CHAPTER 12

23 3 0
                                    

CANDICE POV

“Oh! Celine, anong ginagawa mo dito? Akala ko kasama mo si Grace?” pagtatakang tanong ko ng biglang magtungo si Celine dito sa cafeteria kung saan kasama namin ni Sophie sila Jae Seok at Akeera.

Wala siyang imik na umupo sa pagitan ni Akeera at Sophie saka nilapag ang tila recording sa ibabaw ng lamesa.

“Para saan 'yan?” sabay namin na tanong ni Sophie.

“Kilala n'yo si Valerie diba?” mahinahon na pagkakasabi n'ya. Agad naman kami nagkatinginan ni Sophie.

“Oo, yung nag suicide dahil sa s*x issue kuno nila ng jowa n'ya. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Valerie.” saad ni Sophie.

“Pero ako, hindi ako naniniwala sa accusation na 'yun. Feeling ko edited lang 'yung video, pati 'yung palitan ng conversation nila ng jowa n'ya na niyaya ni Valerie si Alvin na makipag s*x.” saad ko.

Hindi nagsalita si Celine at pinindot na lamang ang button ng recording.

(Grace's voice)
“Look, Celine. Paniwalang paniwala sila na totoo 'yung s*x scandal ni Valerie.”

(Celine's voice)
“Do you think it's funny? sisirain mo 'yung reputasyon ni Valerie dahil lang sa naiinis ka sakanya? Grace, you should delete that video bago pa maraming makapanood n'yan at makarating pa sa mga magulang ni Valerie.”

(Grace's Voice)
“She deserved all the hates the she will going to recieved soonest.”

(Celine's Voice)
“Grace..I'm beging you. Delete it! Hindi ka ba naaawa kay Valerie?”

(Grace Voice)
“No.”

“Ni-record ko 'yang pag uusap namin ni Grace, week after Valerie found dead on her room. Inisip ko kasi na magagamit ko 'yan laban kay Grace one day. At siguro ito na 'yun.” saad ni Celine.

“OMG! I can't believed na pakana lahat 'yun ni Grace? she's so evil!” hindi ko makapaniwalang saad at aminadong sobrang na-disappoint kay Grace.

AKEERA POV

Maging ako ay nagulat sa narinig kong conversation nila Grace at Celine sa recording. Grabe, napakasama pala talaga nitong si Grace. Mas masama pa s'ya sa inaakala ko.

“Akeera, I really want to apologize to you. Dapat noon ko pa 'to ginagawa eh. I'm really sor----” hindi ko na pinatapos pa magsalita si Celine at hinawakan ko ang kamay n'ya.

“I understand. Apology accepted.” nakangiting saad ko. Then I offered her a hug.

“Aww sana all, a hug a from a soon to be successful book author.” saad ni Sophie at saka kami nagtawanan.

“And you too, Jae Seok. I want to apologize too.” baling ni Celine kay Jae Seok na katabi ko. Agad ko naman sinulyapan s'ya ng tingin.

“Just like what my girlfriend said, apology accepted too.” nakangiting saad ni Jae Seok saka s'ya tumingin sa'kin.

“Uy ako rin, kahit kanina ko pa 'to sinasabi sainyong dalawa. Sorry talaga. Sorry sorry sorr---”

“That's enough, Sophie. You're sorry is already accepted. Naiintindihan ko kayong lahat, alam kong na-blockmail lang kayo ni Grace kaya n'yo 'yan nagawa.” malumanay na pagkakasabi ko.

“So, friends na ba tayong..1, 2, 3, 4, 5.” saad ni Candice habang binibilang kung ilan ba kami.“Tayong lima? friends na ba?” pag uulit n'ya. Bahagya naman kami nagkatingan lima.

“Oo naman/Sure why not!” sabay sabay namin pagkakasabi kasabay ng masayang tawanan.

[ONE WEEK LATER]

Nalaman na ni Mr. Jovan Boromeo ang tungkol sa kademonyahan ng anak n'yang si Grace. Galit na galit ito ng malaman n'ya 'yun at halos mapaluhod si Grace sa harap ng daddy sa paghingi ng tawad. Nasaksihan 'yun ng lahat ng estudyante sa St. Benedict Acedemy dahil mismong sa tapat ng gate sa loob ng campus nangyari 'yun. Hindi naman kinosente ni Mr. Jovan ang anak n'ya dahil magiging kahihiyan din 'yun ng paaralan at maging siya bilang ama.

Sa huli, ay nahatulan ng kasong RA 10627 o Anti Bullying Act of 2013 at False Accusations si Grace. Personal din na humingi sa'kin na despensa ang ama ni Grace at nangakong hindi na 'yun mauulit pa.

“당신이 나를 위해 해준 모든 것에 감사합니다, 재석-씨 (Jae Seok-ssi, Thank you for everything you've done for me).” saad ko agad naman napatingin sa'kin si Jae Seok na abalang nag-iihaw ng barbe-cue sa may garage. May garage 'yung tinitirhan kong bahay pero wala naman akong sasakyan. Maski nga bike o motor wala eh.

“너에게 고마워해야 할 사람은 내가, 아키라 (I'm the one who should thankful to you, Akeera).” saad ni Jae Seok ng tumingin s'ya sa'kin saka n'ya ako hinagkan sa noo.

Maya maya pa, biglang may nag notif sa cellphone ko kaya agad ko 'yun kinuha sa bulsa ng suot kong short.

“Oh, notification sa wattpad?” pagtataka ko at agad kami nagkatinginan ni Jae Seok, saka s'ya naki-silip sa cellphone ko.

“Tignan mo na.” saad n'ya.

At agad ko nga 'yun binuksan. Saka dumiretso sa 'Message' kung saan gumulantang sa'kin ang isang mensahe. Mula 'yun sa isang kilalang book publishing house sa bansa. Duda pa ako noong una kaya tinignan ko kung legit ba 'yung account na nag-message sa'kin at bOooMm legit nga mga beee!

“어떡해 (What should I do?!)” saad ko habang nanlalake ang mga mata ko at ang isang kamay ko ay nakatakip sa bibig ko.

“축하해요! 나는 당신이 너무 자랑 스럽습니다! (Congratulations! I am so proud of you!)” masayang pagbati sakin ni Jae Seok saka n'ya ako niyakap.

——

CELINE POV

Tamang scroll lang ako sa Facebook ng dumaan sa newsfeed ko ang post ni Akeera at agad ko 'yun binasa, napag-alaman kong nag sign-in contract na s'ya sa isang kilala book publishing house dahil sa naging impact ng story n'yang Angel From Hell na hanggo sa experience n'ya.

Agad kong tinawagan si Candice upang tanungin kong alam narin ba n'ya na malapit ng magpublish ng book si Akeera.

“OMGGGG talaga? My gosh! I'm so happy for her! well deserved!” natutuwang saad ni Candince mula sa kabilang linya.

“I'm so happy for her too and proud also, dream come true na 'to para sa kaibigan natin.” masayang saad ko.

“Kaya bukas na bukas din, pupunta tayo sa bahay n'ya. We will congratulate her for her upcoming debut as an published author.” saad ko.

Our SPRING Day (Four Season: Series #3)Where stories live. Discover now