CHAPTER 6

37 3 0
                                    

GRACE POV

Akmang pagbubuhatan ko na sana ng kamay si Akeera dahil sa pangigigil ko sakanya ngunit isang boses ng lalake ang narinig ko, Korean 'yun kaya hindi ko maintindihan ang sinabi n'ya. Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan at isang lalake na matangkad, medyo chinito ang kanyang mapang-akit na mata, kissable lips, may matangos na ilong at maputi. Naka-suot s'ya ng winter coat na madalas sinusuot ng mga nasa K-Drama.

(By the way, this is him!)

Nagulantang kaming lahat na nasa loob ng room sa biglaan n'yang pagdating

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagulantang kaming lahat na nasa loob ng room sa biglaan n'yang pagdating. Maging si Akeera ay nagulat na lamang din. Natulala kaming lahat ng maglakad s'ya patungo sa kinaroroonan ni Akeera at hawakan ang kamay nito saka ikinober sa likod n'ya.

"Ang gwapo n'ya talaga." rinig kong mahinang pagkakasabi ni Faith habang kinikilig sa isang tabi.

"감히 아키라의 얼굴에 손을 얹지 마세요." hindi ko na naman naintindihan ang sinabi n'ya. T*ngin*ng yan.

"What did you say?!" mataray na saad ko.

"Sabi n'ya, kapag daw inulit mo pa ang pangbu-bully kay Akeera, may kalalagyan daw tayo. Binabalaan n'ya na raw tayo." sabat ni Misky.

Pagkatapos ay hawak n'ya sa kamay si Akeera na lumabas ng classroom. Habang ako ay gigil na gigil at halos ipagtatapon at ipaghahagis ko ang mga bagay na makikita ko.

--

AKEERA POV

"내 손을 놓아 줘! (Let go of my hand!)" mariing pagkakasabi ko kay Jae Seok habang hawak hawak parin n'ya ang kamay kong naglalakad sa pasilyo. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan kami ng mga ibang estudyante.

(Hala sino s'ya? transferee?)
(Bakit sila magkasama ni Akeera?)
(Oo nga, saka holding hands pa! baka jowa n'ya?!)
(No way! look, napakagwapo n'ya para pumatol kay Akeera)
(Bakit? maganda naman si Akeera ah.)
(Mukha s'yang oppa sa isang K-Drama)
(Oppa Saranghaeyo!)

"I said let go of my hand!" mariing muling pagkakasabi ko at kusa ko ng hinila ang braso ko, kaya naman agad s'yang napatigil sa paghakbang.

"I'm so sorry." mahinahon na paghingi n'ya ng paumanhin.

"Wag mo naman akong pahirapan, pwede? gulong gulo na nga 'yung utak ko sa kung bakit maraming naiibis sa'kin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Tapos ito ka ngayon, daragdag ka pa?" inis kong pagkakasabi at halos maiyak na 'ko. Hindi ko na kasi maipaliwanag 'yung mga nangyayari. Sumasakit na 'yung ulo ko sa pag-iisip.

Walang salita si Jae Seok na hinila ang kamay ko palapit sakanya at saka ako niyakap.

(Hala OMGGGGG)
(Mag jowa nga yata sila!)
(I can't believed this!)

"As long as I'm here beside you, You've nothing to worry about." malambing at sincere na pagkakasabi ni Jae Seok sa'kin. Hindi ko patid, pero ng yakapin na n'ya ako. Pakiramdam ko ay naging magaan ang lahat, parang naging kalmado 'yung paligid.

--

"Akeera, jowa ba 'yung lalakeng 'yun? Ang gwapo n'ya sobra. Anong pangalan n'ya?" mausisang tanong sa'kin ng kaklase kong si Sophie.

"Oo nga, gusto lang naman namin makipagkaibigan sakanya eh. Ano Instagram account n'ya, saka Facebook Account?" tanong naman ni Myrtle.

Hindi ko pinansin ang mga tanong ng ilan kong kaklase, sa halip ay kinuha ko ang bluetooth earphone sa bulsa ng suot kong uniform at saka 'to sinalpak sa loob ng magkabilang tenga ko.

--

Uwian na namin, wala naman kaming masyadong ginawa dahil nga sa wala naman kaming teacher at baka sa susunod na linggo pa mga 'yun papasok dahil nasa seminar.

Paglabas ko ng gate ng school, agad na hinanap ng mata ko si Jae Seok pero hindi ko s'ya makita. Nagpalinga-linga pa ako pero walang Jang Jae Seok ang mahagilap ng mata ko.

Hindi ko maintindihan pero bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot. Paano kung bumalik na s'ya doon sa kwento? paano kung limitado lang 'yung oras n'ya dito sa realidad. Tapos hindi pa naging maganda 'yung pagtrato ko sakanya kanina.

"당신은 나를 찾고 있습니까? (Are you looking for me?)" rinig kong boses ng lalake kaya agad akong napalingon sa likod ko. Nakita ko si Jae Seok na may hawak hawak na dalawang baso ng Halo-Halo.

"Ako? hahanapin kita? at bakit naman?" sarcastic kong tanong. Siyempre, ayaw kong aminin sakanya na halos maiyak na ako ng hindi ko s'ya makita kanina.

JAE SEOK

Matapos ang pag uusap namin kanina ni Akeera, nagpasiya akong lumabas na ng school nila at sa labas nalang mag-intay sakanya. Isa pa, bumalik na kasi Akeera sa classroom nila. Kampanti narin naman ako na walang mananakit sakanya.

Habang nag-iintay ako sa labas, nakita ko ang tindahan na nagbebenta ng Halo-Halo. Kinapa ko ang bulsa ng suot kong winter coat, may nakuha akong papel-100pesos. Kaya naman ibinili ko nalang 'yun ng dalawang Halo-Halo, tag isa kami.

Habang ginagawa ang Halo-Halo na binili ko, nakita kong naglalabasan na ang mga estudyante, maya maya pa..nakita ko na si Akeera na palinga-linga sa paligid. Napa-crossed arm ako habang natatawang pinagmamasdan s'ya.

"Ito na po 'yung Halo-Halo." saad ng batang lalake.

"How much?" nakangiting tanong ko.

"80pesos lang po." sagot n'ya.

"Here, keep the change." nakangiting saad ko ng iabot ko ang bayad ko. Pagkatapos ay agad na akong tumawid sa kabilang kalsada upang lapitan si Akeera na halos maiiyak na sa kakahanap kung nasaan ako.

"당신은 나를 찾고 있습니까? (Are you looking for me?)" nakangising tanong ko. Agad naman s'yang lumingon sa'kin.

"Ako? hahanapin kita? at bakit naman?" sarcastic n'yang tanong sa'kin.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now