple lang naman Akeera, kung wala ka talagang itinatago sasabihin mo sa'kin ang password ng cellphone mo.” mataray na pagkakasabi ko ngunit may diin sa dulo.

AKEERA POV

Wala akong ibang nagawa kundi ang ibigay kay Grace ang password ko. Pero wala naman s'yang makikita sa cellphone ko. Dahil after kong tignan kong ilan na ang reads ng story ko ay in-unstall ko na agad ang wattpad account ko. Ni-logout ko rin sa gmail app ko ang email na ginamit ko sa pag gawa ng account sa wattpad.

“G-Grace, baka naman hindi talaga si Akeera ang author n'on. Saka bakit ka ba natatakot eh story lang iyon. Nakalagay naman sa panimula ng kwento na 'this is a work of fiction eh'.” mahinahon na sabat ni Candice.

Hindi na kumibo pa si Grace at binato sa'kin ang cellphone ko, mabuti nalang at nasalo ko ito. Pagkatapos ay umalis na si Grace at Celine, ngunit naiwan si Candice. Nakita ko s'yang pinupulot ang mga laman ng bag kong nagkalat sa sahig matapos kalkalin ni Grace ang bag ko.

“Ako na d'yan. Sundan mo na sila.” seryosong pagkakasabi ko.

“Akeera, pasensya kana.” malumanay na pagkakasabi ni Candice ngunit ramdam kong bukal 'yun sa puso n'ya. Hindi ko s'ya inintindi at nagpatuloy sa paglalagay ng mga nagkalat kong gamit sa bag ko.“Kung ikaw talaga ang author no'n, ngayon palang binabati na kita. Napakagaling mong magsulat. Wag ka mag-alala, ligtas ang sikreto mo sa'kin. Kasi kung ako ang nasa posisyon mo, baka ganyan din ang gagawin 'ko.” nakangiting saad ni Candice ng matapos na namin damputin ang mga gamit ko ay sabay kaming tumayo.

“Nasasa'yo na kung maniniwala ka, pero hindi ako ang author n'on. Essay nga tinatamad na ako magsulat, kwento pa kaya?” sarcastic kong pagkakasabi na sinabayan ko ng pagwo-walkout.

——

Pagkauwe ko ay agad kong muli in-unstall ang wattpad sa cellphone ko. At sobrang unexpexted ang nangyari sa first story na ginawa ko—ang Angel From Hell ay umabot na agad ng 20K reads at meron narin akong 600 followers sa wattpad.

Dahil sa success ng story ko at sa pag diskobre sa natatago kong talento sa pagsusulat, nabuo ang isang pangarap sa isipan ko—ang maging isang magaling at tanyag na manunulat balang araw.

Muli kong hinarap ang personal computer ko, at nabuo ang isang bagong kwento.

'Where you from?'

'Description?'

'Si Lyka ay isang mag-aaral mula sa isang pangpublikong paaralan na palaging tampulan ng tukso ng dahil sakanyang kapansan. Malabo kasi ang mga mata ni Lyka, kaya naman lagi s'ya naka-suot ng salamin. Ngunit isang araw, darating ang isang lalaking magtatanggol sakanya—si Jang Jae Seok.'

Kaka-published palang ng Prologue ng kwento sinulat ko ay umabot na 'to ng 179 reads. Kaya naman mas nag enjoy ako magsulat.

At habang gumagawa ako ng outline para sa profile ng fictional character na si Jang Jae Seok, nakaramdam ako ng kakaiba. Siguro ay dahil first time ko na gagawa ng kwento na ang genre ay fantasy-romance. Tanging sa isipan ko lang ini-imagine ang itsura ni Jang Jae Seok, siyempre dahil Koreano s'ya ay chinito ang kanyang nakakaakit na mata, kissable lips, matangos ang kanyang ilong, maputi, matangkad at ang gustong gusto ng babaeng tulad ko? may abs siyempre.

Kasalukuyan ko ng ini-sketch ang magiging itsura ni Jang Jae Seok ng biglang umihip ang malamig na hangin. Agad akong tumayo at nakita kong medyo nakabukas ng kunting ang bintana, kaya naman agad ko na 'tong sinara.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now