Kabanata 3

174 23 46
                                    

Maxence Creed


Happy reading 🥛


"Come here, Gray. " Rinig kong tawag sa akin ni Treyden mula sa kusina na kaagad ko namang sinunod.


Kanina pa ako nagsusulat at nagugutom na rin talaga ako.


Pakiramdam ko si Damien ang kasama ko sa sarap ng mga pagkain na inihahanda niya.


Napansin kong isang plato lang ang nasa lamesa kaya naglakad ako sa may kusina para kumuha ng isa pang plato.


"Eat with me." Lapag ko sa plato na halatang ikinahinto ni Treyden.


Tahimik akong umupo sa upuan ko habang si Treyden naman nakatayo lang at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan.


"If you're just going to stare and breath, hindi ka mabubusog. Just sit and eat."


Treyden cleared his throat before sitting.


Tahimik kaming kumakain, hanggang sa,


"Do you have any plans? Kapatid ka ni Remus at ayoko namang sabihin niya na masyado kitang pinagbabawalan." He asked making me chuckled.


"Takot ka ba kay kuya?"


Maiintindihan ko kung oo ang magiging sagot niya.


Uminom ito ng tubig at seryosong inilipat ang tingin sa akin. "We're friends. I respect him."


My mouth formed O after hearing his answer.


What a loyal son of a bitch.


"Gusto kong matuto mag-bike." It is always my dream ever since. I'm expecting him to say no, because that's the only answer I grew up with.


No matter how productive I want to be, my body won't just cooperate.


"Okay then, tatawagan ko lang si Maxence-"


"Maxence?" Nanliit ang mata kong tanong. I think I heard that name. I just don't remember when.


"Engineer. Maxence Creed Dalton. He is my friend. Close namin siya ni Remus." He explained.


Dahan-dahan naman akong tumango. Naalala ko na, siya nga pala iyong palaging kasama ni Kuya Remus tuwing nangingibang bansa si kuya.


"Kayong tatlo, magkakaibigan ba talaga kayo? Papaano mo sila nakilala? Magkaklase sila ni Kuya Remus eh ikaw? Mas bata ka sa kanila ah." I asked without even looking at him


I heard him sigh. "Aklan"


My forehead creased. "Aklan? What do you mean?"


"Nakilala ko si Remus sa Aklan." He is staring at me intently.

Madalas kong makalimutan na magkapatid sila ni Sunny sa sobrang laki ng pinagkaiba nila.


I fake my laugh just to avoid this weird aura. "Okay fine, you don't have to stare at me like that. You're creeping me out. Seriously"


I don't want to ruin the mood. I want him to be my friend.


Pinunasan ni Treyden ang labi niya at tsaka uminom ng tubig, maya-maya pa.


"Pagkatapos mo kumain, put your plate-"


"Ako na ang maghuhugas" I announced.


I was stunned when I saw Treyden smile, then he suddenly covered his lips with his palm then start laughing.


Vault in Heaven (Classic Series #2)Where stories live. Discover now